Tagalog,fertility,ovulation,fertilization,People & Society,Family/Children,Genres,conlch-00391,sc25,sperm cell,sperm blockage,Pagkatapos Magtalik, Ilang Araw Bago Mabuntis Ang Babae,Heto ang sagot kung ilang araw bago mabuntis ang babae pagkatapos magtalik.
PregnancyGetting Pregnant

Kailan Puwedeng Malaman Kung Buntis Ka Pagkatapos Makipagtalik?

Gaano katagal bago mo malaman kung buntis ka pagkatapos ng pagtatalik.
PHOTO BYCANVA

Isa sa mga karaniwang alalahanin ng mga taong nagnanais magbuntis ay kung kailan nila ito makukumpirma at kung kailan ang tamang panahon upang sila ay mag-test. Ang sagot dito ay nakadepende sa pag-unawa sa menstrual cycle, pagkakaroon ng kaalaman sa proseso ng fertilization, at pag-obserba sa mga sintomas ng maagang pagbubuntis.

Pagkatapos makipagtalik, ilang araw bago mabuntis?

Para masagot ang katanungang ito, mahalagang maunawaan muna ang proseso ng fertilization. Ito ay nangyayari kapag nagtagpo ang semilya at itlog sa fallopian tube. Nagsisimula ang pagbubuntis kapag ang semilya ng lalaki ay matagumpay na na-fertilize ang itlog ng babae. Ayon sa Cleveland Clinic, maaaring mabuhay ang sperm o semilya sa katawan ng babae ng hanggang limang araw, habang ang egg cell o itlog naman ay may buhay na 24 oras matapos ang ovulation.

Kaya naman, mahalagang malaman ng babae ang kanyang fertile window o ang panahon kung kailan may mataas na posibilidad na mabuntis. Ayon sa Johns Hopkins, ang fertile window para sa karamihan ay ang limang araw bago ang ovulation, ang mismong araw ng ovulation, at ang araw pagkatapos ng ovulation.

Kailan nangyayari ang ovulation?

Karaniwang nangyayari ang ovulation sa pagitang ng ika-12 hanggang ika-14 na araw bago magsimula ang susunod na menstruation. Para sa may regular na 28-day na menstrual cycle, posibleng mangyari ang ovulation sa ika-14 na araw. Kaya kung may ugnayang sekswal o insemination sa panahong ito, mataas ang tsansa ng pagbubuntis.

Timeline ng Posibilidad ng Pagbubuntis (para sa may regular na 28-day menstrual cycle)

Maaaring tingan ang timeline na ito batay sa Cleveland Clinic para sa pagbubuntis pagkatapos ng pakikipagtalik. Paalala lamang na ang timeline na ito ay para sa mga regular ang 28-day menstrual cycle.

0-1 na araw – Maaaring mangyari ang fertilization sa loob ng 24 oras pagkatapos ng insemination o pagtatalik

6-10 na araw – Maglalakbay ang na-fertilize na egg papunta sa matris at magsisimula na ang implantation

11-14 na araw – Nagsisimula nang tumaas ang lebel ng hCG (human chorionic gonadotropin). Ito ang hormone na sinusuri sa pregnancy test.

watch now

14-21 na araw – Sa panahong ito, maaaring makakuha ng positibong resulta sa home pregnancy test lalo na kung hindi ka dinatnan ng iyong buwanang dalaw. Kung sakali na sumubok ka nang maaga, medyo malabo ang resulta ng mga linya sa pregnancy test, maaari mong subukan sa dulong araw para mas malinaw ang mga linya.

Sintomas ng maagang pagbubuntis

Bagamat nagkakaiba-iba ang karanasan sa pagbubuntis, ayon sa Johns Hopkins Medicine at Cleveland Clinic, ang mga karaniwang sintomas nito ay ang mga sumusunod:

1. Delayed na regla. Ito ang pinaka-pangunahing palatandaan na buntis.

2. Light spotting o implantation bleeding. Maaring mangyari ito sa ika-10 hanggang ika-14 na araw pagkatapos ng ovulation.

3. Pagbabago sa suso. Pagiging sensitibo, pananakit, paglaki, o pag-itim ng areola o ang palibot ng nipple.

4. Morning sickness o pagduduwal. Kadalasang nagsisimula sa ika-4 hanggang ika-6 na linggo ng pagbubuntis.

5. Pananakit ng ulo o balakang. Karaniwang sintomas din ito dahil sa pagbabago ng hormones. Maaaring magdulot din ng sinuses o nasal congestion ang pagbabago sa daloy ng dugo.

6. Fatigue. Sa pagtaas ng hormone na progesterone, maaaring makaranas ng matinding pagod.

7. Madalas na pag-ihi. Ito ay dahil naman sa pagtaas ng dami ng dugo at iba pang pagbabago sa katawan.

8. Pagbabago ng mood o pagkakaroon ng mood swings. Dahil sa pagtaas din produksyon ng hormones na estrogen at progesterone, higit na nagiging emosyonal kaysa sa pangkaraniwan. Mas madaling umiyak, masungit o iritable.

9. Pagiging sensitibo sa amoy o pagkain. Maaaring makaranas din ng pagiging sensitibo sa pang-amoy na inaayawan o hindi nais ang isang bagay. Nagkakaroon din ng preperensiya sa pagkain o paghahanap ng gustong kainin.

10. Cramping o bloating. Ito ay kadalasan ding nangyayari kasabay ng implantation bleeding. Nakakaramdam din ng bloating dahil sa pagbabago ng hormones nakaaapekto sa mabagal na prosesos ng pagtunaw ng pagkain na magdudulot ng kabag o hirap sa pagdumi (constipation).

Kailan mainam mag-pregnancy test?

Nakabibili sa botika ng mga home pregnancy test kahit walang reseta sa abot-kayang halaga. Tinatayang 99% naman ang pagiging epektibo nito lalo na kung tama ang paggamit. Sinusuri sa pregnancy test ang hCG sa ihi. Sundin lamang mabuti ang nakalagay na hakbang sa paggamit nito.

Ayon sa Cleveland Clinic, maaaring makita sa ihi ang hCG sa ika-10 hanggang ika-14 na araw matapos ang fertilization. Pinakamainam na gawin ang test gamit ang unang ihi sa umaga para sa mas tumpak na resulta.

Inirerekomenda ng National Health Service UK, na maaaring gawin ang test mula sa unang araw na hindi ka dinatnan ng iyong regla.

Gayunman, inirerekomenda rin na maghintay ng 14 na araw pagkatapos ng pagtatalik sa asawa bago magsagawa ng pregnancy test upang mas maging malinaw ang resulta. Kung sakali na maging negatibo ang resulta, pero hindi ka pa rin dinadatnan ng iyong regla, ulitin lamang ang test pagkaraan ng ilang araw.

Mas nagiging accurate o tumpak din ang resulta kung ang test ay ginawa isang linggo pagkatapos na hindi ka magkaregla.

Kung nais naman na mas makatiyak o maagang matukoy kung positibo ang pagbubuntis, maaaring magpunta sa klinika para sa blood test na mas senstibo sa hCG.

Para sa mga nagnanais magbuntis, isang paalala

Ang proseso ng pagbubuntis ay maaaring maging emosyonal at maselan para sa marami, lalo na sa mga taong matagal nang nagtatangkang magkaanak o gumagamit ng assisted reproductive technologies gaya ng intrauterine insemination (IUI) o in-vitro fertilization (IVF). Sa ganitong mga sitwasyon, higit na makatutulong ang pakikipag-ugnayan sa OB-GYN o fertility specialist para sa tamang gabay.

Masasabing maselang proseso ang pagbubuntis dahil nangangailangan din ito ng tamang timing o panahon ng pagtatalik at ovulation. Sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa iyong fertile window, sintomas ng pagbubuntis, at tamang pagsusuri sa iyong sarili ay mahahalagang salik para sa pagnanais na mabuntis. Higit sa lahat, maging mapagmalasakit sa sarili at hayaan ang katawan na magbigay ng mga palatandaan ng posibleng pagbubuntis.

Alamin ang 5 dahilan kung bakit maaaring faint ang line ng pregnancy test dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close