-
Real Parenting Anong Gagawin Mo Kung May Biglang Sumampal Sa Anak Mo?
-
Toddler Toddler Masturbation Happens! 5 Signs When You Need To Worry
-
Health & Nutrition Try to Relax, Preggos! Your Unborn Baby Can Feel Your Stress
-
Your Kid’s Health Don't Give Fruit Juice to Kids 1 Year Old and Below, Pedias Say
-
Mga Sintomas ng Pagbubuntis Linggo 5: Nabubuo na ang Major Organs ng Iyong Baby
Mahalaga ang ikalimang linggo sa development ng baby sa iyong sinapupunan.by Lei Dimarucut-Sison and Anna G. Miranda .

PHOTO BY @PIKSEL/iStock
Marahil ay alam mo nang delayed ang pagdating ng iyong regla (kung ikaw ay may regular na 28-araw na menstrual cycle) sa mga panahong ito na isang senyales ng pagbubuntis. Ngunit tandaan ding maaaring epekto lamang ito ng stress at pagkabalisa. Kung buntis ka nga, ngayong linggo mo na rin matutuklasan ang magandang balita!
Mga senyales ng pagbubuntis Linggo 5
Inilalatag na ng iyong katawan ang mga pundasyon ng iyong pagbubuntis sa ika-5 linggo. Malapit nang mabuo ang iyong placenta at ang neural tube (ito ang magiging spinal cord at utak ng iyong baby). Magiging sapat na rin ang hCG hormone sa iyong katawan at made-detect na ng isasagawa mong pregnancy test ang iyong pagbubuntis.
What other parents are reading
Mga sintomas ng pagbubuntis Linggo 5
Maraming pagbabago sa iyong katawan sa unang trimester. Posible ring karaniwan na ang maranasan ang ilan (o lahat) sa sumusunod na mga sintomas hanggang sa susunod na mga buwan ng iyong pagbubuntis:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWFatigue o labis na pagkapagod
Pakiramdam mo, gusto mong matulog nang mas madalas. Asahan mong tila laging ubos ang iyong lakas sa panahong ito dahil inilalaan ng iyong katawan ang lahat ng kakayahan nito upang masuportahan ang paglaki ng sanggol sa iyong sinapupunan.
Morning sickness
Huwag kang mag-alala dahil ayon sa isang pag-aaral, tanda ng malusog na pagbubuntis ang pagkakaroon ng morning sickness. Maaaring sa umaga mo ito nararamdaman, o sa gabi, at ang iba pa nga’y ganito ang pakiramdam buong araw. Mayroon ding mga suwerteng babae na hindi ito nararanasan.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPagiging sensitibo ng pang-amoy at panlasa
Marahil, dala na rin ng iyong morning sickness (na maaaring magtagal buong araw) ang pagkakaroon mo ng matinding pagkasuya sa ilang mga lasa at amoy. Halimbawa, ayon sa ilang mga babaeng naglilihi, ayaw na ayaw nila sa amoy ng ginisang bawang. Maliban pa sa pagkain, may iba ring umaayaw na sa amoy ng pabango na dati naman nilang gusto.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Paglilihi
Madalas na makaranas ng food cravings ang mga buntis. Maaaring totoo ang tinatawag na “paglilihi” o maaring bunga lang ng imahinasyon, pero may mga babae talagang naghahanap ng natitipuhang pagkain, kahit walang kasiguruhan na kakainin nila ito.
Pagsakit ng mga suso
Tulad ng morning sickness, ang pakiramdam na mabigat at masakit ang mga suso ang isa sa pinaka-karaniwang sintomas ng pagbubuntis.
Cramps
Ang nararamdamang masakit sa iyong puson ay maaaring dulot ng nag-e-expand na litid o ligaments. Kumonsulta agad sa doktor, lalo na kapag hindi mo na ito kayang tiisin.
Madalas na pag-ihi
Napakaraming nangyayari sa iyong katawan dahil sa pagbubuntis kung kaya’t kahit ang mga bato o kidneys mong nag-e-expand ay dahilan din ng madalas mong pagbalik-balik sa banyo.
Ang paglaki ng iyong baby sa Linggo 5
Sa puntong ito, napakaliit pa rin ng iyong baby ngunit napakahalaga ng panahong ito sa kaniyang paglaki o development. Dito na nagsisimulang mabuo ang pinakamahahalagang mga bahagi ng kaniyang katawan tulad ng puso, mga bato (kidneys), atay, at sikmura.Posible na ring makita sa ultrasound ang pagtibok ng kaniyang puso.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Ang mga dapat mong gawin sa Linggo 5 ng pagbubuntis
Maghanap ng obstetrics-gynecologist
Tanungin ang iyong mga kaibigan at pamilya kung mayroon silang kilalang mahusay na ob-gyn at magpaiskedyul na ng paunang konsultasyon. Huwag ka ring mag-alala dahil malaya kang makapipili ng iyong doktor. (I-click ang link na ito para sa tips upang mahanap ang tamang ob-gyn para sa iyo.)
Maging maingat sa kinakain
Hilaw na pagkain, unpasteurized milk, malasadong itlog, at karne ang ilan sa mga dapat iwasan. Maaaring maging sanhi ng food-borne diseases ang mga nabanggit. Posibleng mapahamak ang iyong anak kung hindi mag-iingat nang mabuti.
Magsimula ng pregnancy journal
Makatutulong ang pagkakaroon ng journal at ang pagsusulat ng mga detalye tungkol sa iyong pagbubuntis. Maaari din itong magsilbing medical record na iyong magagamit balang araw.
Magsimula nang mag-ipon
Hindi masamang simulan ang pagbuo ng budget at planong pampinansyal upang mapag-ipunan mo na rin ang kinabukasan ng iyong anak. Upang mabigyan ka ng ideya, narito ang tinatayang gastusin sa pagpapalaki ng anak mula sanggol pa lamang hanggang nasa dalawang taong gulang siya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Pregnancy Symptoms Week 5: Your Baby’s Major Organs Are Forming

View More Stories About
Trending in Summit Network