herbal medicine,Tagalog,halamang gamot,greener,luyang dilaw benefits,Luyang Dilaw Benefits | Smart Parenting,luyang dilaw benefits, luyang dilaw, turmeric, turmeric benefits, halamang gamot,Maraming luyang dilaw benefits ang makukuha sa halamang gamot na ito.
HealthYour Health

Hindi Lang Kulay Ang Kakaiba Sa Luyang Dilaw: 6 Benepisyong Hatid Ng Halamang Gamot Na Ito

Kilala ito sa tawag na turmeric.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Tulad ng mga benepisyo ng luya sa katawan, may luyang dilaw benefits na pinaniniwalaang subok na ng karamihan. Kailangan lang malaman kung para saan at paano ito gamitin bilang halamang gamot.

Ano ang luyang dilaw? 

Kilala ang luyang dilaw sa English bilang turmeric, turmeric root, at Indian saffron. Tinatawag naman ito sa Latin bilang Curcuma longa, Curcuma domestica, at Curcuma aromatica. Isa itong halaman na kabilang sa pamilya ng luya (ginger) at katutubo sa Southeast Asia, pati na sa India.

Hitik ang luyang dilaw sa chemical compound na curcumin, na siyang nagbibigay ng matingkad na kulay dilaw. May hatid ang curcumin na antioxidant at anti-inflammatory effects, ayon sa isang medical review na nailathala sa United States National Library of Medicine.

Ang rhizome, o iyong nakabaon na sanga ng halaman, ang ginagamit sa pagluluto at panggamot. Puwede itong ilaga bilang tsaa o di kaya dinidikdik bilang pampahid sa balat. Pero meron na ring nabibili na powder para madaling matimpla at capsule bilang dietary supplement. Ibinebenta kasi ang turmeric bilang panlaban sa maraming sakit.

Luyang dilaw benefits

Mula pa sa sinaunang kaalaman at kasanayan sa India at China, pati na sa Pilipinas, ginagamit na ang luyang dilaw bilang lunas sa mga sakit sa balat, kasu-kasuan, panunaw, at pag-ubo. Sa panahon ngayon, ginagamit ang turmeric supplement para sa mas marami pang kondisyon, kabilang na ang sakit sa atay, allergy, at depression.

May paalala lang ang mga eksperto ng United States National Center for Complementary and Integrative Health (NCCIH). Anila, marami ng pag-aaral ang ginawa sa turmeric. Pero hindi pa rin daw malinaw ang mga epekto nito sa kalusugan. Kaya mainam daw na iwasan ang pagkonsumo ng luyang dilaw na mas marami pa sa karaniwang nilalagay sa pagkain kung ikaw ay buntis o di kaya nagpapadede.

watch now

Gamot sa rayuma (arthritis)

Nakakatulong para mapawi ang sakit tuwing may rayuma ang pag inom ng turmeric tea. Pinapakuluan lamang ang pinitpit na luyang dilaw sa isang litro ng tubig at saka iniinumin dalawang beses kada araw hanggang sa mawala ang sakit dulot ng arthritis. Ito ay dahil sa anti-inflammatory effects ng curcumin, ayon sa medical review tungkol sa turmeric.

Paghasa ng memorya

Lumabas sa isang pag-aaral na nakakatulong ang pag-inom ng 90 milligrams ng curcumin dalawang beses kada araw sa loob ng 18 months sa pagbuti ng memorya ng adults na walang sakit na dementia. Ito ay ayon kay Nicole Hopsecger, isang registered dietician sa Cleveland Clinic. May kinalaman daw diyan ang antioxidant properties ng curcumin at ang pagbawas ng brain inflammation.

Pangontra sa free radicals

Taglay ng turmeric ang antioxidant properties na, ayon sa isa pang pag-aaral, nagbibigay proteksyon sa katawan laban sa free radicals. Kinokontra ng turmeric ang free radicals at ginagawa itong neutral para hindi makapinsala sa katawan. May isa pang pag-aaral na nagsasabing hinihikayat ng antioxidant effects ng turmeric ang iba pang antioxidants na pagsanib-puwersa sa pangangalaga sa katawan.

Panlaban sa sakit sa puso

Dahil may kakayahan ang luyang dilaw na magpababa ng pamamaga (inflammation) at oxidation, posibleng makatulong ito laban sa sakit sa puso. May mga pag-aaral nang ginagawa tungkol diyan, sabi ni Hopsecger.

Isa iyong sinalihan ng mga malulusog na middle-aged at older adults. Uminom sila ng curcumin supplements sa loob ng 12 weeks, at pagkatapos nakitaan sila ng pagtaas ng resistance artery endothelial production, na malaki ang papel sa pagmintina ng blood pressure.

Pagbigay ng ginhawa sa ngipin

Kilala bilang halamang gamot sa sakit sa ngipin ang luyang dilaw dahil pa sa tanglay nitong anti-inflammatory at antibacterial properties. May nabibiling power form nito, at iyon ang mainam na ihalo sa kaunting tubig o di kaya honey para makagawa ng paste. Ipapasak ang paste sa sumasakit na ngipin hanggang bumuti ang pakiramdam mo.

Gamot sa mamaso

May kakayahan ang luyang dilaw na pumuksa ng bacteria, ayon sa isa pang medical review tungkol sa antibacterial properties ng curcumin. Kabilang diyan ang bacterial infection sa balat, tulad ng impetigo, na tinatawag din ng mga Pinoy na mamaso.

Pinatotohanan ng isang mommy sa Parent Chat online community ng SmartParenting.com.ph ang bisa ng luyang dilaw sa paggaling ng tatlo niyang anak mula sa mamaso.

Aniya ganito ang paggamit sa luyang dilaw para sa sugat mula sa mamaso: "Pitpitin, kakatasin n'yo every day. Lagi dapat bago. Gamitan mo cotton buds pag pinapahid mo na sa mga wounds. Kahit 'yun maliit na parang period pa lang pahiran mo na para di na tumuloy. It will last a week or two. Walang peklat. Most effective antibiotic 'yang luyang dilaw."

Bilin lang ng mga eksperto na komunsulta pa rin sa doktor habang tinatamasa ang luyang dilaw benefits. Mainam pa rin daw na makasiguro sa magiging epekto nito sa iyong kalusugan.

Para sa mga halamang gamot na aprubado ng Department of Health, basahin dito.

 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close