embed embed2
  • Mga Posibleng Dahilan Ng Pregnancy Dreams, Ayon Sa Mga Eksperto

    Napapansin ng mga buntis na dumadalas at nagiging weird ang kanilang mga panaginip.
    by Jocelyn Valle .
Mga Posibleng Dahilan Ng Pregnancy Dreams, Ayon Sa Mga Eksperto
PHOTO BY Shutterstock
  • May mga pagkakataon na nagigising tayo at napapaisip ng ibig sabihin ng panaginip. Dahil siguro sa sobrang linaw na parang totoong nangyari o di kaya napakagulo na hindi mo maintindihan. Madalas daw mangyari ito lalo na sa mga buntis.

    Hindi pa lubusang naipapaliwanag ang layunin (purpose) at nilalaman (content) ng panaginip (dreams), ayon sa mga eksperto mula sa American Sleep Association. Pero matagal nang tinatalakay ang usaping panaginip sa hanay ng religion at philosophy, maging ng science.

    Bakit may panaginip

    Oneirology ang tawag sa scientific study of dreams. Natukoy ng mga scientist na nagaganap ang panaginip habang nasa rapid eye movement stage (REM) ang taong natutulog. Sa REM stage raw kasi mataas ang brain activity na hindi nalalayo sa panahong gising.

    Sinasabing nasa REM stage ang taong natutulog kapag bumibilis ang galaw ng kanyang mga mata. Kahit wala sa REM stage, pupuwede pa rin daw managinip, pero hindi na kasing linaw at madali nang makalimutan.

    Sa paglipas ng mga panahon at maraming paga-aral, nagkaroon ng iba-ibang interpretasyon sa panaginip. Karamihan sa kanila ay may koneksyon sa unconscious mind.

    Ayon sa theory ni Sigmund Freud, isang Austrian neurologist at founder ng psychoanalysis, lumalabas ang hidden emotions at desires ng isang tao sa pamamagitan ng panaginip.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May ibang theory naman na nagsasabing tumutulong ang panaginip para malutas ang problema at tumalas ang memorya, o di kaya random brain activation lang. Ibig sabihin, bigla na lang nangyayari na walang dahilan.

    Panaginip at pagbubuntis

    Maraming buntis ang nakakapansin na dumadalas at nagiging weird ang kanilang panaginip. Kabilang na nga raw ito sa mga sintomas ng pagbubuntis simula Week 17.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinasabing may kinalaman ang pagi-iba ng hormone levels sa katawan ng buntis kaya nagugulo ang sleep rhythms at nagkakaroon ng bagong dream patterns.

    Kadalasang may kaugnayan ang ibig sabihin ng panaginip sa kalagayan ng buntis. Kung nasa first trimester siya, halimbawa, malamang ang mga makikita niyang imahe ay may kinalaman sa fertility, gaya ng tubig, prutas, at sanggol.

    Tulad ng sabi ni Freud, lumalabas ang hidden emotions sa panaginip. Kaya ano man ang nararamdaman ng buntis, positive man o negative, nabubuo ang mga iyon kapag nananaginip siya. Silang mga nakakaranas ng depression daw ang kadalasang nagkakaroon ng bad dreams o nightmares.

    Ayon sa Sleep Foundation, may mga research na nagsasabing mas madalas ang pregnancy-related dreams sa first-time moms at disturbed dreams naman para sa dumadanas ng pregnancy complications.

    Meron nga raw isang kaso ng isang buntis sa early part ng third trimester na malimit managinip sa kaligtasan ng kanyang baby. Iyon pala ang panahon na mataas ang panganib ng sanggol para sa preterm birth.

    Nang malampasan niya ang pagsubok na iyon papuntang late part ng third trimester, nagbago ang tema ng kanyang panaginip at naging tungkol na sa childbirth.

    Anong puwedeng gawin ng buntis kapag madalas managinip

    Maaaring masolusyunan ang discomfort hatid ng vivid at frequent dreams depende sa mga posibleng dahilan, ayon sa mga eksperto. Kung epekto iyon ng putol-putol na pagtulog, makakatulong kung:

    • Subukan ang ibang sleeping positions, gaya ng sa left side.
    • Ayusin ang schedule ng pagtulog para maging consistent ang dating ng antok.
    • Iwasan ang pag-inom ng maraming tubig bago matulog nang hindi nagigising para pumunta sa banyo.
    • Piliin pang-dinner ang mga pagkain na hindi maanghang, maasim, at masebo upang hindi atakihin ng heartburn at mahirapang makatulog.
    • Ugaliing mag-relax sa kama hanggang makatulog nang maayos.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung masyadong bothered sa vivid at frequent dreams, rekomendado ng mga eksperto ang pagkakaroon ng tinatawag na dream journal.

    Sa notebook na iyon, isusulat mo ang nakita at naramdaman mo sa panaginip. Makakatulong daw sa pag-release ng anxiety habang inaalam ang ibig sabihin ng panaginip.

    Mainam din daw kung mag-open up sa asawa o partner, pati na sa kaibigan, para mapag-usapan ang mga nararamdamang emosyon. Makakapagbigay din ang iyong doktor ng paliwanag sa pinagdadaanang pagbubuntis at haharapin na panganganak.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles