;
embed embed2
  • Hindi Lang Pagbubuntis Ang Dahilan Ng Late Period: 5 Sintomas Ng Delayed Menstruation

    Kailan dapat mag-alala kapag delayed ang buwanang dalaw?
    by Anna G. Miranda .
Hindi Lang Pagbubuntis Ang Dahilan Ng Late Period: 5 Sintomas Ng Delayed Menstruation
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Normal ang delayed menstruation sa mga babaeng buntis, nagpapasuso o breastfeeding, perimenopausal, o mayroong medical condition tulad ng polycystic ovarian symptom (PCOS). Dahil dito, kabado ang isang babaeng unti-unting nakapapansin sa mga sintomas ng delayed menstruation.

    Tinatawag na period o menstruation ang cyclical bleeding ng babaeng nasa hustong gulang na. Pangkaraniwan ang mula dalawa hanggang pitong araw ng pagkakaroon ng menstruation o regla na normal ang daloy (mula 40 hanggang 60 mls).

    Ovulation o  menstrual cycle ang tawag sa panahong nasa pagitan ng dalawang dalaw. Normal cycle ang mula 21 hanggang 35 araw, at maaari din itong magbago dulot ng stress, anxiety, o ilang karamdaman o medikal na kondisyon. Karaniwan sa mga nagsisimulang mag-menstruation ay nasa edad 10 hanggang 16 taong gulang.

    "The menstrual cycle is the time from the first day of a woman's period to the day before her next period," paliwanag ni Toni Belfield, espesyalista sa sexual health information, at isa ring trained fertility awareness teacher.

    "Girls can start their periods anywhere from age 10 upwards, but the average is around 12 years," dagdag pa niya. "The average age for menopause (when periods stop) in this country (America) is 50 to 55."

    Sa pagitan ng mga edad 12 at 52, nasa 480 periods ang mararanasan ng isang babae (o mas kaunti kung siya'y nabuntis).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalagang bahagi ng reproductive life ng isang babae ang kanyang regla o buwanang dalaw. Ang prosesong ito ang naghahanda sa katawan ng babae para magkaroon ng buhay sa kanyang sinapupunan. Senyales din ito kung kailan fertile ang isang babae.

    Sa bawat cycle nito kada buwan, inihahanda ng endometrium ang katawan sa pagbuo ng  fetus. Kapag mas mataas ang levels ng estrogen at progesterone, mas kumakapal ang walls ng matris.

    Kung walang fertilization na mangyayari, magsisimula na ang endometrium, kasama ang dugo at mucus mula sa vagina at cervix sa pagbuo ng menstrual flow. Kapag ang lining ng matris o uterus ay nadudurog at natatanggal, sa puerta o vagina daraan at aagos ang dugo. Ito ang tinatawag nating regla o mens.

    Ang pagkakaroon ng regular periods ay senyales ng maayos at mabuting kalusugan. Masuwerte raw ang mga babaeng regular ang menstrual cycle. Ibig sabihin, dumarating sa inaasahang araw ang dalaw nila, normal ang daloy ng dugo, at minimal discomfort ang karaniwang nararanasan.

    May mga babae kasing nakararanas ng mga pisikal, emosyonal, at sikolohikal na mga sintomas bago at habang may dalaw, at madalas na sila ang mga mayroong irregular menstruation o kung bakit mahina ang menstruation

    Itinuturing namang late o delayed ang menstruation kung ang dalaw ay hindi dumating sa loob ng usual time frame mula magsimula ang huling period. Bakit nga ba nahuhuli ang pagdating ng dalaw?

    Mga dahilan at sintomas ng delayed menstruation

    May ilang mga posibleng sanhi ng hindi pagdating ng regla sa inaasahang araw:

    Pagbubuntis

    Ang pagbubuntis ang pinakakaraniwang sanhi ng hindi pagdating ng regla sa inaasahang petsa. Kung nakipagtalik nang walang contraception, posibleng ang late period ay dahil dito. Makatutulong ang pregnancy test upang mas makasiguro.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga pangkaraniwang sintomas:

    • Clear milky white at labis na discharge pagkatapos ng delayed na dalaw
    • Pananakit ng tiyan, lalo sa lower abdomen
    • Pananakit ng suso
    • Mabilis mapagod
    • Pagsusuka
    • Food aversion
    • Nausea

    Pagkakaroon ng medical condition

    Hormonal problems, tulad ng mga problema sa reproductive organs o ng mga naidudulot ng health conditions. PCOS ang isa pang dahilan ng delayed menstruation.

    Mga sintomas:

    • Labis na pananakit ng ulo
    • Pababago sa paningin o vision
    • Nausea at pagsusuka
    • Lagnat
    • Paglalagas ng buhok
    • Discharge sa suso o milk production
    • Labis na hair growth o pagtubo ng buhok sa ilang bahagi ng katawan

    Delayed period sa mga teenager

    Mayroong mga kaso na normal ang delay sa development ng isang babae, kaya late ang pagdating ng kanyang unang period. Tinatawag din itong delayed puberty.

    Lifestyle influences at hormonal imbalance

    Mahalagang papel din ang ginagampanan ng lifestyle o pang-araw-araw na pamumuhay sa kalusugan. Ang ating hormones naman ay tinaguriang chemical messengers ng ating katawan. Parehong dapat pagtuunan ng pansin ang mga ito kapag nakararamdam o nakararanas ng sumusunod:

    Mga sintomas:

    • Pagiging underweight
    • Pagiging overweight
    • Sobrang pag-e-ehersisyo (halimbawa rito ang mga babaeng atleta)
    • Pagkakaroon ng eating disorders
    • Labis na stress

    Amenorrhea

    Sa mga babaeng malapit nang mag-menopause, dumaraan sila sa tinatawag na amenorrhea o pagtigil ng menstruation. Masasabing narating na ang menopause kapag dumaan ang isang taon na walang dalaw, kahit spotting lang.

    Mga sintomas:

    • Tatlong buwang walang dalaw
    • Hindi pa rin dinaratnan sa edad 15

    Nararanasan ito ng uula 3% hanggang 4% ng mga babae. Kung hindi pagbubuntis o pagpapasuso ang dahilan ng amenorrhea, posibleng tumigil na ang iyong ovaries sa pag-produce ng sapat na estrogen. Maaari din itong magdulot ng seryosong mga epekto sa iyong kalusugan. (Basahin dito kung may paraan para lumabas ang regla.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Menopause o perimenopause

    Permanente na ang pagtigil ng menstrual periods at hindi ka na mabubuntis dahil pagkatapos ng menopause, kakaunti na lamang ang nagagawang estrogen at progesterone hormones ng iyong katawan. 

    Kapag napakababa ng iyong estrogen levels, siguradong makaaapekto ito sa iyong kalusugan at magdudulot ng mga sintomas tulad ng hot flashes. Maaaring makaranas ng hot flashes ilang taon bago marating ang menopause. Tinatawag na perimenopause ang panahong ito.

    May paalala ang mga eksperto: Ang haba ng normal menstrual cycle ay 28 days, plus/minus 7 days. Ibig sabihin, ang isang period ay maaaring magsimula pitong araw bago ang inaasahang petsa o ma-delay rin sa loob ng 7 araw pagkatapos ng expected date. Tandaang kapag mahigit sa 35 (28+7) araw, kailangang agad na kumunsulta sa doktor.

    Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

    Ang sumusunod na period problems ay nangangailangan ng agarang medikal na atensyon:

    • Negatibo ang resulta ng pregnancy test pero tatlong buwan ka nang hindi dinaratnan
    • Hindi ka nagpapasuso o breastfeed ngunit nakararanas ka ng mga sintomas ng delayed menstruation

    Para sa teenagers, maging alerto kung hindi pa rin dinaratnan sa loob ng tatlong taong nagsimula nang lumaki ang mga suso, o ang mga suso ay hindi pa rin nagsisimulang lumaki sa edad na 13. Tandaang mahalaga ang pagkunsulta sa doktor upang masuri nang mabuti ang mga sintomas ng delayed menstruation at nang mabigyan ng angkop na gamot o treatment.

    Basahin dito kung bakit may mga pagkakataong mahina ang menstruation.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles