;
embed embed2
7 Bagay Na Subukan Muna Kung Masakit Ang Balakang At Buntis Ka
PHOTO BY Shutterstock/AstroStar
  • “Sumasakit ang balakang ko, manganganak na ba ako?” Ang pananakit ng balakang ng buntis ang isa sa madalas na naitatanong kung malapit na daw ba manganak kapag nakakaramdam ng ganitong sintomas

    Pero paano kung hindi mo pa naman kabuwanan? Normal lang ba ang pananakit ng balakang o hips sa buntis?

    May iba’t ibang sintomas ng pagbubuntis. Nakakaramdam din ng iba’t ibang pananakit dahil sa pagbabagong nararanasan. Inihahahanda kasi ng katawan ang sarili sa panganganak.

    Walang dapat na ikabahala kung nararanasan ang pananakit ng balakang dahil normal ito lalo na kapag lumalaki na ang tiyan. Nagiging mas mataas na rin ang stress sa likod para mabitbit ang iyong baby.

    Bakit may pananakit ng balakang ng buntis

    Kadalasang nararanasan ang pananakit ng balakang kapag nasa second at third trimesters na sa pagbubuntis. Ito ay dahil lumalaki rin ang iyong matris at ang bata sa iyong sinapupunan kaya bumibigat na ang iyong bitbitin na nagdudulot naman ng pressure sa iyong likuran.

    Pagbigat ng timbang

    Kanirawang nadaragdagan ng timbang ang buntis kada buwan. Dahil sinusuportahan ng spine ang weight gain, nakararanas ng pananakit ng balakang. Ang paglaki ng baby sa iyong tiyan at ng iyong uterus ay nakadaragdag din ng pressure sa blood vessel at nerve sa iyong pelvis at likuran.

    Pagbabago sa posture

    Sa pagbubuntis, nagbabago ang sentro ng  bigat kaya minsan parang nagiging hukot ka na dahil sinuportahan mo ang iyong tiyan. Hindi mo namamalayang nagbabago na rin ang iyong posture na nagreresulta naman sa pananakit ng balakang at likuran.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagbabago ng hormone

    Sa pagbubuntis, ang iyong katawan ay gumagawa ng hormone na tinatawag na relaxin. Ito ay nagpaparelaks sa ligament sa pelvic area at sumusporta sa mga joint ng katawan na bumuka para mabilis ang paglabas ng baby sa panganganak.

    Stress

    Nakapagdudulot ng muscle tension sa likuran ang labis na stress. Makararanas o makararamdam ng pananakit ng likuran o balakang sanhi ng emotional stress sa panahon ng iyong pagbubuntis.

    Paghihiwalay ng muscle

    Sa paglaki ng matris o uterus, ang dalawang parallel muscle na mula sa rib cage patungo sa pubic bone ay maaaring maghiwalay na magpapalala naman ng pananakit ng likod at balakang.

    Gamot sa masakit na balakang kung buntis

    Maliban na lang kung may ireseta ang doktor, hindi kailangang agad ng gamot sa masakit na balakang. Higit lalo na delikado sa buntis ang pag-inom ng gamot gaya ng painkiller na walang prescription ng doktor dahil maaaring maaakpeto ito sa baby.

    Ang paracetamol ang tinuturing na safest na painkiller pagdating sa buntis o breastfeeding mom. Wala daw itong mapanganib na epekto kay mommy o sa baby.

    Kung gusto mo sanang maiwasan ang gamot, maaaring maibsan naman ito sa tulong ng sumusunod:

    1. Magsagawa ng mild stretching o exercise gaya ng prenatal yoga o paglilipat-lipat ng posisyon paminsan-minsan.
    2. Iwasan ang palagiang pag-upo at paghiga subukin ang bahagyang pagkilos-kilos o gawin ang posisyong na nakaalis ng bigat o pressure sa balakang.
    3. Magpahinga kung kinakailangan upang ma-relax at maalis ang pagod.
    4. Matulog ng patagilid at maglagay ng unan sa pagitan ng mga tuhod at binti o gumamit ng maternity pillow.
    5. Subukin ang pagligo ng maligamgam o kaya lapatan ng warm compress ang balakang.
    6. Sikaping maayos lagi ang posture habang nagtatrabaho, sa pagtayo, sa pag-upo, maging sa pagtulog.
    7. Iwasan ang pagsuot ng sapatos na may matataas na taking o high-heeled shoes.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Makipag-usap sa pinagkakatiwalaang kaibigan o sa counselor kung may kinalaman sa stress ang nararamdamang pananakit. Kailangan ding kumonsulta sa iyong doktor kung ang nararamdamang pananakit ng balakang lalo na kung hindi nawawala.

    Kung ang pananakit ay mas nagiging madalas at may kasamang contractions kasabay pa na nakararamdam ng pananakit ng puson, posible kasi itong hudyat ng preterm labor.

    Kung masakit din ang lower back area o balakang at hindi muscle ang napapansin mong masakit o pakiramdam na parang nangangalay, mabuting magpatingin agad sa doktor baka may kaugnayan ito sa iyong ihi. Tandaan na prone rin kasi sa urinary tract infection (UTI) ang mga buntis.

    What other parents are reading

     

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles