sp forum,Tagalog,pelvic pain,con-00062,greener,bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis,Bakit Sumasakit Ang Tagiliran Ng Buntis? | Smart Parenting,bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis, pelvic pain, pain in pelvis, pelvic pain pregnancy, masakit na balakang buntis,Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis? Nase-stretch ang pelvic bone ng buntis at nagiging unstable ang pelvic joint.
PregnancyGetting Pregnant

Buntis At Masakit Ang Tagiliran? Iwasan Ang Pagtayo At Pag-Upo Nang Matagal

Malamang ang nararamdaman mo ay pelvic pain.
PHOTO BYShutterstock/Twinsterphoto

Maraming sintomas ng pagbubuntis ang mararanasan ng isang babae. Isa na rito ang iba't ibang klase ng pananakit ng katawan. Halimbawa, bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis? May dapat nga bang ikabahala?

Ang pananakit ng tagiliran ng buntis o pelvic pain ay karaniwan talagang nararanasan sa pagbubuntis. Ang symphysis pubis ay makikita sa harap ng pubic bone. Tinatawag na Symphysis Pubis Dysfunction (SPD) o mas kilala ngayon na Pelvic Girdle Pain (PGP) ang sakit na nararanasan sa bahagi ng katawan na ito.

Ang pelvic pain ay ang sakit na nararamdaman sanhi ng paninigas o hindi pantay na paggalaw ng pelvic joint sa harap ng pelvis.

Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis

Nangyayari ang SPD dahil nag-stretch ang pelvic bone ng buntis na nagiging dahilan para maging unstable ang pelvic joint kaya nakararanas ng pananakit ng tagiliran. Tumataas at bumababa din ang pubic bone sa magkasalungat na direksyon.

Maaaring maranasan ang kondisyong ito anumang panahon ng iyong pagbubuntis ngunit karaniwan sa second trimester at maaaring ding pagkatapos na manganak.

Sa ibang buntis, ang sakit na nararanasan dulot ng SPD ay nagsisimula sa unang yugto ng pagubuntis at higit na tumitindi pa kalaunan. Nararamdaman ang sakit sa bahagi ng pelvis at groin area at maaaring umabot mula sa lower back papunta sa hita. 

Ang sumusunod ay ilan sa mararamdaman na mga senyales ng SPD:

  • parang paghihiwalay ng iyong pelvic bone
  • hirap sa paglalakad o pag-akyat ng hagdan
  • hirap sa pagtayo sa isang paa
  • hirap sa paglalayo ng mga binti
  • hirap sa pag-ikot o pagbalikwas sa higaan

Sintomas ng pelvic pain sa pagbubuntis

Hindi nakaapekto o delikado para sa baby ang pelvic pain pero nakapagdudulot ito ng matinding sakit sa palibot ng iyong pelvic at magiging sanhi ng mahirap na pagkilos. Nakaririnig ng lagutok sa may pelvic area ang ilang babae na nakararanas nito.

Bukod dito, kung mayroon kang pelvic pain, mararamdam mo ang sakit sa:

  • buong binti
  • pagitan ng area ng vagina at anus (perineum)
  • isa o magkabilaang bahagi ng balakang (lower back)
  • may pubic bone sa gitnang harapan, halos sa may bandang balakang 
watch now

Ayon sa mga eksperto, tinatayang nasa isa sa limang buntis ang nakararanas ng kondisyong ito. Karaniwang nagkakaroon nito ang mga may history na ng sakit sa pelvic at posibleng sa posisyon o timbang ng baby sa sinapupunan.

Ilan sa mga sintomas ng Symphysis Pubis Dysfunction:

  • may history ng sakit sa lower back o pelvic girdle pain 
  • may naging injury na sa pelvis  
  • pagkakaroon ng pelvic girdle pain sa naunang pagbubuntis 
  • pagtaas ng body mass index 
  • paninigarilyo at pagkakaroon ng emotional distress 
  • may trabaho na matindi ang pisikal na pagkilos

Mababawasan naman ang sakit na dulot ng SPD sa pagbubuntis

  1. Kumilos lamang sa kung ano ang kayang gawin 
  2. Iwasan ang mga gawain na magpapalala ng sitwasyon o sakit 
  3. Iwasan ang pagde-kuwatro ng mga binti 
  4. Iwasan ang pag-upo sa sahig 
  5. Iwasan ang pagtayo at pag-upo nang matagal 
  6. Magpahinga kung kinakailangan 
  7. Humingi ng tulong sa paggawa ng gawaing bahay 
  8. Magsuot ng komportableng sapatos o tsinelas 
  9. Umupo habang nagbibihis lalo na pagsusuot ng pantalon o shorts 
  10. Matulog sa komportableng posisyon, mas ipinapayo ang pagtulog nang patagilid 
  11. Sumubok ng ibang paraan ng pag-ikot o pagbalikwas sa higaan 
  12. Hinay-hinay at dahan-dahan sa pag-akyat sa hagdan 
  13. Kung gumagamit ng saklay, magkaroon ng isang backpack na mailalagay ang mga gamit 
  14. Gumamit ng ice pack at ilapat sa pelvic joints nang 10-15 minuto  

Bukod sa mga nabangggit, inirerekomenda rin ng mga physiologist ang pagsusuot ng pelvic support belt dahil makatutulong din ito na maibsan ang sakit. Gayundin ang angkop na pag-eehersisyo o pelvic tilt exercise at ang acupuncture o therapy.

Kung maagang maagapan kung bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis, malaki ang maitutulong upang maiwasan ang matagal at labis na pag-inda ng sakit na maidudulot nito sa pagbubuntis sapagkat agad na malalapatan ng lunas.

Kaya mahalagang ipaalam agad sa iyong doktor kung may nararamdamang sintomas nito at maaaring ma-irefer ka sa isang physiotherapist na eksperto sa paggamot ng mga problema sa pelvic joint.

Basahin dito ang pagsakit ng balakang ng buntis.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close