sp forum,Tagalog,refreshed,con-00307,greener,buntis ba ako kung isang linggo nang delayed ang period ko,refresh,scr23,r08-judy,Sintomas Ng Pagbubuntis: Kapag 1 Week Delayed Buntis Na Ba,pregnancy, period, delayed period, signs of pregnancy, sintomas ng pagbubuntis, pregnancy symptoms, 1 week delayed senyales ng buntis white mens,Paano mo nga ba malalaman kung delayed ka lang o buntis ka na? Ang madalas kasing tanong ay kung buntis ba ako kung isang linggo nang delayed ang period ko.
PregnancyGetting Pregnant

Buntis Ba Ako Kung Isang Linggo Nang Delayed Ang Period Ko?

Paano ko nga ba malalaman kung dapat na akong gumamit ng pregnancy test?
PHOTO BYShutterstock/Chanintorn.V

Updated on August 30, 2023

Missed period o ang kawalan ng regla ang isa sa mga pangunahing sintomas ng pagbubuntis. Pero kung 1 week delayed, buntis na ba? Tama bang isiping buntis ka kung bigla kang hindi niregla?

Tuwing kailan ba nagkakaroon ng regla?

Ang karaniwang menstrual cycle ay 28 days, pero may iba na umaabot hanggang 32 days. Kung regular kang nagkakaroon at wala kang anumang kondisyong pangkalusugan na posibleng makaapekto sa iyong menstrual cycle, maaaring sabihing buntis ka nga.

Maituturing na late o delayed ang isang period kung higit sa 30 days simula nang magsimula ang iyong huling regla ay hindi ka pa rin dinadatnan.

Anu-ano ang mga sintomas ng pagbubuntis?

Paano mo nga ba malalaman na buntis ka? Ano-ano ang mga sintomas nito? Gaano ka-late na period ba ang maituturing na sintomas ng pagbubuntis? Kapag 1 week delayed, buntis na ba?

Narito ang ilan sa mga unang sintomas na mararanasan mo kung buntis ka:

  • Matinding pagod o pagkaantukin
  • Palagiang pag-ihi
  • Madalas na gutom
  • Pakiramdam na bloated
  • Pagkakaroon ng mapait na panlasa
  • Pagduduwal o pagsusuka
  • Sensitibong pang-amoy
  • Pagkahilo
  • Paninigas o masakit ang suso
  • Pananakit ng puson
  • Pagkakaroon ng spotting

Kung may nararanasan ka alin man sa mga ito, makabubuti ang mag-pregnancy test upang matiyak na mabuti at maalis ang anumang pangamba.

Paano gumamit ng pregnancy test kit?

Karaniwang ginagamit upang malaman ng isang babae kung talagang buntis siya ay ang pregnancy test (PT). Nabibili ito sa mga botika ng over-the-counter lamang o hindi kailangan ng reseta.

Kadalasang masasabing accurate ang resulta na ibinibigay ng mga home pregnancy test pero hindi lubos ang garantiya. Gumagana ito sa pamamagitan ng pag-detect ng human chorionic gonadotropin (hCG) sa ihi na napo-produce kapag buntis.

Gamit ang PT, kukuha ka ng iyong ihi na magiging specimen at ilalagay mo sa aparato na siyang magde-detect kung positive o negative. Kung dalawang linya ang makikita, nangangahulugang buntis ka.

watch now

Pero minsan kapag nag-PT ka, maaaring malinaw ang isang linya pero malabo ang isa o faint line. Posible rin na negative ang test na lumabas.

Ngunit nakatitiyak ka na buntis ka dahil sa iba pang sintomas na nararanasan mo at sa malakas na pakiramdam mo. Tandaan lamang na mababa ang lebel ng hCG kapag maaga pa lamang ang pagbubuntis o mga nasa unang linggo pa lamang.

Tumaas ito habang tumatagal ang panahon ng pagbubuntis. Kaya makabubuti na ulitin ang PT pagkaraan ng ilang araw o linggo kung kailan mas mataas na ang hCG para mas accurate ang makuhang resulta.

Anu-ano ang iba pang dahilan ng delayed period?

Kung hindi ka buntis, may iba pang maaaring sanhi ng pagkakaroon ng missed o delayed period. Ito ay maaaring dulot ng sumusunod na mga sitwasyon:

Stress

Ang labis na stress ay maaaring makaapekto sa iyong katawan dahil nagdadala ito ng mensahe sa iyong utak na maaaring makapagpabago sa iyong hormones. Maaaring makapagpahinto ng sa iyong ovulation ang labis na stress.

Weight

Maaari ding makaapekto sa pagreregla ang pagkakaroon ng pagbabago sa timbang. Nagdudulot ng hormonal imbalance ang labis na pagtaas o pagbaba ng timbang na makapagpapa-delay ng iyong period.

Labis na pag-eehersisyo

Kung labis na matindi ang iyong workout o pag-eehersisyo na ginawa sa buong araw, marami ang calories na nawala sa iyo kaya nababawasan din ang enerhiya ng iyong katawan para gumana ang mga system nito. Ito ang makapagdudulot ng pagbabago sa iyong menstrual cycle.

Pagkakaroon ng PCOS

Isa sa sanhi ng hormonal imbalance ay ang pagkakaroon ng sintomas na polycystic ovary syndrome. Hindi regular na nag-o-ovulate ang mga taong may PCOS kaya nagreresulta ito sa hindi maayos na pagreregla.

Paggamit ng birth control

Nakatutulong ang ilang pill para magkaroon ng regular na pagreregla pero may ibang epekto rin ito lalo na sa mga unang buwan ng pagsisimula ng paggamit nito gayundin kapag huminto ka naman sa paggamit nito.

May iba naman na talagang nakapagpapahinto ng pagreregla gaya ng binabakuna, IUD, implant.

Problema sa thyroid o iba pang karamdaman

Ang thyroid ay isang gland na matatagpuan sa leeg na nagpo-produce ng hormones na nakatutulong sa pag-regulate ng mga gawain ng katawan gaya ng menstrual cycle.

Kung mayroon kang hypothyroidism at hyperthyroidism, magdudulot ito ng pagkakaroon ng irregular na pagreregla o kung minsan pa matagal na pagkawala ng iyong regla.

Maaaring obserbahan mo rin muna ang iyong sarili at pakiramdaman ang ilan pang pagbabago na mararamdaman o mararanasan mo bago isiping buntis ka.

Pero kung nais na mabawasan agad ang pag-aalala, mahalaga ang pagpapakonsulta sa ob-gyn upang higit na matiyak ang iyong sitwasyon. Masasagot din ng doktor ang ganitong tanong: Buntis ba ako kung isang linggo nang delayed ang period ko?

Kailan dapat magpatingin sa doktor kung isang linggo nang delayed

Kung isang linggong delayed na ang iyong period at mayroon ka ng mga sumusunod na sintomas, maaari ka nang kumonsulta sa doktor. 

  • May pananakit ang ulo (bago o matagal na)
  • May pagbabago sa grado ng mata  
  • May pagsusuka
  • May lagnat 
  • May hair loss o paglalagas ng buhok
  • May discharge sa suso o paggagatas
  • Mabilis na pagtubo ng buhok

Ano ang implantation bleeding at iba ba ito sa regla?

Ang implantation bleeding ay ang konting pagdurugo na maaring maranasan ng ilang mga babae sa mga unang araw ng kanilang pagbubuntis. Ito ay nagaganap kapag ang fertilized egg o selula mula sa sperm ay naghuhulma sa lining ng matres, isang proseso na tinatawag na implantation.

Ang simpleng pagdurugo na ito ay karaniwang kulay-rosas o light brown at maaring may kasamang kaunting discomfort sa ilalim ng tiyan. Sa karaniwan, ito ay nangyayari mga 6-12 araw pagkatapos ng ovulation.

Mahirap mahalata ang pagkakaiba ng regla sa implantation bleeding dahil halos parehas ito. Gayunpaman, may ilang mga aspeto na maaring makatulong sa pagkakaiba:

Dami: Karaniwang mas magaan at hindi masyadong marami ang dugo na nailalabas sa Implantation Bleeding.

Kulay: Ito ay karaniwang kulay-rosas, light brown, o parang dilaw, samantalang ang karaniwang regla ay mas madilim at mapula.

Tagal: Karaniwang mas maikli ang tagal ng Implantation Bleeding, mula ilang oras hanggang isang araw lamang, habang ang regla ay karaniwang tumatagal ng 3-7 araw.

Discomfort: Sa Implantation Bleeding, maaring magkaroon ng kaunting discomfort, ngunit hindi kasing hirap at sakit ng puson na karaniwang naranasan sa regla.

Kung mayroon kang mga pag-aalala o katanungan, laging mabuting magpakonsulta sa isang propesyonal na doktor upang masigurado ang iyong kalusugan at kalagayan. 

READ ALSO: Magkaka-Regla Lang Ba O Buntis Na? 8 Senyales Paano Malalaman Kung Buntis

Frequently asked questions sa delayed na period

1. Posible bang maranasan ang sintomas ng pagbubuntis bago magkaroon ng delay sa regla?

Oo, posible na maranasan ang ilang sintomas ng pagbubuntis bago pa man magkaroon ng delay sa iyong regla. Ito ay dahil sa mga hormonal na pagbabago na nagaganap sa katawan kapag ang fertilized egg ay nagpapalit-palit ng posisyon patungo sa matres. 

 Ang pinakamainam na paraan upang matiyak ang pagbubuntis ay ang paggamit ng pregnancy test pagkatapos ng ilang araw na pagkaantala ng regla o ang pagsangguni sa iyong doktor.

2. Paano nakakaapekto ang stress sa regularidad ng regla?

Ang labis na stress ay may malalim na epekto sa katawan, kabilang ang hormonal na balanse na maaaring makaapekto sa regularidad ng iyong regla. Ang mataas na stress ay maaaring magdulot ng pagbabago sa hormones na nagko-kontrol sa iyong menstrual cycle. Ito ay maaaring magresulta sa delay o irregularidad sa iyong regla.

3. Maaari ka bang mabuntis kahit naka-birth control?

Opo, bagamat ang birth control ay may mataas na antas ng epektibidad, may maliit na tsansa na mabuntis habang gumagamit nito. Ang mga dahilan nito ay maaaring pagkakamali sa pag-inom ng gamot, interaksyon ng ibang gamot, o pagkakalimot sa pag-inom nito sa tamang oras. Kung ikaw ay may mga pag-aalala, laging magpabakuna sa iyong doktor o health care provider.

READ ALSO: Mga Safe Na Birth Control Method At Pills For Breastfeeding Moms

4. Ano ang kinalaman ng pagkain at inumin sa regla?

Ang kakulangan sa tamang nutrisyon ay maaaring makaapekto sa hormonal balanse at magdulot ng mga irregularidad sa regla. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na bitamina at mineral, pati na rin ang tamang balanseng pagkain para sa pangkalahatang kalusugan ng katawan at regla.

5. Maaari bang magdulot ng delay ang intense na ehersisyo sa regla?

Oo, ang labis na intense na ehersisyo ay maaaring makaapekto sa hormonal balanse ng katawan, na maaaring magdulot ng pagkaantala o pagbabago sa iyong regla. Ito ay tinatawag na "exercise-induced amenorrhea."

6. May mga natural na paraan na maaaring makatulong sa pagpapanatili ng regularidad ng regla?

Ito ay kinabibilangan ng pagkakaroon ng malusog na lifestyle, tamang nutrisyon, sapat na pahinga, at pag-iwas sa sobrang stress.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close