;
embed embed2
Mababa Na Ang Tiyan Mo! Malapit Ka Na Nga Ba Manganak?
PHOTO BY @MariyaL/iStock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    “Mababa na ang tiyan mo?” Naku, manganganak ka na! Yan ang madalas na maririnig mo kung malamit ka nang manganak. May katotohanan ba?

    Bagaman may inaasahan kang petsa ng panganganak (ang iyong due date) madalas na hindi ito tutugma kung kalian ka manganganak. May napapaaga at kung minsan napapahuli naman. Hindi man malalaman ang eksaktong panahon ng iyong panganganak, maaari mong paghandaan o magsagawa ng mga preparasyon para sa iyong pinakaabangang sandaling masilayan ang iyong baby.

    Isa daw sa sintomas na malapit kang manganak ay ang pagbaba ng iyong tiyan. Pero minsan mapapansin mong na malapit na ang due date mo pero parang mataas pa rin ang tiyan mo?

    Tips para bumaba ang tiyan ng buntis

    “Simulan mo na ang maglakad-lakad!” Ito ang madalas na ipinapayo ng mga matatanda at maging ng mga doktor para mapababa ang iyong tiyan. Pero bukod sa paglakad-lakad, may iba kang maaari pang gawin para makatulong sa iyong panganganak.

    Mag-ehersisyo

    Tumayo at maglakad ay mabuting ehersisyo para sa iyo. Gumalaw-galaw o kumilos-kilos ka gaya ng mahabang paglalakad kahit na padahan-dahan para matagtag ang iyong tiyan lalo na kapag nakaposisyon na ang iyong baby. Maitutulak ng ulo ng baby ang pagbubukas ng iyong puwerta.

    Makatutulong din ito sa paglalabas ng stress at pagpapalakas ng iyong katawan. Maaaring gawin din ang mga ehersisyong makatutulong sa pagbubukas ng iyong cervix.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makipagtalik sa iyong asawa

    Nakatutulong ang pregnancy sex sa pag-induce ng labor sa pamamagitan ng prostaglandin hormones na nasa semilya na makapagpapalambot ng cervix. Ngunit dapat na isangguni rin muna sa iyong ob-gyn kung papayagan kang gawin ito.

    Paglalaro sa nipple

    Ang pag-stimulate ng iyong nipple ay mag-uudyok ng contraction sa iyong uterus. Kapag nilalaro mo ang iyong nipple magdudulot ito ang produksyon ng oxytocin na siyang magiging dahilan ng contraction.

    Pagkain ng prutas

    Maaaring kumain ng mga prutas na nagtataglay ng enzyme na nakapagbubukas ng cervix gaya ng pinya at mangga. Sa ibang pag-aaral, ang pagkain din ng dates kapag kabuwanan mo na ay nakapagpapalambot ng cervix.

    Pag-inom ng herbal supplement

    Uminom ng tea kung pahihintulutan ka ng iyong doktor. Ipinabayo ng ibang ob-gyn ang pag-inom ng evening primrose oil para mas mapabilis ang pag-dilate ng iyong cervix. Sinasabing nakakatulong daw ang pag-inom ng castor oil pero mahigpit na bilin namin ay kumuha muna ng payo mula sa iyong doktor.

    Mag-relaks

    Maging panatag at huwag masyadong mabahala o ma-stress. Bawasan ang pag-iisip-iisip kung paano lalabas agad ang iyong baby. Sa halip, sanayin ang sarili sa tamang paghinga para sa pagla-labor.

    Kausapin si baby

    Pinainiwalaan ng marami na malaking bagay ang kinakausap si baby para sa madali at maayos na panganganak. Natututo din daw ang unborn baby ng language kapag naririnig ang boses mo.

    Bago mo isagawa ang mga paghahandang ito para sa iyong panganganak, makabubuting kausapin mo ang iyong ob-gyn para mabigyan ka ng tamang payo. Sundin anumang ipapayo sa iyo na makatutulong sa maayos mong panganganak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maaaring subukin mong gawain ang mga prosesong ito pero tandaan na hindi lahat ay posibleng maging matagumpay o maging epektibo sa iyo. Ngunit habang ginagawa at hinihintay mo ang araw na pinakaabang-abangan mo, mahalagang pakiramdaman mo rin ang iyong sarili at katawan baka nararanasan mo na ang mga sintomas na malapit ka nang manganak.

    Mga sintomas na malapit ka nang manganak

    Ang pagbaba ang tiyan ng isang buntis ay isang sintomas na malapit na siyang manganak. Pero bukod dito, may ilan pa ring sintomas na dapat mong bantayan kapag due date mo na.

    Matinding pahilab ng tiyan 

    Nakaramdam ka na nang contractions na tuloy-tuloy at matindi ang pressure. Hindi na magiging komportable s aiyo ang sakit na mararamdaman mo.

    Sobrang sakit ng balakang at puson

    Kasabay ng nararamdaman mong contractions, ang sobrang pagsakit ng iyong balakang dahil sa matinding pressure na nararamdaman mo sa likod at sa bahagi rin ng puson.

    Paglabas ng mucus plug

    Ito ang nagpoprotekta sa iyong cervical canal habang nagbubuntis para hindi makapasok ang anumang bakterya o maaaring magsanhi ng impeksyon sa iyong uterus. Mapapansin mo ang makapal at malagkit na vaginal discharge – ito ang mucus plug na clear ang kulay o minsan may kasamang dugo.

    Pagputok ng panubigan

    Hindi ito basta naihi ka lamang, mas marami ang tubig na lalabas sa iyo na o makakaramdam ka ng pagbulwak ng tubig o patuloy na paglabas ng likido sa iyong puwerta. 
     
    Bukod sa mga nabanggit, maaaring maging senyales na malapit ka nang manganak ay kapag nakaranas ka ng panlalabo ng mata, pagbawas ng galaw o pagsipa ng iyong baby, matinding sakit ng ulo, pagkahilo o pagduduwal.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa sa pinaghahandaang ng mga mom-to-be ang labor at delivery day. Totoong nakaka-excite at nakakaba ang araw na ito. Sabi nila ang susi para sa matiwasay at maayos na panganganak ay ang tamang paghahanda ng sarili sa aspektong emosyonal, mental, at pisikal.

    Sa kabilang banda, huwag masyadong mabahala kung kabuwanan mo na ngunit napansin mong hindi pa rin mababa ang iyong tiyan, ipagpatuloy lamang ang pagpapacheckup sa iyong ob-gyn para sa masuri ka at ang iyong baby.

    Sundin lamang mabuti ang ipapayo sa iyo ng iyong doktor. Magtiwala sa siyensya. Darating din ang araw na pinakahihintay mo, sa natural nitong paraan.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles