-
'Butterflies In The Stomach' Maaaring Unang Galaw Ni Baby Sa Tiyan!
Narito ang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 16.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

-
Kahit sinasabing “honeymoon period” ang second trimester, may mga sintomas ng pagbubuntis sa week 16 na maaaring hindi magbigay ng “feel good” na pakiramdam. Iba-iba naman kasi ang kaso ng bawat buntis.
PREGNANCY JOURNEY
- Pagbubuntis Sa Week 14: Eto Na Ang Varicose Veins At Round Ligament Pain
- May Kakaibang Glow Ka Na Pero May Pregnancy Brain Din Sa Week 15 Ng Pagbubuntis
Ang sigurado lang ay patuloy na lumalaki si baby sa sinapupunan at gumagalaw-galaw na siya. Tinatawag ang unang fetal movements na “quickening." Hindi daw nalalayo ang pagsasalarawan dito bilang “fluttering” dahil parang may mga paru-parong pumapagaspas sa loob ng tiyan, o ika nga “butterflies in the stomach.”
Sintomas ng pagbubuntis week 16
Kung una mo itong pagbubuntis, marahil malito ka sa pagkaka-iba ng quickening sa simpleng hangin sa tiyan na kabag. Mapapansin mo rin sa kalaunan ang pattern ng paggalaw hanggang makasiguro ka na mula nga iyon kay baby. Mas alam mo na ito sa susunod na pagkakataong magdalang-tao ka.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWContinued weight gain
Kasabay sa paglaki ni baby at ng iyong tiyan ang patuloy na pagdagdag ng iyong timbang. Alalahanin mo lang na may limitasyon dapat ang weight gain. Depende ito sa ilang konsiderasyon, tulad ng iyong pre-pregnancy body mass index (BMI), edad, gana sa pagkain, at kung gaano ka kabilis bumigat.
Halimbawa, ang pre-pregnancy BMI mula 18.5 hanggang 24.9 ay pasok sa normal weight. Maaaring magdagdag ng mula 25 hanggang 35 pounds ang buntis na may normal weight para sa kanyang full-term pregnancy at mula 37 hanggang 54 pounds naman kapag kambal ang dinadala.
Mainam na bantayan ang weight gain sa pamamagitan ng tamang pagkain at ehersisyo. Hindi ito madaling gawin, gaya ng natuklasan ni Andi Eigenmann noong buntis siya sa kanyang second daughter na si Lilo (na mababasa dito). Pero aniya, hindi daw dapat sumuko sa pag-asam ng healthy lifestyle.
Backaches
Bukod sa paglaki at pagbigat ng dinadala sa sinapupunan, nagkakaroon ng pananakit sa likuran at balakang dahil sa pregnancy hormone na relaxin. Ito kasi ang nagpapaluwag ng ligaments sa pelvis para mapadali ang paglabas ni baby sa oras ng kanyang kapanganakan.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMakakatulong ang low-impact exercise para maibsan ang kirot at lumakas ang katawan. Dagdag pa dito ang pagmintina ng good posture at pag-iwas sa pag-upo o pagtayo nang matagal. Huwag na munang magbuhat nang mabibigat at magpilit na abutin ng matataas na bagay.
Shortness of breath
May kinalaman ang pagkakabanat ng uterus para magkasya ang lumalaking sanggol kaya posibleng nahihirapan kang huminga o may shortness of breath. Natutulak kasi ng uterus ang diaphragm — ang muscle sa ibaba ng lungs — at lumiliit ang espasyo dito. Isa pa, tumataas ang paggawa ng katawan ng progesterone hormone, na siyang dahilan kung bakit malalim ang iyong paghinga.
Makakabuti pa rin ang good posture para lumuwag kahit paano ang kinalulugaran ng lungs at tuluyang mag-expand ang mga ito sa tuwing hihinga ka. Subukan naman ang paglalagay ng isa o dalawang unan na ilalim ng iyong upper body kapag matutulog ka na. Sa ganitong paraan, mababawasan ang pressure na ibinibigay ng uterus sa lungs.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWObserbahan ang sarili. Kung bigla-bigla ang paghabol mo ng hininga at gumagrabe ito, lalo na kung may kasamang pagkirot, pag-ubo, at heart palpitations, komunsulta ka na sa doktor. Baka kasi hindi lang sintomas ng pagbubuntis sa week 16 ang dahilan ng hirap mo sa paghinga.
Acne breakouts
Sa second trimester nagiging kapansin-pansin ang “pregnancy glow.” Resulta ito ng hormonal changes, kabilang ang pagtaas ng blood flow sa balat at pagdami ng oil production sa skin glands. Kaso lang puwedeng magdulot ang extra oil production ng acne breakouts.
Ngunit sa halip na gumamit ng gamot para sa tigyawat, sikapin na lang na parating malinis at hindi malangis ang mukha. Maaaring gumamit ng fragrance-free facial cleanser at oil-free products. (Basahin dito ang kuwento ng isang mommy at kanyang sensitive skin noong buntis siya.)
Kaugnay sa skin issues, mapapansin mo rin siguro ang mga nagsusulputang dark spots sa iyong mukha at iba pang parte ng katawan. Tumataas din kasi ang skin pigmentation dahil sa hormonal changes. Kaya posibleng umitim pa ang iyong mga nunal at pekas, pati na ang nipples, areolas, at labia.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDry, itchy, sensitive eyes
Dahil pa rin sa hormonal changes, malaki ang tyansa na maging sensitibo ang iyong mga mata. Kaya dumadalas ang pangangati at pagluluha ng mga mata mo. Pero bago ka magpabili ng over-the-counter eye drops, makakabuti kung magsabi ka muna sa doktor.
Development ni baby sa tiyan sa ika-16 linggo ng pagbubuntis
Sa kabilang banda, maluluha ka naman sa saya sa patuloy na development ni baby. May sukat na siya ng halos 11.5 cm, mula ulo hanggang puwitan, at timbang na halos 110 grams. Lubusan na ang maturity ng kanyang umbilical cord, na kadalasang mayroong dalawang arteries at isang vein.
Gumagana na ang joints ni baby. Naigagalaw niya ang kanyang mga darili sa kamay at paa, habang tinutubuan ang mga ito ng kuko. Nakapikit pa rin siya, pero nakakaaninag na ng liwanag. Nakakagawa na siya ng facial expression na random pa lamang dahil wala pa siyang muscle control.
PREGNANCY JOURNEY
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW- Pagbubuntis Sa Week 14: Eto Na Ang Varicose Veins At Round Ligament Pain
- May Kakaibang Glow Ka Na Pero May Pregnancy Brain Din Sa Week 15 Ng Pagbubuntis
Magandang ideya ang pagbabasa ng libro, tulad ng tungkol sa pangalan ng mga sanggol, nang malibang ang sarili at hindi masyadong maapektuhan ng mga sintomas sa pagbubuntis sa week 16. (May mga suhestiyon dito na baby names.)
What other parents are reading

- Shares
- Comments