embed embed2
Tumataas Ang Tyansang Manganak Nang Di Oras Dahil Sa Ganitong Preterm Labor Risk Factors
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Mahigpit ang bilin ng mga doktor sa buntis na alagaang mabuti ang sarili nang marating ang full term pregnancy. May hatid kasing panganib ang panganganak nang mas maaga sa inaasahan o kulang sa term. Kaya mainam na malaman ang preterm labor risk factors.

    Ano ang ibig sabihin ng preterm?

    Inakala noon ng mga doktor na kumpleto na ang proseso ng pagbubuntis o full term na ang 37 weeks at halos kumpleto na ang major organs ng sanggol sa sinapupunan. Pero hindi pa pala sapat iyon, ayon sa isang pag-aaral.

    May paliwanag si Dr. Jason K. Baxter, isang obstetrician-gynecologist na espesyalista sa maselan na pagbubuntis (high-risk pregnancies) sa Thomas Jefferson University Hospital sa siyudad ng Philadelphia sa Pennsylvania, U.S.A. Aniya, hindi pa fully developed ang ilang major organs, tulad ng lungs at brain, kung hindi pa nararating ang 39 weeks.

    Mula 39 weeks, at kadalasan sa 40 weeks, ng pagbubuntis, tinatawag itong full term o "term." Kaya kapag nagsimulang mag-labor si mommy bago marating ang 39 weeks, nakaranas siya ng early term o preterm labor. Maaari itong mauwi sa tuluyang panganganak kay baby, na premature naman ang tawag.

    Mga sintomas ng preterm labor

    Habang nakakaramdam ka ng preterm labor contractions, nagkakaroon naman ng mga pagbabago sa iyong cervix. Ito ay ayon sa The American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG). Kabilang sa mga pagbabago iyon ang pagnipis at pagbuka ng cervix. Narito ang iba pang karaniwang senyales ng preterm labor:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Banayad (mild) na paghilab ng tiyan, na puwedeng meron o walang pagtatae (diarrhea)
    • Pagbabago sa vaginal discharge, na nagiging matubig at madugo, o di kaya may kasamang mucus
    • Pagdami ng vaginal discharge
    • Pagkakaroon ng pressure sa may pelvic o lower abdomen
    • Panay na pagkirot ng likod
    • Tuloy-tuloy o di kaya dumadalas na contractions at paninigas ng matres (uterine tightening)
    • Pagputok ng panubigan at pagdaloy ng tubig

    Payo ng mga eksperto na sabihan mo kaagad ang iyong doktor dahil kailangan mo nang madala sa ospital. Maaari raw kasing mangangak ka na bilang preterm birth.

    Preterm labor risk factors

    Puwedeng mangyari ang preterm labor sa sinumang buntis kahit walang pasabi o warning, ayon pa sa ACOG. Pero may ilang posibleng dahilan kung bakit tumataas ang tyansa ng buntis na manganak nang wala sa panahon. Kabilang diyan ang:

    • Nakaranas ng preterm birth sa huling beses ng panganganak
    • Mayroong maiksing cervix sa simula pa lang ng pagbubuntis
    • Nagkaroon na dati ng problema sa reproductive system o di kaya sumailalim sa operasyon
    • Pagkakaroon ng kumplikasyon sa pagbubuntis
    • Hindi naaayon na lifestyle para sa buntis

    Iba pa raw ang dahilan kung bakit tumataas naman ang tyansang tuluyang mauwi sa preterm birth:

    Medical history

    Ibig sabihin, nakaranas ka na noon ng preterm birth o di kaya nagkaroon ka ng injury sa nauna mong panganganak. Dagdag pa diyan ang pagkakaroon ng short cervix, na nasusukat sa pamamagitan ng transvaginal ultrasound exam, pati na ang maagang pagbuka ng cervix, na nasusukat naman sa pelvic exam. Isa pang dahilan ang pagdanas mo noon ng operasyon o anumang procedure para maayos ang problema sa iyong cervix.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pregnancy complications

    Kung kambal o higit pa ang pinagbubuntis mo, posibleng tumaas ang tyansa mong manganak nang wala sa oras. Dagdag pa diyan ang pagkakaroon ng pagdudugo (vaginal bleeding) habang buntis o di kaya infection.

    Lifestyle factors

    Maaaring maging sanhi ng prelabor birth ang kakulangan mo sa timbang at sustansya habang buntis, pati na ang paninigarilyo o iba pang bisyo at kung ano ang bawal sa buntis.

    Other factors

    Pinaniniwalang may epekto rin ang pagbubuntis bago ang edad 17 o di kaya lampas ng edad 35 para humantong sa preterm birth.

    Dapat gawin kung dumadanas ng preterm labor

    Paalala ng mga eksperto na kailangan mong madala sa ospital nang masuri ka ng doktor at makumpirma na dumadanas ka ng ng preterm labor. Sisiguraduhin daw ng doktor na ligtas kayong mag-ina sa panganib ng maagang paghilab ng tiyan o contractions.

    Maaari ka raw bigyan ng gamot para maiwasan ang kumplikasyon sa inyo pareho ni baby at subukan na pigilan, kung sakali, ang tuluyang panganganak. Kailangan pa daw kasi ng panahon para maging fully developed ang sanggol sa iyong sinapupunan kahit pa nariyan ang preterm labor risk factors.

    Makakatulong ang ilang self-care habits para maiwasan ang preterm labor, basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles