-
Pagbubuntis Week 20: Pananakit Ng Likod, Madaling Hingalin At Mainit Na Pakiramdam
May mga paraan para maibsan ang ilang pangkaraniwang sintomas.by Jocelyn Valle . Published Oct 7, 2020
- Shares
- Comments

Sa patuloy na paglaki ng dinadala mong sanggol, lumalaki rin ang espasyo na inookupa ng uterus at lumiliit naman ang para sa iba pang organs, gaya ng heart at lungs. Ang nangyayari tuloy, nakakaramdam ka ng mga karaniwang sintomas ng pagbubuntis sa week 20.
READ MORE STORIES ON PREGNANCY
- Moms Reveal Early Signs That Told Them 'You're Pregnant!'
- How To Calculate For Your Due Date So You're Prepared For Baby
Madaling hingalin kapag buntis
Maaaring napapansin mo na kahit nakahiga ka lang ay parang hinahabol mo ang iyong hininga. Tila naiipit na kasi ang lungs ng uterus, kaya nahihirapan kang huminga. Problema ito lalo na sa gabi at kailangan mo ng kumpletong tulog. Subukan na maglagay ng unan sa magkabilang panig na katawan mo, o di kaya sa pagitan ng iyong mga hita. Sa ganitong paraan, nakakaramdam ng ginhawa ang maraming buntis.
Pananakit ng likod
Normal na sumakit ang likod mo dahil sa karagdagang bigat ni baby. Nagkakaroon ng strain sa lower back muscles kaya naninigas ang mga ito. Pero magsimula ka nang magtaka kung hindi nawawala at gumagrabe pa ang sakit. Marahil kailangan mo nang sabihan ang doktor para malaman kung may iba pang health concern na dapat masuri.
Home remedy sa masakit na likod
Mainam na gawin muna ang ilang remedyo at suhestiyon sa pagkakaroon ng lower back pains na rekomendado ng mga nangangalaga sa mga buntis.
- Gumamit ng heating pad, warm water bottle, at cold compress sa may likurang bahagi ng iyong katawan.
- Magsuot ng abdominal support garment upang hindi pasanin ng likod ang bigat ng tiyan. Piliin din ang maternity pants na may built-in at thick elastics o garter na sasalo sa bigat ng tiyan.
- Kapag may pupulutin na bagay sa lugar na mas mababa sa waist level, huwag yumuko bagkus maingat na i-bend ng mga tuhod.
- Iwasan ang pagsusuot ng sapatos na may mataas na takong.
- Ugaliin ang good posture at pag-exercise para lumakas ang back muscles.
- Sikapin na huwag umupo o tumayo nang matagal. Piliin ang upuan na may suporta sa likuran o di kaya maglagay ng unan para masuportahan pa ang likod.
Pamumulikat ng mga binti at paa
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBagamat maraming buntis ang nakakaranas ng pulikat, hindi pa rin matukoy ang eksaktong dahilan dito. May ilan lang ideya kung bakit nagkakaroon ng leg cramps at bakit nangyayari ito, halimbawa, bilang sintomas ng pagbubuntis sa week 20.
Kapag umatake ang pulikat, makakatulong ang pagmamasahe sa calf muscles. Para naman maiwasan ito, gawin ang foot exercises sa pamamagitan ng bending, stretching, at rotation.
Mainit na pakiramdam
Dahil sa pagbabago sa hormones at pagtaas ng blood supply sa balat kaya parati kang naiinitan at kaagad pinagpapawisan. Makakatulong ang pagsusuot ng natural fiber, gaya ng cotton, para makahinga nang maluwag ang balat. Panatiliin din na presko ang iyong pangangatawan at maaliwalas ang iyong kuwarto.
Hindi mapigilan ang pag-ihi
Panay ang punta mo sa banyo dahil tila ang bilis mapuno ang iyong pantog at nakakaranas ka ng incontinence. Minsan pa nga, bigla kang naiihi kapag umuubo, bumabahing, tumatawa, at magpalit ng puwesto sa pagkakaupo. Nagre-relax kasi ang pelvic floor muscles, na bumabalot sa bladder, bilang preparasyon sa panganganak.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSukat ni baby sa loob ng tiyan sa pagbubuntis sa ika-20 linggo
Samantala, patuloy ang paglaki ni baby sa iyong sinapupunan. Sinusukat na siya ngayon mula ulo hanggang talampakan dahil nadidiretso na niya ang kanyang mga paa. Halos 25.6 cm na ang kanyang sukat sa panahong ito at 300 grams naman ang bigat.
Nababalutan ang kanyang balat ng white, greasy substance na tinatawag na vernix. Pinaniniwalang napo-protektahan ng vernix ang balat para hindi ito matuyot sa mga linggo pang pamamalagi ni baby sa amniotic fluid. Nakakatulong din ang pagiging madulas ng vernix para mapadali ang paglabas ng sanggol mula sa birth canal.
Malamang nararamdaman mo na ang pagsirko-sirko ni baby kasi nagiging mas aktibo na siya sa pagdaan ng mga araw. Bukod sa pagsipa, pagsuntok, at pag-ikot, maaaring pagsubo at pagsipsip ng kanyang hinlalaki ang inaatupag ng sanggol. Thumbsucking ang paraan niya ng paghahanda sa pagsuso ng gatas na siya niyang gagawin paglabas.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWREAD MORE STORIES ON PREGNANCY
- Moms Reveal Early Signs That Told Them 'You're Pregnant!'
- How To Calculate For Your Due Date So You're Prepared For Baby
Para matignan kung maayos ang lagay ni baby at lumalaki siya nang tama, mainam kung nasimulan mo nang kumuha ng ultrasound scan. Malalaman dito kung mayroon siyang problema tulad ng spina bifida, heart defects, at limb defects. Mapupuna din dito ang posisyon ng iyong placenta at makasiguro na normal pati ang mga nararamdaman mong mga sintomas ng pagbubuntis sa week 20.
What other parents are reading

- Shares
- Comments