-
Pagod Pero Hindi Makatulog? Tanda At Ligtas Na Solusyon Para Sa Insomnia Ng Buntis
Pangkaraniwan itong nararanasan lalo na sa second at third trimester.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Inaasahan na ng mga bagong nanay ang kawalan ng tulog pagkatapos nilang manganak. Ngunit malimit, sa pagbubuntis pa lang ay may mga nakukulangan na ng tulog.
Hindi ito kataka-taka dahil maraming mga kababaihang buntis ang nakakaranas ng insomnia.
Ano ang insomnia?
Dalawa ang itinuturing na insomnia: kung hirap kang makatulog at kung hirap kang manatiling tulog. Sa ilang mga tao, maaaring magsabay ang dalawang ito.
Ayon sa mga eksperto, maaaring makaranas ng insomnia ang isang babae kailanman sa kanyang pagbubuntis. Ngunit, malimit itong mangyari sa second at third trimester.
Sa unang trimester kasi ng pagbubuntis ay maaaring maging antukin pa ang mga babae. Ngunit, habang tumatagal, bumababa ang kalidad ng kanilang tulog. Ibig sabihin, makatulog man sila, mababaw ito at malimit ay putol-putol.
Anu-ano ang mga sanhi ng insomnia sa buntis?
Maraming mga maaaring dahilan kung bakit hirap kang makatulog habang nagbubuntis ka. Narito ang ilan sa kanila ayon sa Healthline:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMalimit na pag-ihi
Karaniwan na sa mga buntis ang malimit na pag-ihi. Sa unang trimester, ang isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang pagbabago sa mga hormones sa iyong katawan.
Mas mapapadalas naman ang iyong pag-ihi sa mga susunod na buwan dahil sa paglaki ng iyong uterus. "As your uterus expands to accommodate your growing baby, it pushes down on your bladder, urethra and pelvic floor muscles," ayon sa The Bump.
Pagkahilo at pagsusuka
Maraming mga nanay ang nakakaranas nito. May ilang mas malala ang pagsusuka at pagkahilo sa umaga, habang ang ilan naman ay mas ramdam ito sa gabi. Kaya naman nagiging sanhi ito ng kakulangan sa pagtulog.
Masakit na likod
Mahirap nga namang matulog kung hindi ka makahiga ng maayos—lalo na sa huling trimester ng pagbubuntis kung saan malaki na ang tiyan mo at mahirap nang mahiga kahit ano pang posisyon.
Kumikirot na boobs, abdominal discomfort, at leg cramps
CONTINUE READING BELOWwatch nowBahagya ka na ring makakaramdam ng pagkirot o 'di kaya ay bahagyang pagtigas ng iyong mga boobs. Mayroon na ring bahagyang abdominal discomfort kang mararamdaman. Makakaramdam ka na rin ng bahagyang pamamanhid ng iyong mga binti.
Hirap sa paghinga at heartburn
Nakakapagdulot din ng heartburn ang pabago-bagong hormones mo. At dahil na rin sa paglaki ng iyong uterus, mas nagiging crowded ang abdomen na siyang nagtutulak ng mga stomach acids mo pataas. Maaari rin itong magdulot ng hirap sa paghinga.
Masamang panaginip
Bukod sa pisikal na mga pagbabago, nakakaapekto rin sa iyong pagtulog ang iyong mental well-being. May mga nanay na labis ang pag-aalala sa kanilang labor at delivery kaya hindi na nakakakain at nakakatulog ng maayos.
Ang labis na stress at anxiety ay maaari ring pagmulan ng mga masasamang panaginip. Pwedeng magdulot ito ng putol-putol o mababang kalidad na tulog.
Mga ligtas na solusyon sa insomnia ng buntis
Magkaroon ng bedtime routine
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMarami na ang nakapagpatunay na malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng isang bedtime routine para maibsan ang insomnia.
Pwede mong simulan sa pamamagitan ng pagtatalaga ng oras ng iyong pagtulog. Kailangan mo itong sundin araw-araw para masanay ang katawan mo.
Maaari mo ring simulan ang iyong routine sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na relaxing para sa iyo. Pwede kang magbasa ng libro, makinig sa music, o 'di kaya ay mag-meditate.
Ayon sa mga eksperto, makabubuti kung iiwasan mo, isang oras bago matulog, ang tinatawag na blue light. Ito ang ilaw na nanggagaling sa iyong gadgets at telebisyon.
Makakatulong din para ma-relax ka kung maliligo ka ng maligamgam na tubig. Siguraduhin mo lang na hindi masyadong mainit ang tubig dahil maaari itong makasama sa baby mo, lalo na kung nasa unang ilang buwan pa lang ng iyong pagbubuntis.
Mag-ehersisyo at kumain ng tama
Itanong mo sa iyong doktor kung ano ang pinakamabisang ehersisyo na pwede sa iyo habang ika'y buntis. Makakatulong ito para mas maging maayos ang iyong pagtulog.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKailangan mo ring kumain ng tama at nasa oras—apat na oras bago ka matulog ay sapat na panahon para makapag-digest ang tiyan mo ng kinain mo. Ugaliin mo ring kumain nang dahan-dahan para maiwasan ang heartburn.
Uminom ka ng maraming tubig
Makakatulong kung mananatili kang hydrated. Iwasan mo lang na uminom ng labis na tubig pagdating ng gabi para hindi mo kailanganing gumising nang gumising.
Mag-invest sa magandang unan o back support
Habang palapit nang palapit ang iyong due date at palaki nang palaki ang iyong tiyan, mas magiging mahirap na ang pagtulog.
Makakatulong kung mayroon kang mga unan na pwede mong iipit sa pagitan ng iyong mga tuhod at sa ilalim ng iyong tiyan kapag nakatagilid ka.
Maaari ka ring magsuot ng tinatawag na sleep bra, para makatulog ka ng maayos sa kabila ng breast tenderness.
Siguraduhin mo ring maaliwalas ang kwarto ninyong mag-asawa. Iwasan ang maliliwanag na ilaw sa oras ng iyong pagtulog. Gumamit ng night light kung kailangan mo man ng ilaw.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIlan lamang ang mga ito sa mga pwede mong gawin para maiwasan ang insomnia habang ikaw ay nagbubuntis. Huwag masyadong mag-alala dahil lilipas din ang insomnia. Ngunit kung talagang hindi ka makatulog, pwede kang mag-nap sa araw o tuwing dadalawin ka ng antok.
Payo pa ng mga eksperto, mas makabubuti kung huwag kang iinom ng mga gamot na pampatulog, maging mga herbs. Kailangan mo munang kumonsulta sa iyong doktor para makasiguro.
Mahirap na hindi mag-alala tungkol sa maaaring kalabasan ng iyong pagbubuntis, ngunit mas makakabuti sa iyo kung iiwasan mo ang masyadong pag-iisip. Tandaan, mas nakakasama ang labis na pag-aalala at pag-iisip—mas makakapagdulot pa ito ng insomnia.
What other parents are reading

- Shares
- Comments