-
Mga Sintomas ng Apat Na Linggong Buntis: Delayed ang Iyong Regla
by Anna G. Miranda and Rachel Perez .
- Shares
- Comments

Sa ikaapat na linggo mas higit na nakikita ng mga babae ang sintomas ng pagbubuntis. Numero unong palatandaan ang delay o hindi pagdating ng buwanang dalaw. Ngunit kahit ito’y hindi rin tiyak na sintomas dahil posibleng sa stress o iba pang dahilan ang missed period. Ngunit kung matagal ka na ring naghihintay, maaaring mag-pregnancy test anim na araw pagkatapos na hindi dumating ang regla.
Tanda ng pagbubuntis sa iyong fourth week
Sa oras na idikit ng single-celled fertilized egg ang sarili sa iyong sinapupunan, magsisimula ng mag-produce ng hCG (human chorionic gonadotropin) ang iyong katawan. Ito ang pregnancy hormone na nade-detect o natutukoy ng mga pregnancy test kit.
Maliban sa hCG, nagpo-produce rin ang iyong katawan ng progesterone at estrogen upang magsilbing hudyat na buntis ka na.
Hindi pa magiging kapansin-pansin na mayroon ka ng baby bump dahil maliit pa rin ang nasa iyong sinapupunan. Mas mabilis din ang iyong katawan sa paglikha ng pregnancy hormones. Higit na marami na rin ang dumadaloy na dugo — sapat para sa inyong dalawa ng iyong anak. Maaaring ito rin ang sanhi ng mga maagang sintomas na iyong mararanasan.
Sintomas ng pagbubuntis sa ikaapat na linggo
Ang maagang senyales ng pagbubuntis ay maaaring katulad ng nararanasan kapag malapit ka na magkaroon ng regla sa mga petsang inaasahan mo ang pagdating nito.
Spotting at mild cramping
Ang mapusyaw na kulay tsokolate o rosas na makikita sa iyong underwear at ang pananakit ng puson ay maaaring senyales ng implantation.
Hindi lahat ng babae ay nakararanas nitong partikular na tanda ng pagbubuntis sa iyong ikaapat na linggo. Ngunit kung nararanasan mo na, isa hanggang dalawang araw lang dapat ito. Kung may matinding pagdurugo o masakit ang iyong puson, agad na kumunsulta sa doktor o magtungo sa ospital dahil maaaring senyales ito ng implantation problems o ectopic pregnancy.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBloated feeling
Ang pakiramdam ng pagiging bloated ay dulot ng hormone na progesterone. Maaaring sa panahong ito, higit sa estilo ng damit ang isinasaalalang-alang mo. Mas nagsusuot ka na ng komportableng damit na hindi masikip.
Malambot ang iyong mga suso
Ang tila pamamaga o panlalambot ng iyong dede ay isa pang senyales na malapit ka ng magkaroon ng regla, kung kaya’t mahirap ding tukuyin kung ito ba ay palatandaan ng pagbubuntis. Ngunit kung mapapansin mong mas mabigat kaysa karaniwan ang iyong mga suso, nangingitim ang iyong areola, at ang mga ugat sa iyong dibdib ay mas nakikita, mas malaki ang posibilidad na buntis ka nga.
Labis na Pagod
Ang labis na pagod pagkatapos ng mahabang araw ay hindi lamang nararanasan ng mga buntis. Ngunit mayroong uri ng pagod na halos naghahabol ka na ng hininga kahit pa wala ka namang ginagawang nakapapagod– ito ang nararanasan ng mga babaeng nagbubuntis. Maaaring resulta ito ng pagtatrabaho ng iyong katawan para sa iyo at sa sanggol sa iyong sinapupunan.
Pagkahilo at Pagsusuka
Masisisi mo nga ang iyong hormones para sa iyong mga nararamdaman. Ang malakas mong pang-amoy, amoy ng mga pagkain halimbawa, ang dahilan ng pagsusuka. Isa pa ang tila kalawang na iyong nalalasahan sa iyong bibig. Isa pang salik o factor ay ang labis na kapaguran. Maaaring mayroong mensahe ang iyong katawan sa pamamagitan ng mga sintomas na ito upang mas masanay ang iyong katawan sa bagong papel na dapat nitong gampanan.
Mood swings
Ang paiba-ibang mood ng isang buntis ay maaaring dahil sa napakaraming naiisip mula noong makita mo ang dalawang linya sa pregnancy test kit. Maaaring tumagal ang mood swings na ito hanggang sa ikatlong buwan ng pagbubuntis.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Ang paglaki ng iyong baby sa ikaapat na linggo
Kung sa palagay mo’y buntis ka, halos wala ka pa ring makikita sa ultrasound kundi maliit na tuldok na nasa isa o dalawang milimetro sa ikaapat na linggo ng iyong pagbubuntis.
Sa oras na mahati ang single-cell fertilized egg at maparami ito hanggang sa maging bola ng cells na kung tawagi’y blastocyst, hindi na nito sasayangin ang oras at ididikit ang sarili sa iyong uterus at mananatili roon sa loob ng walong buwan. Sa aklat na What To Expect When You're Expecting, nakasaad na sa ikaapat na linggo ng pagbubuntis mahahati ang blastocyst sa dalawa. Isang bahagi ang bubuo sa placenta habang ang isa ay magiging embryo. Ang placenta ang responsable sa pagdadala ng sustansya at oxygen sa iyong sanggol sa buong panahon ng iyong pagbubuntis.
Maliban sa iyong placenta, ang yolk sac at ang amniotic sac, o ang tinatawag na “bag of water”, ay nagsisimula na ring mabuo. Ang yolk sac ang magpo-produce ng dugo at tutulong sa pagbibigay nutrisyon sa embryo hanggang sa mabuo nang tuluyan ang placenta. Ito ang magiging bahagi ng digestive tract ng iyong sanggol.
Ayon sa American Pregnancy Association (APA), mayroon ng tatlong layers ang embryo sa panahong ito: ang ectoderm, mesoderm, at endoderm. Ito ang bubuo sa mga organ at tissues ng iyong anak.
- Ang ectoderm, o panlabas na layer, ang bubuo sa nervous system ng iyong sanggol. Kasama rito ang kaniyang utak, balat, mga mata, buhok, mga kuko, sweat glands, at ang enamel para sa kaniyang ngipin.
- Ang mesoderm, ang gitnang layer, ang magiging puso, circulatory at blood system, skeleton at mga buto, muscles at connective tissues, at ang urogenital system o ang bato (kidneys) at sex organs.
- Ang endoderm, ang layer sa loob, ang maglalaman ng baga ng iyong sanggol at magiging gastrointestinal tract's lining, atay, pancreas, at thyroid.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga dapat mong gawin sa ikaapat na linggo ng pagbubuntis
Ngayong mas malaki ang posibilidad na buntis ka, kailangan mong tandaan ang sumusunod na mga hakbang upang maalagaan kayong dalawa ng iyong anak. Isang buwan na ang iyong pagbubuntis kung kaya’t walang oras na dapat pang masayang!
Kumuha ulit ng pregnancy test
Kung nakakuha ka ng pregnancy test at naging negatibo ang resulta, kailangan mo itong ulitin dahil posibleng dumoble pa ang dami ng iyong hCG hormones at mas madali na ring made-detect ngayon.
Sabihin sa iyong partner
Kung positibo ang resulta, sabihin na agad sa iyong partner ang magandang balita! Maaaring ikaw ang nagdadala sa sanggol sa iyong sinapupunan, ngunit kayong dalawa ang nagbubuntis. Ang pagbabahagi sa balita ay kumpirmasyon nito, at makatutulong sa inyong dalawa na paghandaan ito nang magkasama.
I-schedule ang unang prenatal checkup
Dapat kang magpa-prenatal checkup sa oras na may makitang dalawang linya sa iyong pregnancy test kit, o kahit pa isa lang ang malinaw na linya. Huwag kang magulat kung dalawa hanggang apat na buwan pa ang lilipas bago ang schedule na itatakda ng iyong doktor. Hindi ito nangangahulugang hindi ka na dapat mag-ingat.
Magkaroon ng maingat at maayos na lifestyle
Ipagpatuloy mo lamang ang pag-inom ng folic acid at prenatal vitamins. Siguraduhing balanse pa rin ang iyong diet at nakapag-e-ehersisyo ka pa rin. Kahit low-intensity exercises ay sapat na.
Ang mahahalagang organs ng katawan ng iyong anak ay nabubuo na kung kaya’t siguraduhin mong natatanggap din niya ang mga esensyal na nutrisyon upang mabilis na masuportahan ang iyong pagbubuntis.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWItigil na ang mga bisyo!
Kung hindi ka pa tumitigil sa paninigarilyo, pag-inom, o paggamit ng droga, ngayon ang oras upang itigil ang lahat ng bisyo. Kung madalas pa rin ang pag-inom ng kape, kailangan ding bawasan ang pang-araw-araw na iniinom. Ngayon ang panahon upang iwasan ang mga hindi makabubuti sa iyo.
Maging maingat at pag-aralan ang sintomas ng iyong pagbubuntis
Magpahinga ka pa kung kinakailangan, matulog, at maghinay-hinay lamang. Ito ang oras upang makinig sa katawan habang nagtatransisyon sa pagbubuntis.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Pregnancy Symptoms Week 4: Your Period Is Delayed
Kapag ba may malabong pangalawang linya sa pregnancy test ay buntis ka na? Mag-click dito para makita ang mga aktwal na pregnancy test ng mga mommy at makita kung buntis ka rin tulad nila.
What other parents are reading

- Shares
- Comments