health,pregnancy,menstruation,ovulation,reproductive health,buntis,sintomas ng pagbubuntis,trying to conceive,trying to get pregnant,Medical Health,sc25,menstrual pain,facts about menstruation,regla,Dalawang Beses Na Niregla Sa Isang Buwan, Buntis Ba?,Bakit nangyayari ang dalawang beses na regla sa isang buwan.
PregnancyGetting Pregnant

Dalawang Beses Na Niregla Sa Isang Buwan, Buntis Ba?

Alamin kung bakit ito nangyayari at kung senyales ito ng pagbubuntis.
PHOTO BYCANVA

Bahagi ng reproductive health ng mga kakaibahan ang buwanang dalaw o regla. Karaniwan na nangyayari ito isang beses kada buwan. Pero may mga pagkakataon na maaaring magkaroon nang hindi regular na menstrual cycle ang isang babae. Posible na maging dalawa o higit pa ang maranasan ng iba na pagdurugo sa loob ng isang buwan. Kung nagpaplano naman na magbuntis, mapapaisip ka kung normal ba ito o posible kayang mabuntis sa ganitong sitwasyon? Posible rin bang mabuntis kapag may iregular na regla?

Ano ang normal na Menstrual Cycle? Ayon sa website ng National Health Service, ang regla ay tumatagal nang dalawa hanggang pitong araw. Umaabot naman sa 20 hanggang 90ml ang nawawalang dugo sa isang babae sa bawat pagreregla. May ilang babae na mas matindi ang nararanasan na higit sa ganitong dami pero madalas na may kaakibat itong medikal na kondisyon.

Ang normal na menstrual cycle naman ay tumatagal nang 21 hanggang 35 araw na may average na 28 araw. Nagsisimula ang bilang ng menstrual cycle sa unang araw ng pagreregla ng babae hanggang sa araw bago magsimula ang susunod niyang regla.

Ano ang nangyayari sa panahon ng Menstrual Cycle?

Bahagi ang regla ng natural na proseso ng paglagas ng lining ng matris o endometrium. Nangyayari ang regla dahil sa mga hormone. Batay sa website ng Cleveland Clinic, ang hormone ay mga kemikal na nagpapadala ng mensahe sa katawan. Gumagawa at nagpapakalawa ang ating pituitary gland at mga ovary ng partikular na mga hormone sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa panahon ng mentsrual cycle.

Ang mga hormone na ito ang dahilan ng pagkapal ng lining ng iyong matris. Nangyayari ito para kapag may naganap na pagbubuntis, maaaring kumapit ang fertilized egg sa lining ng matris. Ito rin ang nag-uudyok sa ovary na maglabas ng egg para sa ovulation. Bababa ang egg sa fallopian tubes at maghihintay ng sperm cell o semilya. Kapag walang naganap na pagbubuntis o walang semilya na magpe-fertilize sa egg cell, matatanggal ang lining sa iyong matris at ito ang iyong nagiging regla.

watch now

Gayunpaman, may mga kababaihan na nakararanas ng dalawang beses na nireregla sa isang buwan. Nakapagdudulot nga rin ito ng pag-aalala sa kanilang kalusugan lalo na kapag may kasamang sintomas ng pananakit ng puson at katawan, sobrang pagkapagod, at pagbabago sa regla.

Bakit nagkakaroon ng dalawang beses na pagreregla sa isang buwan?

Bagaman hindi pangkaraniwan, masasabing normal ang paminsang-minsang pagbabago sa menstrual cycle. Bukod dito, may mga dahilan din kung bakit posibleng maranasan ng isang babae ang dalawang beses na regla sa isang buwan.

1. Maikling menstrual cycle

Kung may mas maikling cycle gaya ng 21 araw lamang, maaaring magkaroon ng regla sa simula o sa dulo ng parehong buwan.

2. Hormonal imbalance

Maaaring makaapekto rin ang pagbabago sa hormones gaya ng estrogen at progesterone. Ang mga salik naman na nakapagdudulot ng hormonal imbalance ay stress, sobrang pag-eehersisyo, biglaang pagbabago sa timbang.

3. Ovulation bleeding

Nakararanas ng spotting o bahagyang pagdurugo sa panahon ng ovulation na karaniwang nangyayari sa gitna ng cycle. Mapagkakamalan itong regla pero hindi ito kasing tindi ng karaniwang pagdurugo.

4. Polycystic Ovary Syndrome

Sa kondisyon ng pagkakaroon ng PCOS, hindi balanse ang hormone levels kaya nagreresulta ito ng irregular na pagdating ng regla. Kapag may PCOS ang isang babae, posible siyang makaranas ng dalawang beses na regla sa isang buwan o sobrang tagal bago muling datnan.

5. Paggamit ng birth control

Ang paggamit ng contraceptives ay makapagdudulot din ng irregular na regla lalo na sa unang mga buwan ng paggamit nito.

6. Uterine fibroids

Ang pagkakaroon ng fibroids o ng polyps ay nagiging sanhi rin ng madalas at mas mabigat na pagdurugo.

7. Perimenopause

Ang mga kababaihan na nasa edad na higit 30 hanggang 40 ay makararanas nito ay maaaring magdulot ng irregular na regla o ang dalawang beses na pagregla sa isang buwan

Kung may napansing kakaiba sa pagreregla at may kasamang ibang sintomas pa, mabuti ang pagpapakonsulta para malaman ang kondisyon ng reproductive system at maagapan ang anumang sakit na kaugnay nito.

Posible bang senyales pa rin ng pagbubuntis ang pagkakaroon ng regla?

Sa karaniwang mga kaso, ang pagkakaroon ng regla na dalawang beses sa isang buwan ay hindi nangangahuluhan ng pagbubuntis. Sa katunayan, ang pagkawala ng regla sa isang buwan ay posibleng maging sanhi ng pagbubuntis.

Bagaman may ilang pagkakataon na ang nararanasang pagdurugo ay kaugnay ng pagbubuntis lalo na kung ngayon lamang naranasan ito. Ayon sa Kids Health, nangyayari ito batay sa sumusunod na sitwasyon:

1. Implantation bleeding

Kapag dumikit ang fertilized egg sa lining ng matris, maaaring magdulot ito ng bahagyang pagdurugo na tinatawag na implantation bleeding. Karaniwan itong nangyayari 10-14 na araw pagkatapos ng fertilization at maaaring akalain na mahinang regla.

2. Ectopic pregnancy

Isa itong kondisyon ng pagbubuntis kung saan ang fertilized egg ay na-implant sa labas ng matris o karaniwan sa fallopian tube. Posible itong magdulot nang hindi pangkaraniwang pagdurugo na aakalain din bilang regla pero seryosong kondisyon ito na nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

3. Miscarriage

Kapag nakaranas ng matinding pagdurugo ang isang buntis, posibleng senyales ito ng miscarriage o pagkakunan. Ito ay parang isang mabigat na pagreregla lalo na kung maagang nangyari sa pagbubuntis.

Kung nakararanas ng dalawang beses na regla sa isang buwan, makatutulong ang paggamit ng period tracker para makita ang padron ng iyong menstrual cycle. Umiwas din sa mga stress, magkaroon ng sapat na pahinga, at kumain ng masustansiyang pagkain para manatiling malusog ang pangangatawan. Kung nais mong matiyak na talagang buntis ka sa dalawang beses na pagregla sa isang buwan, mainam na mag-pregnancy test. Kung maging positibo ito, agad na magpakonsulta sa iyong doktor.

Kung may kasamang iba pang sintomas o hindi normal ang iyong cycle, pinakamabuti pa rin ang pagpapatingin sa doktor para masuri ang dahilan at malaman ang kalusugan ng iyong reproductive system.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close