Nagpositibo sa COVID-19 si Jessy Mendiola.
Ito ang kinumpirma ng limang buwang buntis na si Jessy sa kanyang Instagram at YouTube ngayong gabi ng Huwebes, September 15, 2022.
Ayon pa sa kanya, kung kailan lumipas na ang halos tatlong taon ng COVID-19 pandemic ay tsaka pa siya nahawaan ng virus.
Ang ikinabahala raw ni Jessy nung nalaman niyang positibo siya sa sakit ay ang batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan.
Lahad ni Jessy, “After almost 3 years of being so paranoid and careful… I tested positive for Covid-19 last Sept 3.
"I had symptoms and, for me, it was the hardest 11 days of my life. It was my first time to get infected with the virus.
“I never thought I would get it while 5 months (and 3 weeks) pregnant.”
Ibinahagi raw niya ang kanyang naging karanasan dahil nais niyang ipaalam sa publiko na may COVID pa rin sa ating kapaligiran.
Nagluluwag na kasi ang bansa ngayon sa safety protocols.
Saad niya, “I’m sharing this difficult experience with you because I want to spread awareness that Covid-19 is still very much around.
“Even if protocols are easing up and there already is a mandate allowing people not to wear masks outdoors.. I hope we still protect each other in our own little ways.
READ ALSO: Wearing Face Masks Outdoors Is Now Voluntary In PH
“Sa mga preggy mommies/ladies, I’m sure makaka-relate kayo dito.. ang hirap pala talaga magkasakit kapag alam mong may dinadala ka sa iyong sinapupunan hindi dahil sa sarili mo, pero dahil magaalala ka talaga para sa baby/anak mo at siyempre para sa asawa mo.”
Ngayon, negative na si Jessy matapos ang pagkakasakit ng labing-isang araw.
September 3 siya nagpositibo, at September 13 naman siya nagnegatibo.
Aniya, “Finally.. negative na ako! [heart emoji] Thank you, Lord! [praying hands emoji]”
Sa kanyang YouTube vlog, ipinakita ni Jessy ang COVID-19 journey niya.
Makikita ring sinamahan siya ng mister na si Luis Manzano sa kuwarto at binantayan talaga siya noong mga unang araw niyang nagpositibo.
Na-expose daw si Luis kay Jessy pero hindi naman siya nahawaan.
Pero pumayag na rin si Luis na sa ibang kuwarto matulog matapos ang ilang araw na pagsama kay Jessy sa kuwarto nilang mag-asawa.
Sa isang bahagi ng vlog, makikitang umiiyak si Jessy.
Sabi niya, "Kung ako lang 'to, rock and roll lang ako, e, okay lang. But siyempre, I have a baby inside of me, inside my womb, so I'm hoping that it won't affect my baby."
Ano ang mga dapat malaman ng mga buntis ukol sa COVID-19
Base sa mga pag-aaral ng Centers for Disease Control and Prevention, mababa naman ang tiyansa na maapektuhan ang batang dinadala ng buntis habang nasa sinapupunan ito. Ngunit meron pa ring mga posibleng kumplikasyon na depende rin sa kalusugan ng nanay at sa epekto ng virus sa kanya. Ayon ito sa website ng CDC na huling inupdate noong July 1, 2022.
1. Mas mataas ang tiyansa na maging severe ang kaso ng COVID-19 sa mga buntis kaysa sa mga hindi buntis
Kapag nangyari ito, maaari silang ma-admit sa ICU o maging sanhi ng pagkamatay.
Ayon sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng severe cases ay 41% higit na mas mataas noong panahon ng Delta variant. Halos 8 out of 10 naman ang nagkasakit ng COVID-19 nang hindi nila nalalaman noong panahon ng Omicron variant, ayon sa grupo ng mga OB-Gyn na Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS).
2. Kung magkaroon ng COVID-19 ang buntis, tumataas din ang tiyansa na magkaroon ito ng kumplikasyon sa pagbubuntis
Maaari itong maging sanhi ng preterm delivery o stillborn infant.
Paliwanag ng CDC, pinag-aaralan pa nila ang epekto ng COVID-19 sa mga buntis at sa kanilang dinadala. Nirerekomenda nila na magpabakuna laban sa COVID-19 ang mga buntis upang makatulong sa pag-iwas dito, lalo na sa severe cases.
3. Mahalaga ang magpabakuna
Ayon naman kay Dr. Maria Julieta Germar ng POGS, "Ang buntis ay pwedeng mabakunahan ng COVID-19 vaccine. Mas masama o mas malaki 'yung risk kapag hindi sila nabakunahan. Very. very mild lang if ever 'yung mga side effects... Pero 'yung kapalit kapag hindi sila nabakunahan ay malubha.
"Magpabakuna po tayo at magpa-booster po 'yung mga buntis."
4. Kumonsulta sa doktor at huwag mag-self-medicate
Kung sakaling tamaan ng COVID-19 ang buntis, ayon kay Dr. Cara Madrigal-Dy, isang obstetrician-gynecologist (ob-gyn), kumonsulta kaagad ang buntis sa ob-gyn at huwag uminom ng sinasabing gamot sa COVID-19 na Molnupiravir. Aniya, "wala pang pag-aaral na ligtas sa buntis" ang Molnupiravir at hindi ito rekomendadong inumin.
Ang aktres at TV host na si Iya Villania ay nagkaroon din ng COVID-19 noong ipinagbubuntis niya ang kanyang bunsong anak na si Astro. Basahin dito ang naging journey niya.
This story originally appeared on Pep.ph.
*Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.