-
Labor & Childbirth Why C-Section Moms Are Brave: The Serious Risks They Face During Delivery
-
Toddler Having Good Grades Is Not The Only Way A Child Will Excel In Life, Says Psychologist
-
Wellness Embracing Mom Bod! 6 Moms Say Bye To Insecurities, Hello Sexy And Strong Body
-
Family Fun The Peninsula Manila Has A Terrific Staycation Deal For Moms And Their Families
-
May Paraan Ba Para Lumabas Ang Regla Kung Hindi Naman Buntis?
Dapat malaman muna kung bakit 'walang dalaw.'by Jocelyn Valle .

PHOTO BY Shutterstock/Photo_mts
Bukod sa pagiging buntis, may ibang mga rason kung bakit hindi nagkakaroon ng menstruation. Mainam na alamin muna ito bago hanapan ng paraan para lumabas ang regla. Baka kasi delayed lang talaga ang dating ng buwanang dalaw.
Bakit ayaw lumabas ng regla?
Tinatawag na amenorrhea ang hindi pagkakaroon ng regla ng isa o higit pang beses na menstrual period. Narito ang ilan sa mga posibleng dahilan ng amenorrhea, ayon sa mga medical experts:
Pagiging stress
Ayos lang ang konting stress sa buhay, sabi ni Shelley White-Corey, isang clinical assistant professor sa Texas A&M Health Science Center College of Nursing. Pero ibang usapan na kapag humantong sa chronic stress.
Iyan ang pagiging stress nang madalas at tumatagal pa minsan. Ang nangyayari tuloy, nawawala ang balanse sa katawan. Nagiging aktibo ang hormone na cortisol at inilalagay nito ang katawan sa survival mode. Isa sa mga puwedeng epekto nito ay ang pagtigil pansamantala ng menstruation.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSobrang exercise
Bagamat maganda sa kalusugan ang exercise, mas maganda kung huwag bibiglain ang katawan. May epekto kasi ang sobrang page-exercise sa pagbaba ng estrogen level. Ang estrogen ang hormone na nagre-regulate ng female reproductive process.
Kaya nga raw may mga atleta na nakakaranas ng secondary amenorrhea kapag masusi ang kanilang pagsasanay. Ibig sabihin, hindi sila nagkakaroon ng menstruation ng 6 months o higit pa dahil sa rigorous training.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBiglaang pagbabago sa timbang
Kung marami ang nadagdag o o di kaya nabawas sa iyong timbang, maaaring maapektuhan ang iyong monthly cycle. Puwede kasing sangkot dito ang mas malalim na dahilan ng biglaang pagbabago sa timbang.
Baka dahil sa uncontrolled diabetes kaya ka biglang tumaba o di kaya meron kang eating disorders kaya ka naman biglang pumayat. Kabilang sa eating disorders ang anorexia at bulimia. Makakatulong ang pagkonsulta sa doktor para ma-address ang problema mo sa timbang at ang ugat nito.
Biglaang pagbabago sa oras ng pagtulog
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKapag nasanay ka na sa morning shift na pagtatrabaho at bigla kang nalipat sa night shift, posibleng magkaroon din ng pagbabago sa iyong monthly period.
May isang pag-aaral ang nagsasabing may kinalaman ang disruption sa circadian rhythm sa pagiging irregular ng dating ng menstruation. Ang circadian rhythm ang internal body clock na nagre-regulate ng mahalagang cellular processes.
Medication
Maaaring side effect ang hindi pagkakaroon ng menstruation kung may bago kang iniinom na gamot. Ayon sa Mayo Clinic, kasama sa listahan ang ilang uri ng gamot tulad ng:
- Antipsychotics
- Cancer chemotherapy
- Antidepressants
- Blood pressure
- Allergy medications
Samantala, may mga kababaihan daw na tumitigil ang kanilang menstruation dahil sa birth control medication (pills, injection, IUD). Kahit huminto sila sa pagte-take ng ganoong medication, hindi kaagad bumabalik ang regular ovulation at menstruation.
Problema sa thyroid
Gumagawa ang thyroid gland ng hormones na tumutulong sa pag-control ng maraming vital functions sa katawan. Nagkakaroon ng sakit sa thyroid, kadalasan ang mga kababaihan, kapag nasobrahan (hyperthyroidism) o di kaya nagkulang (hypothyroidism) ang dami ng thyroid hormones sa katawan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa parehong klase ng sakit, maaaring maapektuhan ang pagkakaroon ng menstruation.
Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)
Tulad ng problema sa thyroid, ang PCOS ay nagdudulot ng hormonal imbalance. Maaaring maapektuhan nito ang pagtigil ng menstruation. Makatutulong na magpatingin sa doktor para makasiguro na meron kang PCOS.
Perimenopause
Sa pagtungtong ng edad 40, posibleng magsimula na ang unang yugto ng menopause para sa maraming kababaihan. Tinatawag itong perimenopause, kung saan bumababa na ang estrogen level. Kaya dumadalang na rin ang regla.
May paraan para lumabas ang regla?
May mga kababaihan na malayo pa sa perimenopause at wala namang medical condition, pero sadyang nade-delay o napakakonti ng kanilang period. Nakakahanap sila ng mga paraan para lumabas ang regla mula sa:
Pag-inom ng ginger tea
Pinaniniwalaan na nakakatulong ang luya sa paglabas ng regla o induced period.
Paglagay ng turmeric sa lutuin o inumin
Bilang traditional remedy, may kakayahan daw ang turmeric na balansehin ang estrogen at progesterone levels.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPagkain ng hilaw na papaya
Ayon sa isang pag-aaral sa India, mayroon ang hilaw na papaya na “quality that can control the contractions of the muscle fibers of the uterus.”
Meditation
Subok na ng maraming tao ang meditation o yoga bilang pangtanggal ng stress. Nare-relax kasi ang katawan at kaisipin. Ang resulta: gumagaan ang pakiramdam at umaayos ang sistema. Maaaring kasama diyan ang paglabas ng regla.
Kung dalawang buwan na o mahigit na hindi ka pa nagkakaregla, mag-consult na sa doktor para malaman ang dahilan kung bakit delayed ang period. Puwedeng buntis ka rin lalo na kung nakipagtalik kamakailan lamang.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network