;
embed embed2
6 Benepisyo Ng Pregnancy Binder Para Guminhawa Ang Kalagayan
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang pananakit ng likod at pananakit ng balakang ang ilan sa mga karaniwang nararanasan ng mga buntis. Nagdudulot ito ng discomfort para malimitahan sa paggalaw at maayos na makakilos ang mga buntis. Kaya naman ang pagsusuot ng pregnancy binder ay makatutulong para maibsan ang sakit at bigat na mararamdaman sa paglaki ng tiyan.

    Kuwento ng writer na ito, aniya, noong buntis ako, habang lumalaki ng tiyan ko, ramdam ko talagang bumibigat din ang bitbit ko, lalo na may kasamang myoma ang aking pagbubuntis, kaya ipinayo agad ng aking ob-gyn ang paggamit ng pregnancy o maternity binder. Sabi niya makatutulong ito sa akin para mapagaan ang bitbit ko sa aking sinapupunan at hindi gaanong sumakit ang likod ko.

    Ang mga belly bands o pregnancy binder ay isang flexibe garment na isinusuot para suportahan ang likod at tiyan ng buntis lalo na pagdating sa ikalawa at ikatlong trimester ng pagbubuntis. May iba’t ibang disenyo nito at sukat pero kadalasan may iisa lamang na sukat para sa lahat at naikakapit sa pamamagitan ng pagdikit ng velcro. Hindi ito binubutones. Pinapalibot ito pasalo sa ilalim ng tiyan papuntang balakang o likuran.

    Mga benepisyo ng pagsusuot ng pregnancy binder

    May ilang tulong na hatid ang pregnancy binder, ayon sa mga eksperto.

    Nababawasan ang sakit sa balakang at likod

    Nakadaragdag ng hirap sa pagbubuntis ang pananakit ng likod dulot ng pagbigat ng tiyan habang lumalaki ang baby sa sinapupunan kaya nahihirapan ang buntis na kumilos o gumawa ng iba pang gawain. Nakatutulong ang pregnancy binder para suportahan ang kanilang balakang, likod at tiyan sa paggalaw o paggawa ng mga gawain na magreresulta naman na mabawasan ang mga sakit na mararamdaman.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Banayad na kompresyon

    Nakabubuti ang pagbibigay nito ng banayad na kompresyon sa pagsuporta sa matris at nababawasan din ang discomfort sa paggalaw lalo na sa paggawa ng mga pisikal na gawain. Pero tiyakin na hindi labis ang higpit ng pagsusuot nito dahil hindi naman makabubuti sa maayos na sirkulasyon ng dugo at posibleng magdulot din ng heartburn at hindi pagkaunaw ng pagkain. Tiyakin na may tamang sikip lamang din ng pagsusuot nito.

    Nakapagbibigay ng ginhawa sa page-ehersisyo

    Marami ding mabuting maidudulot ang pag-eehersisyo sa kalusugan habang buntis. Pero bago ito gawin tiyaking may pahintulot din ng iyong doktor. Ang pag-eehersisyo habang buntis ay nakatutulong sa pagpapalakas at pagpapatibay ng kalamnan at nababawasan ang tendensiya ng pagdebelop ng mga sakit gaya ng hypertension, depression, at diabetes.

    Maraming buntis ang nahihirapan na mag-ehersisyo dahil sa bigat ng kanilang tiyan kaya naman nakatutulong ang pagsusuot ng pregnancy binder para mas makakilos at makasali sila sa mga pisikal na gawain.

    Napapanatili ang maayos na tindig

    Dahil sa bumibigat ang iyong tiyan, kadalasan napapayuko ka para bitbitin ang bigat na naililipat sa harapan at napapahukot ang likod mo rito na nagdudulot ng pagbabago sa iyong posture o tamang tindig. Sa pagsusuot ng pregnancy binder, makatutulong ito na mapanitili ang iyong maayos na tindig o posture.

    Napapababa ang tsansa na matumba o mawala sa balanse

    Nakatutulong din ang pregnancy binder na mapanatili ang balanse ng katawan at nababawasan ang panganib na matumba lalo na ikatlong trimester na higit na mabigat at malaki ang tiyan ng buntis. Nagagawa nitong mapatatag ng kanilang pelvis at likod para mapabuti ang kanilang pagbabalanse ng timbang.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Puwedeng maging estilo ng pananamit

    Maaaring maisuot mo pa rin ang iyong paboritong pantalon o shorts nang hindi isinasara ang butones nito. Makatutulong ang ang pregnancy binder na pansara o pantakip nito. Maitatago nito ang iyong tiyan at ang itaas na bahagi ng iyong pang-ibabang suot. Makababawas at makaiiwas ka pa na mapahiya na makita ang iyong likod o tiyan dahil sa pagliit ng iyong damit. Makababawas din sa gastusin sa pagbili ng bagong damit.

    Dapat tandaan sa pagsusuot ng pregnancy binder

    Bagaman nakatutulong ang pagsusuot ng pregnancy binder sa mga buntis na mabawasan ang mga sakit at discomfort, maiwasan ang hernias, hemorrhoids, at varicosities, may ilang bagay na dapat tandaan pa rin sa paggamit nito.

    • Suotin ang pregnancy binder nang dalawa hanggang tatlong oras para maiwasan ang labis na depende rito.
    • Kasamahan ng ehersisyo ang pagsusuot ng pregnancy binder para mapalakas ang mga kalamnan o muscles habang buntis.
    • Mahalagang komunsulta rin sa doktor bago gumamit ng pregnancy binder para matiyak kung angkop ito sa iyo dahil maaaring ipagbawal din kung may ibang kondisyong pangkalusugan na posibleng makasagabal ang pagsusuot nito.
    • Hindi pangmatagalan ang paggamit ng pregnancy binder lalo na kung may ibang nararamdamang matinding sakit o pananakit ng likod o balakang.

    Pinagkunan ng impormasyon:

    https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/staying-healthy-during-pregnancy

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles