"Paano malalaman kung buntis?"
Isa marahil yan sa pinakamadalas na i-search sa Google ng mga babae at maging ang kanilang partner. Maaaring dahil sila ay balisa o di kaya naman ay excited malaman kung ang pagka-delay ba ng menstruation o regla ay sapat na senyales na ng pagbubuntis.
Ngunit ayon sa eksperto, marami pang pwedeng pangunahing sintomas ng pagdadalang-tao.
Sa unang episode ng bagong video series ng Smart Parenting na "Kalmama," nagbibigay ng impormasyon at tips mula sa mga eksperto kung paanong mas magiging kalmado at panatag ang mga nanay.
Kasama ang Managing Editor ng Smart Parenting na isa ring expecting mom and yoga instructor na si Aussy Perfecto, tinalakay ng isang obstetrician-gynecologist kung ano ang mga paunang sintomas ng pagbubuntis.
Paano malalaman kung buntis: 8 senyales
Ayon kay Dr. Sharon Mendoza, kung ang babae ay may regular menstrual cycle, ang pinakaunang sintomas ay ang pagka-delayed ng menstruation.
Pag nangyari ito, kadalasan dito na sumusubok na mag-pregnancy test ang babae, at kung sakaling mag-positive ito, payo ni Dr. Mendoza na agad na kumonsulta sa doktor para makumpirma kung buntis nga sila.
Kadalasan napagkakamalan ng mga babae na sila ay buntis, lalo na kung hindi regular o irregular ang kanilang menstrual cycle, ngunit sila ay rereglahin lang pala.
"They would also experience some signs na parang dadatnan ng period, like may konting discomfort sa puson, tenderness ng breasts, or parang nauseated or nasusuka pero hindi natutuloy.
Some would think na parang magme-mens pa pero hindi na dumating. Kung minsan, yung iba, nagsa-spotting. Madaling mapagod. Or nagkakaroon ng mood changes and skin, nagkakaroon ng acne breakouts.
Dagdag pa niya, "Pero kung irregular, that's hard so that's the time that they would need to seek consult to us, and we would do ultrasound to confirm the presence of pregnancy."
Diin ni Dr. Mendoza, mahalagang magpatingin kaagad sa doktor kung sakaling may maramdamang sintomas o makaranas ng delay sa menstruation.
Hindi rin daw totoo na dapat mag-antay ng limang buwan bago magpatingin para hindi sayang ang check-up. "It's very important to have an ultrasound early on to check if your baby is alive. Is it single or twins? And are you correct in counting the weeks of the pregnancy because this will matter for you to know when your real due date is."
Tips for first-time moms
May mga tips naman si Dr. Mendoza para sa mga first-time moms.
"We have to remember that pregnancy should always be a happy event. So once you know that you're pregnant or think that you're pregnant, it's very important that you seek consult to the nearest health provider that you have, so it can be an OB-Gyne, it can be a midwife it can be a nurse, so that she can already advise you what's the next step to do."
Para sa karagdagang tips kung paanong maging malusog ang pagbubuntis at para malaman ang Kalmama mantra, panoorin ito: