embed embed2
Ipaalam Agad Sa Doktor Kung May Diarrhea O Masakit Ang Puson Sa Week 33 Ng Pagbubuntis
PHOTO BY Shutterstock/Arkom Suvarnasiri
  • Isa sa mga sintomas ng pagbubuntis sa week 33 ang dyspnea o hirap sa paghinga. Tipikal na makararanas ka ng paghingal na mapapansin mo kapag nagsasalita o gumagalaw. Ito ay dahil sa lumalaki mong uterus na nagdudulot ng pressure sa iyong diaphragm at naitutulak nito pataas ang iyong baga.

    Sintomas ng pagbubuntis week 33

    Ngayong papalapit na nang papalapit ang iyong pinakaaabangang araw mas nagiging mahirap na rin sa iyo ang pagkilos. Sa yugtong ito ng pagbubuntis mo, mas nagiging makakalimutin ka na rin. Marahil narinig mo na ang tungkol sa “pregnancy brain.”

    Sa dami ng iyong iniisip at alalahanin sa nalalapit mong panganganak, mas nagiging stress ka na at madaling pagod na makaapekto sa iyo na makapag-focus sa mga bagay-bagay.

    Narito pa ang ilang mga sintomas na mararamdaman mo sa ika-33 linggo ng pagbubuntis.

    Hirap sa pagtulog

    Mas challenging pang lalo para sa iyo ang pagtulog sa panahong ito. Hindi mo malaman kung anong puwesto ang gagawin mo. Gawing mas komportable ang iyong higaan at magdagdag ng unan sa pagitan ng iyong binti at maglagay din sa ilalim ng tiyan.

    Dahil din sa hormonal changes, mas mapapadalas ang pag-ihi, pamumulikat ng paa (leg cramps), heartburn, at pagbigat ng iyong tiyan na nakaapekto sa iyong maayos na pagtulog.

    Makatutulong ang pagpapamasahe sa iyong asawa, pagbabasa ng libro, pakikinig ng musika, at pag-inom ng gatas para mabilis kang dalawin ng antok.

    Pananakit at pagmamanas ng kamay at paa

    Makararamdam ka ng pananakit at pagmamanas ng iyong mga kamay at paa dahil sa naiipong tubig sa mga bahaging ito ng iyong katawan. Nakadaragdag din ito ng pressure sa nerves ng iyong pulsuan na posibleng mag-develop ng carpal tunnel syndrome.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagsakit ng puson

    Mararamdaman mong bumibigat ang bandang bahagi ng iyong pelvis. Posibleng ang pagsakit ng puson at kung minsan may kasamang diarrhea. Itinuturing na senyales ito ng preterm labor kaya ipagbigay alam agad sa iyong doktor sakali na makaranas ng ganitong sintomas.

    Pagnanais sa pakikipagtalik

    Maraming preggy mommy ang nakakaramdam ng increased sexual drive sa puntong ito. At ipagpatuloy ang pakikipagtalik sa asawa dahil maraming pregnancy sex benefits. Safe ito kung walang complications ang iyong pregnancy. Ikonsulta rin ito sa iyong ob-gyn kung hindi ka sigurado.

    Varicose veins

    Mas kapansin-pansin ang paglabas at pagdami ng iyong mga varicose veins na minsan maaaring masakit o makirot. Magrelaks lamang at huwag masyadong mabahala dahil karaniwang nawawala rin ito pagkapanganak mo. Mabilis na paghaba ng iyong kuko.

    Ang iyong pregnancy hormones ang dahilan sa mabilis na paghaba ng iyong mga kuko at kamay at paa at nagiging sanhi rin ng pagiging marupok o malutong ng iyong kuko. Mag-apply o gumamit ng lotion at cream para maiwasan din ang pag-dry nito.

    Paghahanda sa week 33 ng pagbubuntis 

    Bilangin ang pagsipa ni baby

    Pumili ng araw na aktibo ang iyong baby. Tahimik na maupo o humiga nang patagilid. Orasan ang tagal ang paggalaw ni baby at bilangin ang mga kilos na ginagawa nito gaya ng pagsipa, pagkislot, at pag-ikot.

    Ipaalam sa iyong ob-gyn sakali na walang maitatala ng nasa 10 paggalaw nito sa loob ng dalawang oras.

    Patuloy na matuto para sa pagpapasuso

    Alamin ang mga pamamaraang makatutulong sa iyo para sa pagpapasuso sa iyong baby. Maaaring komunsulta sa isang lactation consultant o maging miyembro ng mga grupo ng mommy na nagsusulong ng breast feeding.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Development ni baby sa tiyan sa week 33

    Mapapansin mo naman ang mga highlights na ito sa iyong baby sa linggong ito. Kasinlaki na ng pinya ang iyong baby na may sukat na 17 ¼ inches ang haba at bigat na 4 ¼ pounds.

    Malambot na bumbunan

    Nag-o-overlap at nako-compress sa isang parang hugis na bullet ang buto ng bungo ng iyong baby para madali siyang magkasya sa birth canal sa kaniyang paglabas. Ang malambot na bumubunang ito ay magsasara din habang lumalaki si baby para sa patuloy na pagdebelop ng kaniyang utak.

    Pagkinis ng balat

    Nawawala na rin ang makulubot na balat ni baby, hindi na rin mapula, at transparent ito. Ito ay mas nagiging makinis at malambot bilang paghahanda sa kaniyang paglabas.

    Mas malikot si baby

    Mas sumisikip na ang kaniyang puwesto sa iyong sinapupunan pero mananatili pa rin ang dami ng kaniyang pagsipa o paggalaw. Mas ramdam mo lamang sa panahong ito dahil sa natamo na ng iyong amniotic fluid ang level na kinakailangan.

    Nagagawa na rin ng iyong baby na isara ang kaniyang mata habang natutulog at nakadilat naman ito paggising.

    Pag-develop ng fetal immune system

    Naililipat mo ang mga antibodies sa iyong baby habang patuloy na nadedebelop ang kaniyang fetal immune system na magagamit niya paglabas para labanan ang mga bakteriya at germs.

    Abala ka sa mga sintomas ng pagbubuntis sa week 33. Pero habang may sapat na panahon ka pa at lakas, makabubuting malaman din ang mga pagdadaanan mo matapos ang panganganak.

    Maaaring magsimula nang matutuhan ang tungkol sa postpartum recovery nang mapaghandaan mo ang pangangalaga sa iyong sarili at sa iyong baby pagkapanganak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles