Siyam na taon nang kasal ang aktres na si Maricar Reyes, 41, sa singer na si Richard Poon, 41, pero hindi pa sila nagkakaanak.
Ayon kay Maricar, hindi sila nagkulang ni Richard sa pagsubok pero sadyang hindi pa sila nabibiyayaan ng supling.
Ikinasal sina Maricar at Richard noong 2013.
Paliwanag ng aktres sa YouTube vlog ni Rica Peralejo-Bonifacio nitong September 11, 2022, “Ikinasal kami, we really planned on not having kids for the first two years.
"And then after that puwede na. And then we even got checked, ganyan.
"There’s no problem with him, there’s no problem with me.
“Feeling ko, we did our due diligence naman on our side humanly possible.
“Pero wala, e. So what are you gonna do?”
Ang iniisip daw nila noon ng kanyang mister ay maaari siyang mabuntis anumang oras, pero hindi pa ito nangyayari hanggang ngayon.
Hindi ba nakararamdam ng pagkainggit si Maricar na hindi pa siya nagkakaanak?
Sagot ni Maricar, “Honestly, kaya minsan hindi ko alam kung weirdo talaga ako… Hindi [ako naiinggit].
“If there is anything, I don’t know… I super naturally got from God, ewan ko… parang anong ginawa ko para i-deserve 'to...
“Meron lang talaga akong peace. Kung meron [anak], okay. Kung wala, okay.
“It doesn’t make me feel like I’m less of a person or I’m less of a female.
“Kung wala, e, wala. E, ginawa mo na yung part mo, e. And I rest on that.”
Hindi naman daw niya binabalewala kung may mga babaeng nakakaramdam ng lungkot dahil naghahangad magkaanak pero hindi pa nabibiyayaan.
READ ALSO: Rica Peralejo On Third Miscarriage: 'Pain And Peace Can Co-Exist'
“Not to discredit women who don’t have the peace, kaya lagi akong may disclaimer na hindi galing sa akin to, e," sabi ni Maricar.
“Some things God makes easy for you, and some things God makes a little more challenging.”
Sa ngayon ay tinututukan ni Maricar ang kanyang food business na made-to-order dishes at desserts.
Kapansin-pansin ding hindi aktibo ngayon sa pag-arte si Maricar.
Iiwan na ba niya ang pag-aartista?
“Hindi ko sinasara yung pinto. Pero ngayon, hindi ko siya priority,” sagot niya.
Paano masusuportahan ang kaibigang hirap mag-buntis
Kung mayroon kang kaibigan na nag-open up sa'yo na hirap siyang mag-buntis, ibig sabihin nito na may tiwala sila sa'yo. Ngunit ano nga ba ang mga dapat at hindi dapat sabihin sa kanila, lalo na kung hindi mo ito naranasan?
Ano ang dapat sabihin, ayon sa Very Well Family:
1. Gusto mo bang pag-usapan natin ito?
2. Sana alam ko ang dapat sabihin para mapagaan ang loob mo.
3. Nandito lang ako para makinig sa'yo.
4. Anong pwede kong gawin para matulungan ka?
Ano ang mga hindi dapat sabihin sa kaibigang hirap mag-buntis:
1. Kahit anong nagsisimula sa "at least" (At least alam mong pwede ka pala mabuntis (matapos makunan)
2. Kahit anong nagsisimula sa "Pwede ka namang" (Pwede ka namang mag-ampon o mag-IVF)
3. "Swerte ka nga wala kang anak'
4. Mga advice gaya nang "Relax lang kayo," o "Gawa lang ng gawa"
Kung sakaling nabitawan mo ang mga salitang ito sa iyong kaibigan o kamag-anak, humingi agad ng tawad at sabihin na minsan nagkakamali ka rin at hindi na ito mauulit.
Ang pinakamahalaga sa lahat ay alam niyang andiyan ka na handang makinig at sumuporta sa kanya.
This story originally appeared on PEP.ph. Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.