embed embed2
Dumadami Ang Mga Buntis Na May COVID-19 Nang Hindi Nila Alam, Sabi Ng Grupo Ng Mga OB
PHOTO BY Shutterstock
  • Kabilang ang mga buntis sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19. Naitala ang 32,744 mga bagong kaso, ayon sa datos na ibinahagi ng Department of Health (DOH) nitong January 21, 2022.

    Sa tantiya ni Dr. Cara Madrigal-Dy, isang obstetrician-gynecologist (ob-gyn), 8 sa 10 niyang mga pasyente ang nagpositibo sa nakakahawang sakit, partikular ang variant nitong Omicron.

    Isa si Dr. Madrigal-Dy, ang presidente Philippine Society of Maternal and Fetal Medicine (PSMFM), sa mga lumahok sa virtual talk na inorganisa ng DOH noong January 20. Ang tema ng DOH #MediaSolusyon: Kapihan Session ay "Vaccination and Booster for Pregnant and Breastfeeding Mothers."

    Kasama ni Dr. Madrigal-Dy ang mga kapwa niya ob-gyn at miyembro ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS) na sina Drs. Marilyn Dee, Sybil Lizzane Bravo, at Maria Julieta Germar. Magkasama rin sina Drs. Bravo at Germar sa Philippine General Hospital (PGH), na isang COVID-19 referral center.

    Lahad ni Dr. Germar, "Marami po kaming nakukuhang positive kasi sa amin nire-refer ang mga nagpa-positive. Pero kumpara sa mga nakaraang buwan, lalo na ng October, November, December [2021], napakarami nga pong positive [ngayon]."

    Halos lahat sa mga pasyente ay "incidental positive," sabi pa ng pinuno ng POGS Clinical Consensus Working Group. Ibig sabihin: "Wala silang nararamdamang sintomas, o merong mild, parang sipon, ubo, at kapag tinest sila, pero sila ay positive."

    Paliwanag niya, "Kasi lahat ng buntis na dumadating sa ospital, kung sila man ay magle-labor o kung anumang sintomas, sila ay tine-test. Base po sa mga test na ginawa sa kanila simula January [2022], marami po sa kanila ay positive.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Pero ang maganda lang, kumpara noong September [2021], hindi sila may sakit dahil sa COVID. Mild lang o walang sintomas, kaya lang kapag tinest, positive po sila. Iyon ang tinatawag na ‘with COVID’ pero hindi sila naa-admit dahil sa COVID. Naa-admit sila para manganak."

    Buntis at may COVID-19

    Meron din namang mga buntis ang nalalaman kaagad na positibo sila sa coronavirus. Sa ganyang sitwasyon, payo ni Dr. Madrigal-Dy na komunsulta kaagad ang buntis sa ob-gyn at huwag uminom ng sinasabing gamot sa COVID-19 na Molnupiravir. Aniya, "wala pang pag-aaral na ligtas sa buntis" ang Molnupiravir at hindi ito rekomendadong inumin.

    Ayon naman kay Dr. Bravo, mainam ang homecare para sa mild case. Kailangan lang magkaroon ng contact ang maysakit sa doktor, sa telepono man o digital media, na magbibigay ng suporta at gabay.

    Kailangan din daw mag-isolate, dalasan ang pag-inom ng tubig, uminom ng vitamins, at sundin ang primary hygiene, tulad ng paghuhugas ng kamay. Maaaring uminom ng paracetamol para sa lagnat, puwera na lang daw kung may allergy sa gamot. 

    Dagdag pa ng president ng Philippine Infectious Disease Society in Obstetrics and Gynecology na maging alerto sa danger signs, lalo na ang mga ganitong respiratory symptoms:

    • Bumibilis ang paghinga
    • Hindi nawawala ang lagnat
    • Mas lumalalim ang paghinga
    • Lumalala ang ubo
    • Nagkakakulay ang plema

    Bilin ni Dr. Bravo na kailangang dahil na ang maysakit sa emergency room dahil hindi na lang siya mild, bagkus moderate case na. Aniya, "Kailangan na nila ma-admit for further monitoring."

    COVID-19 vaccine

    Nagkakasundo ang mga ob-gyn na ligtas ang bakuna para sa mga buntis at nagpapadedeng ina. Sabi nga ni Dr. Dee, na presidente ng POGS, "In my experience, wala pa akong nakitang adverse effect ng vaccine sa pregnant women."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa katunayan nga raw, may mga pag-aaral na nagsasabing tumatawid ang antibodies mula sa COVID-19 vaccine na natanggap ni mommy papunta sa kanyang baby. Nagkakaroon tuloy ng proteksyon ang sanggol laban sa virus hanggang anim na buwan. Sa kasalukuyan kasi older kids pa lang ang pinapayagang makatanggap ng bakuna.

    Sabi rin ng grupo na rekomendado nila sa buntis ang lahat ng brand ng COVID-19 vaccine na binibigay dito sa Pilipinas dahil aprubado ng Food and Drug Administration (FDA). Pero maliban na lang sa Sputnik V na gawa sa Russia. Wala pa raw kasing pag-aaral na ginawa na nagsasabing ligtas ito para sa buntis, kahit na binibigay na ito sa mga buntis sa Russia.

    Hinihikayat ng mga ob-gyn na magpabakuna ang mga buntis at nagpapadedeng ina, at pagkatapos ay tumanggap din ng booster shot ng COVID-19 vaccine. Tataas kasi ang tyansa na maiwasan ang lubhang pagkakasakit. Alalahanin daw na high risk ang mga buntis sa virus, na maaaring maging sanhi ng pregnancy complications, tulad ng miscarriage.

    Kung ang anak mo naman ang may sintomas ng COVID-19, basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles