;
embed embed2
Life Changing Ang Panganganak: Ibig Sabihin Dapat Masaya, Di Ba?
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Blessing kung ituring ang pagbubuntis ngunit paano kung imbes na kasiyahan, mas nakakaramdam ka ng lungkot at pagkabahala?  Kung ikaw ay isang soon-to-be mom at may ganito ring pinagdaraanan, mainam na alamin ang paalala ng World Health Organization (WHO).

    Kabilang sa mga binigyang-pansin ng WHO ang kalusugan at mental well-being ng mga ina at buntis bilang bahagi ng World Mental Health Day ngayong Oktubre 10.

    Una sa lahat, ipinaalala ng WHO na ang depression o labis na kalungkutan ay isang common health condition. Walang dahilan upang itanggi ang iyong tunay na nararamdaman. Mas makabubuti na maging bukas tungkol sa ganitong usapin upang agad na makakuha ng suporta.

    Bakit nga ba nakakaranas ng depression ang mga buntis?

    Malaking pagbabago ang dala ng pagbubuntis at panganganak. Bagama't nakaka-excite at nakakatuwa na magkaroon ng karagdagang miyembro ng pamilya, kaakibat nito ang maraming preparasyon na maaaring maging sanhi ng labis na pagkabahala, pagod, at lumbay. Madalas na hindi nagtatagal ang mga negatibong emosyon na ito ngunit maaaring nakakaranas ka na ng depression o anxiety kung patuloy itong nararamdaman ng mas mahabang panahon.

    Nandiyan rin ang tinatawag na postpartum depression (PPD) na tipikal na nangyayari matapos manganak. (Basahin dito ang tungkol sa PPD). "Worthlessness" o "guilt" ang ilan sa mga nararamdaman ng mga bagong paanak na ina na nagiging sanhi upang mahirapan silang bumuo ng bond sa bagong-silang na anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung nakikita ang iyong sarili sa ganitong sitwasyon, alalahanin na valid ang iyong nararamdaman at hindi ka nag-iisa. (Basahin dito ang mga payo upang malabanan ang PPD).

    Mahalagang tandaan ang paalala ng WHO: "Depression and anxiety during pregnancy and following childbirth are very common and are not signs of weakness."

    Paano malaman kung depression na ang iyong nararamdaman?

    Ayon sa WHO, huwag mag-atubiling humingi ng tulong kung napapansing tila hindi napapawi ang iyong kalungkutan at pagkabahala. Gayundin kung lagi mong kinukuwestiyon ang iyong kakayahan na alagaan ang iyong sarili at iyong bagong-silang na anak. Kabilang rin sa mga sintomas ang mga sumusunod:

    • Laging pag-iyak
    • Laging pagod
    • Hirap sa pag-tulog
    • Pagkabalisa

    Isa ring sintomas na dapat alamin ay ang kawalan ng gana. Maaaring kawalan ng gana sa pagkain o kawalan ng gana sa mga aktibidad na dati'y madalas mong ginagawa.

    Mga dapat gawin

    Ang pagiging bukas sa iyong nararamdaman lalo sa pamilya at kaibigan ang pinakaimportanteng maaaring gawin sa mga pagkakataong tila mailap ang pagiging masaya. Sa pagbabahagi sa iba ng iyong sitwasyon, mas gumagaan ang iyong nararamdaman. Hindi rin masama na humingi ng tulong sa iba kung nabibigatan sa mga gawain.

    Makakatulong din ang pakikipag-usap sa ibang nanay na may parehong karanasan upang malampasan ang PPD. (Basahin dito ang payo ng ilang ina kaugnay ng PPD.)

    Huwag ring mag-atubiling sumangguni sa inyong doktor na makakapagbigay ng propesyonal na payo para sa tamang treatment.

    Basahin dito ang mga karagdagang postpartum care and recovery tips.

    Huwag magatubiling humingi o humanap ng professional help kung may nararamdamang anxiety, pangamba, helplessness, o matindinig kalungkutan. Narito ang ilang institutions na may psychiatric services.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles