;
embed embed2
Manganganak Nang Wala Sa Oras? 7 Preterm Labor Signs Na Dapat Bantayan
PHOTO BY Pexels/Amina Filkins
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Sa pagkakaroon ng mga medikal na interbensyon at sa tulong din ng teknolohiya, maraming pamamaraan ang magagawa para maiwasan ang preterm labor. Pero higit sa lahat, makatutulong ang pagiging maingat at maalaga sa kalusugan sa simula pa lamang ng pagbubuntis, pati ang pagiging alerto sa preterm labor signs.

    Ano ang preterm labor?

    Ayon sa Johns Hopkins Medicine, ang preterm labor ay nagsisimula bago ang ika-37 linggo ng pagbubuntis. Ang pagle-labor ay nangyayari kapag ang palagiang nararanas ang paghilab ng tiyan at nagsimula nang numipis ang cervix hanggang sa magbukas ito at pumasok na ang baby sa birth canal.

    Ang maagang panganganak ay posibleng magdulot ng problema sa baby. Pero dahil sa mga research, teknoholiya, at medisina, natutulungang masolusyunan ang anumang problemang pangkalusugan ng premature babies.

    Mga posibleng sanhi ng preterm labor

    Ayon sa Stanford Children’s Health, sa ibang mga buntis hindi matiyak ang sanhi ng kanilang preterm labor. Pero ang ilan sa mga nakapagdudulot nito ay ang pagkakaroon ng mga sumusunod:

    • Impeksyon
    • Vaginal bleeding
    • Hormonal changes

    Bukod pa rito, may ilang mga salik din na nakapagdudulot ng preterm labor. Ilan sa mga ito ay sa pagkakaroon ng medikal na kondisyon at sa paraan ng pamumuhay. Kabilang sa preterm labor causes ang mga sumusunod:

    • Pagkakaroon ng bisyo gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot
    • Mataas na antas ng stress
    • Kawalan ng social support
    • Pagbubuntis ng mas bata sa 20 taon o mas matanda sa 35 taon
    • Pagkakaroon ng matagal ng sakit gaya ng sakit sa puso o kidney
    • Hindi normal na hugis ng matris
    • Hindi pagsara ng cervix
    • Abnormal na posisyon ng placenta
    • Maagang pagputok ng sac na nakapaloob sa baby
    • Kawalan ng prenatal care o check up
    • Pagkakaroon ng birth defects sa ipinagbubuntis
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kadalasang preterm labor signs

    Malaking bagay para maiwasan ang preterm labor kung alam mo ang mga sintomas o senyales nito. Kung sakaling maranasan mo ang alinman sa mga ito, agad mong maipapaalam sa iyong doktor at maagapan anuman ang iyong sitwasyon.

    Ayon sa American Pregnancy Association, dapat mong bantayan ang mga warning signs at sintomas na ito ng premature labor sa iyong pagbubuntis:

    • Lima o higit pang paghilab kada oras at/o malalakas na paghilab
    • Panaka-nakang pananakit ng puson na parang gaya sa pagreregla
    • Panaka-nakang pananakit ng ibabang bahagi ng likuran na hindi nawawala kahit magbago ng posisyon
    • Matinding pananakit ng balakang na pakiramdam mong itinutulak pababa ang iyong baby
    • Bahagyang paghilab ng tiyan na puwedeng mayroon o walang kasamang pagtatae
    • Pagbabago sa vaginal discharge na may dugo o may kasamang mucus
    • Paglabas ng tubig na tuloy-tuloy mula sa iyong puwerta o pagputok ng panubigan

    Paano maiwasan ang preterm labor?

    Lagi nating naririnig na ang kadalasang nakararanas ng preterm labor ay iyong sinasabing mababa ang matris.  Ayon sa John Hopkins Medicine, maaaring may kinalaman ang preterm labor risk factors sa mga preggy mommy na:

    • Nakaranas na ng premature birth sa naunang pagbubuntis
    • Maraming ipinagbubuntis (kambal o higit pa)
    • Mayroong problema sa cervix or cervical abnormalities

    Bagaman minsan ay hindi maiiwasang mangyari ito, maaari namang mabawasan ang tsansa ng maagang pagle-labor.  Sundin ang mga ipinayo ng iyong doktor at tandaang napakahalaga sa lahat ang pagkakaroon ng regular na prenatal check up.

    Bukod pa rito, narito ang ilan pang dapat mong gawin para maiwasan ang preterm labor:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • Alagaang mabuti ang sarili lalo na kung may iba pang kondisyong pangkalusugan
    • Iwasan ang mga bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak
    • Kumain ng masustansiyang pagkain at magkaroon ng sapat na timbang
    • Panatilihin ang kalinisan at pagkakaroon ng proper hygiene para maprotektahan ang sarili laban sa anumang impeksyon
    • Bawasan ang anumang makapagdudulot sa iyo ng stressSa lahat ng nabanggit, pinakamahalaga na sunding mabuti ang mga ipinapayo ng iyong doktor

    Batay din sa mga pananaliksik, hindi naman lahat ng nakararanas ng preterm labor ay nauuwi sa preterm delivery. Sa tulong ng medisina, nagagawang mapigilan din ito. Karaniwang ang mga mom-to-be na nakararanas nito ay pinapainom ng gamot at pinagpapahinga o bed rest ng kanilang mga doktor hanggang sa maging maayos na ang sitwasyon ng pagbubuntis.

    Normal naman na mabahala o mag-aalala kung sakaling makaranas ng sintomas ng preterm labor lalo na kung nakakaramdam ng patuloy na paghilab ng tiyan at hindi mo pa kabuwanan. Pero mas mainam at higit na makabubuti ang mapanatiling payapa at kalmado ang sarili.

    • Subukin din ang mga tips na ito para mapigilan ang preterm labor:
    • Umihi o huwag itong pigilan. Tiyakin walang laman ang iyong pantog.
    • Uminom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration na nagdudulot ng contractions.
    • Iwasan ang paghiga ng patihaya o nakalapat ang iyong likod sa higaan na nagpapataas din ng contractions. Sa halip mahiga nang patagilid sa gawing kaliwa.
    • Bawasan ang pagkilos at paglalakad-lakad.
    • I-monitor lamang ang nararanasang contractions o paghilab ng tiyan para maipaalam ito sa iyong ob-gyn.

    Sa huli, mainam na manatili lamang na positibo at patuloy na ingatan ang iyong kalusugan at ng iyong baby. Makakatulong din kung iisipin mong aabot ka sa ika-37 linggo o hanggang dulo ng iyong pregnancy journey nang hindi nakakaranas ng preterm labor signs.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ---

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/labor-and-birth/premature-labor/

    https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=preterm-labor-90-P02497https://

    www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/preventing-premature-birth

    ---

    Basahin dito ang mga dapat gawin ng buntis.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles