-
Nabubulag na Yata Ako! Lumalabo ba ang Paningin Dahil sa Pagbubuntis?
Huwag mag-alala, hindi naman naman talaga lumalabo ang iyong paningin.by Rachel Perez and Mimmy Delmendo .
- Shares
- Comments

May mga sintomas na tipikal na nararanasan ng mga kababaihang nagbubuntis, tulad ng pagduwal sa umaga. Ngunit bukod dito, mayroon ding mga kakaibang kundisyon tulad ng carpal tunnel syndrome, at oo, pati na rin ang problema sa paningin.
Hindi lahat ay nakakaalam na nararanasan ito ng mga nagdadalang-tao. May dalawang posibleng dahilan kung bakit hindi kadalasang binabanggit ng mga buntis ang tungkol sa paglabo ng kanilang mata. Una, iniisip nila na walang masyadong magagawa para masolusyonan ito kaya nagpapasya silang magtiis na lamang. Ikalawa, ang problema sa paningin ay maaaring senyales ng iba pang kumplikasyon na mas dapat nilang pagtuunan ng pansin.
What other parents are reading
Paano naaapektuhan ng pagbubuntis ang iyong paningin
Lumalabo ang paningin habang nagdadalang-tao? Ito ang ilan sa mga tipikal na problema sa paningin na naidudulot ng pagbubuntis. Alamin kung alin dito ang karaniwan, at alin ang kailangan ng agarang atensyon ng doktor.
Paglabo ng paningin
Paano maaapektuhan ng isang sanggol na lumalaki sa sinapupunan ang iyong mga mata? Isang salita: hormones. Ayon kay Dr. Robert O. Atlas, isang obstetrician-gynecologist, dumarami ang dugo na dumadaloy sa katawan ng isang buntis para masuportahan ang lumalaking bata. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa kanila ay nakararanas ng kaunting paglabo ng mata at pagkahilo kapag agad silang tumayo o bumangon. Tandaan na ang kanilang nararanasan ay “kaunting” paglabo at pagkahilo lamang; ibig sabihin ay panandalian ito at nawawala rin matapos ang kaunting panahon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPagkatuyo ng mata
Kung pareho lang naman ang ginagamit na contact lens ngunit mas nahihirapan noong nagbubuntis, maaring dahil ito sa pagkatuyo ng mata. May ilang mga hormones na nagsasabi sa katawan na bawasan ang paggawa ng luha, paliwanag ni Heidi Murkoff na siyang nagsulat ng libro na What to Expect When You’re Expecting. Maaring maging dahilan rin ito ng pangangati at iritasyon ng mata.
Pressure sa mata
Tulad ng nangyayari kapag namamanas ang sakong at paa ng mga buntis, may mga hormones at fluids sa katawan rin na naiipon malapit sa mata. Dahil dito, may mga babaeng nagiging near o far-sighted habang sila ay nagbubuntis. Mayroon din namang mas nagiging sensitibo sa araw ang mga mata dahil sa pressure sa cornea.
Kapag nagbubuntis ay mas madaling kapitan ng impeksyon sa mata dahil malaki ang hinihingi ng pagpapalaki ng bata sa katawan ng ina. May ilang mga nagdadalang-tao na humihina ang paningin sa gilid, o peripheral vision, kaya maiging iwasan muna ang pagmamaneho habang buntis. Bukod dito, maaari rin maapektuhan ang paligid ng mata ng pigmentation o pagkulay ng balat dulot ng hormones.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Paano gamutin o pigilan ang sintomas na konektado sa paningin
Hindi na kailangan sumailalim sa matinding panggagamot kung hindi naman naaapektuhan ang pang araw-araw na buhay ng nagdadalang-tao. Ang mga nagsusuot ng contact lenses ay maaari munang mag-salamin pansamantala. Ipahinga ng madalas ang mga mata. Babalik rin sa dati ang mga ito matapos ang panganganak.
May maaari bang gawin upang mapigilan ito? “It’s vital to make sure your eyes are healthy during pregnancy. The best way to do that is by scheduling a comprehensive eye examination by an eye-care professional,” payo ni Dr. Ryan Parker, O.D., isang optometrist. (Importanteng panatilihing malusog ang mga mata habang nagdadalang-tao. Ang pinakamagandang paraan para masiguro ito ay ang dumaan sa masusing pagsusuri sa ilalim ng isang propesyonal na nangangalaga sa mata.)
Hindi rin minumungkahi na magpa-laser surgery. Ayon kay Murkoff, sinasabi ng mga opthalmologist na dapat iwasan ang laser eye surgery habang nagdadalang-tao at anim na buwan bago at matapos ng pabubuntis. Para naman sa mga nagpapasusong nanay, kailangan maghintay rin sila ng anim ba buwan matapos tumigil ang anak sa pagsuso sa kanila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKailan dapat magsabi sa doktor tungkol sa problema sa paningin kapag nagbubuntis
Maaaring sintomas lang ng pagbubuntis ang kaunting paglabo ng mata, ngunit puwedeng maging tanda rin ito ng mas malalang komplikasyon. Isa ang paglabo ng mata sa mga senyales na dapat bantayan sa loob ng siyam na buwan ng pagbubuntis, kaya mainam na banggitin sa doktor kung mararanasan ito.
Ang paglabo o pagdilim ng paningin, pagkaroon ng maliliit na puti ng batik o mga lumulutang na bagay sa paningin, o mga “flashes” na nagdudulot ng sakit ng ulo — kapag ang mga ito ay naranasan ng mahigit sa dalawang oras, maaaring senyales ito ng preeclampsia at gestational diabetes.
Maaaring maranasan ang preeclampsia mula sa ika-20 na linggo ng pagdadalang-tao, kapag nagsimula nang tumaas ang presyon ng ina. Ang gestational diabetes naman ay ang pagdami ng lebel ng asukal sa dugo. Ang dalawang uri ng komplikasyon na ito ay mapanganib sa kalusugan ng sanggol at ng ina.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Your Pregnancy Can Cause You to Say, 'I Think I Am Going Blind'
What other parents are reading

- Shares
- Comments