embed embed2
Nahihilo, Naduduwal: Morning Sickness At Buntis Ang Ibig Sabihin?
PHOTO BY Shutterstock
  • Pagkatapos mong kumuha ng home pregnancy test at malamang buntis, kailangang magpatingin sa obstetrician-gynecologist para makumpirma ang iyong pagdadalang-tao. Ang isa sa mga unang tanong sa iyo ng doktor ay kung nakakaramdam ka ng mga sintomas, gaya ng pregnancy nausea at vomiting.

    Ayon sa The American College of Obstetrician and Gynecologist (ACOG), nagsisimulang makaramdam ng nausea at vomiting ang buntis bago makarating sa Week 9 ng pagdadalang-tao.

    Ano ang morning sickness?

    Tinatawag na morning sickness ang kombinasyon ng nausea at vomiting. Nariyan ang pananakit ng ulo, pagkahilo, at pakiramdam na naduduwal hanggang tuluyang sumuka. Puwede itong umatake ano mang oras, hindi lang sa umaga.

    Pagdating ng Week 17, kadalasang nawawala na ang morning sickness. Pero merong ibang buntis ang patuloy na nahihilo at naduduwal sa loob ng ilan pang buwan. Ang iba pa nga raw ay hanggang makapanganak na.

    Sabi ni Aicelle Santos sa interview niya dati sa SmartParenting.com.ph, ang matinding nausea at vomiting ang naaalala niya sa kanyang first trimester. Pero nawala naman daw iyon pagtungtong niya sa second trimester at tuluyang manganak noong December 2020 sa panganay nila ng asawang si Mark Zambrano.

    Matindi rin ang pinagdaanang morning sickness ni Bianca Gonzalez habang pinagbubuntis ang second child nila ng asawang si JC Intal. Bago siya nanganak noong October 2018, dinaan niya sa Instagram ang pagsasabing nakaranas siya ng severe case ng morning sickness na hyperemesis gravidarum ang tawag.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bihira ang pagkakaroon ng hyperemesis gravidarum, ayon sa Mayo Clinic. Sa ganyang kondisyon, grabe ang pagduduwal ng buntis. Kaya nagreresulta ito sa severe dehydration at pagbabawas ng timbang na abot hanggang 5% ng kanyang pre-pregnancy body weight.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaaari pa raw maospital ang buntis dahil sa hyperemesis gravidarum. Baka kasi kailanganin niya ng treatment gamit ang intravenous (IV) fluids, medication, at feeding bottle sa malalang kaso.

    Posibleng dahilan ng pagkahilo at pagduduwal

    Bagamat wala pang klarong paliwanag tungkol sa morning sickness, sinasabi ng mga eksperto na may kaugnayan ito sa pagtaas ng pregnancy hormones sa buntis. Sa panahon kasi na madalas mahilo at magduwal si mommy ay pumipirmi naman si baby sa uterus.

    Ang nangyayari raw tuloy, kumikilos ang brain ni mommy para gumawa ng human chorionic gonadotropin (hCG). Ito ang hormone na natutukoy sa home pregnancy test.

    Kaso lang, hindi naman lahat ng buntis ay nakakaranas ng morning sickness. Mabuti na lang, sabi ng mga eksperto, walang epekto ang morning sickness sa kalusugan ng sanggol. Hindi rin daw ibig sabihin na may sakit si baby kaya nahihilo at naduduwal si mommy.

    Puwede raw tumaas ang tyansa mo na magkaroon ng pregnancy nausea at vomiting kung:

    • Higit sa isang baby ang nasa sinapupunan
    • Nagkaranas na ng morning sickness sa naunang pagbubuntis
    • Nakakaramdam ng hilo pag bumibiyahe (motion sickness)
    • May history ng migraine headache
    • Merong kapwa nanay sa pamilya na dumanas dati ng morning sickness
    • Pagsama ng pakiramdam noong gumagamit pa ng contraceptives na may estrogen

    Mga paraan para maibsan ang morning sickness

    Dahil nagiging matalas ang pang-amoy ng buntis, nagiging sensitive siya sa isa o marami na klase ng amoy. Puwedeng maging trigger ang mga iyon para sumakit ang ulo, mahilo, at magsuka. Dagdag pang posibleng trigger ang init ng panahon, maaanghang na pagkain, at sobrang paglalaway (excess salivation).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May mga paraan para mabawasan o di kaya maiwasan ang discomfort na nararamdaman. Maaari mong subukan nang malaman kung ano ang uubra sa iyong kondisyon.

    • Iwasan ang mga malasang pagkain na puno ng taba at asin.
    • Piliin ang dairy products, nuts, at seeds.
    • Huwag magpalipas ng gutom, pero huwag ring masyadong magpakabusog.
    • Dalasan at damihan ang pag-inom ng tubig.
    • Mag-take ng prenatal vitamins, gaya ng B complex.
    • Uminom ng ginger tea para kumalma ang tiyan.
    • Mag-relax at matulog nang sapat na oras.

    Maaari ring kausapin ang ob-gyn para mabigyan ng gamot para sa pregnancy nausea at iba pang discomfort. May tinatawag na antiemetic drugs para na sinasabing ligtas inumin ng buntis, pero kailangan masiguro muna ng doktor kung puwede iyon sa iyo.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles