embed embed2
Best Sex Positions Para sa mga Buntis
PHOTO BY iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Hindi dahil sa buntis ka ay hindi ka na maaaring makipagtalik. Oo, tama ang pagkakabasa mo. Okay lang na maging intimate pa rin kahit na mayroong buhay na tumutubo sa iyong sinapupunan. Sa katunayan, ang sex positions na maaari mong gawin ay hindi lamang limitado sa missionary!

    “Sex during pregnancy is not contraindicated,” pahayag ng obstetrician-gynecologist na si Dr. Aurora Lopez-Valdez. (Hindi bawal ang pakikipagtalik sa panahon ng pagbubuntis.) "Walang pinakamaganda o pinakaligtas na sandali upang gawin ito. Maaari kang makipagtalik sa anomang oras," paliwanag niya.  Dagdag pa ni Dr. Philip S. Chua, "Medically speaking, [a pregnant woman] can keep doing it right up until her water breaks.” (Kahit sa medikal na batayan, maaaring makipagtalik ang isang babaeng buntis hanggang sa oras na malapit na siyang manganak.)

    Ipinaliwanag din ng doktor na puwedeng makipagtalik ang mga buntis nang ilang beses hangga’t gusto nila ng kaniyang partner. Ang mahalaga ay komportable at ligtas ito sa pakiramdam ng babae. Kung kaya’t ang sex o pakikipagtalik ay ayos lamang na gawin sa loob ng siyam na buwang pagbubuntis maliban na lamang kung payuhan ka ng iyong doktor na umiwas muna rito. Valid o makatwiran ang kaniyang mga dahilan; high-risk ang iyong pagbubuntis, o baka ang babae ay mayroong mga komplikasyong posibleng mapalala ng sexual intercourse. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kailan hindi ligtas na makipagtalik sa panahon ng pagbubuntis?

    Maaaring kailanganin mong umiwas sa sex o maghanap ng iba pang mga paraan upang maging malapit o intimate sa iyong kapareha kung mayroon kang mga sumusunod na kondisyon, tulad ng nailista ng non-profit na samahang pangkalusugan, ang March of Dimes:

    • Nakunan ka o napaaga ang iyong panganganak o labor.
    • Nagkaroon ka ng hindi maipaliwanag na pagdurugo o nakararanas ka ng pagdurugo. 
    • Mababa ang puwesto ng iyong inunan o placenta previa, na nangangahulugang ang iyong inunan ay bahagya o ganap na hinaharangan ang iyong cervix. 
    • Mayroon kang incompetent cervix, na nangangahulugang bumubukas ito nang maaga at wala sa oras sa panahon ng pagbubuntis. 
    • Marami kang dinadala at nasa huling trimester na ng pagbubuntis.
    • Pumutok na ang iyong water bag, o tumutulo na ang amniotic fluid.

    Maaari bang makasama ang pakikipagtalik sa aking hindi pa isinisilang na sanggol?  

    Salamat sa mucus plug, sa iyong amniotic sac, at iyong matris, ang pakikipagtalik ay lubos na ligtas para sa iyong hindi pa isinisilang na sanggol.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mucus plug ang nagsasara ng cervix at pinoprotektahan ang iyong matris laban sa bakterya at impeksyon. Ito ang dahilan kung bakit maaaring lumangoy ang mga buntis na hindi kinakailangang mag-alala kung ang tubig na may chlorine ay maaaring makapasok sa loob ng kanyang sinapupunan at kung bakit ang mga preggos ay maaari pa ring makipagtalik nang hindi nag-aalala kung ang tamod ay makasasama o makasasakit sa kanilang sanggol. 

    Ang amniotic sac, na pangunahing tahanan ng iyong sanggol, ay may parehong layunin: upang bantayan ang nabubuong sanggol laban sa anomang impeksyon na maaaring maging banta sa mabuting kalagayan nito at mapanatili ang iyong anak na ligtas mula sa mga bumps at jolts at kahit sa biglaang mga pagbabago sa temperatura.

    Alam na namin ang iyong susunod na katanungan, at ang sagot ay hindi. Ang ari ng iyong partner, kahit gaano pa nito kayang lumaki ay tatagos lamang sa iyong puki at hindi sa iyong matris. Tiyak na hindi nito maaabot ang iyong sanggol, malayo sa nais sa iyong ipapaniwala ng mga sabi-sabi ng matatanda. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Normal ba na magkaroon ng isang mas mababang sex drive kapag buntis?

    Mayroong mga kababaihan na nakararanas ng nabawasang sekswal na pagnanasa sa panahon ng pagbubuntis. Ang hindi pagnanais na makipagtalik ay karaniwang may kinalaman sa mga hormone, pagkabalisa o discomfort, at mababang pagtingin sa sarili dahil sa mga pagbabago sa katawan.

    Gayunpaman, halos 40% ng mga buntis na kababaihan ang nagnanais ng KARAGDAGANG sex kaysa sa karaniwang gagawin nila. Ang sexual pleasure o sekswal na kaligayahan ay isa pa ring pangangailangang dapat makamit, kahit buntis ang babae. Kung kaya’t nangyayari talagang naghahanap pa rin ng parehong dalas ng pakikipagtalik ang buntis. 

    Maraming mga buntis ang nagsabing ang pregnant sex ang pinakanagustuhan nila sa lahat ng kanilang mga naranasan. Una, hindi nila kailangang mag-alala tungkol sa contraception. Ang mga buntis s na patuloy pa ring nakikipagtalik sa kanilang kapareha ay nakararamdam din ng fulfillment dito. Dahil kahit lumalaki ang kanilang tiyan, sexy pa rin ang tingin sa kanila ng kanilang mga asawa. Pakiramdam nila’y kaakit-akit pa rin sila sa kanilang pakikipagtalik. Ang ilang mga kalalakihan naman ay nakikita itong paraan upang higit na maiparamdam sa kanilang asawa na kasama sila sa pagbubuntis nito.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anong mga posisyon ang ligtas para sa buntis? 

    Oo, maaari kang makipag-sex habang ikaw ay buntis, ngunit huwag mong asahang magkapareho ito at ang sex noong panahong for fun lamang o sinusubukan mong magkaanak. Ang mga pagbabagong pinagdaraanan ng iyong katawan ay maaaring makaapekto sa kung paano ka nakararanas ng sarap o pleasure. Ang iyong mga suso ay maaaring masyadong malambot, at siyempre, kailangan mong isaalang-alang ang lumalaki mong tiyan kapag pumipili ka ng sex positions.

    Huwag hayaang mapigilan ka nito sa pagiging adventurous. Siguraduhin lamang na magiging maingat ka sa iyong tiyan o abdomen o hihiga ka nang flat sa iyong likuran. Ang iyong kaginhawaan ay dapat pa ring unahin at isaalang-alang. Tandaang maging mabagal lamang at huminto kaagad kung nakararamdam ka ng cramps, labis na pagkapagod, o bigat, o anumang hindi na normal. Narito ang ilan sa mga pinakamainam at ligtas na mga posisyon sa sex sa pagbubuntis

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1. Spooning  Ikaw at ang iyong partner ay nakahiga sideways habang pinapasok ka niya mula sa likuran. Humiga sa iyong kaliwang bahagi upang madagdagan ang sirkulasyon ng dugo. Hayaan mong hawakan ka niya sa buo mong katawan, o paghiwalayin nang kaunti ang iyong mga binti at dalhin ang kaniyang mga kamay sa kung saan ka maliligayahan.  

    More from Smart Parenting

    2. Cowgirl o reverse cowgirl

    Kung hindi pa masyadong malaki ang iyong tiyan, magugustuhan ninyo ng partner mo ang cowgirl o reverse cowgirl. Isa ito sa mga pinakamagagandang posisyon dahil ikaw ang may kontrol sa kung gaano kabilis at kalalim mo ilalagay. Kung gusto ninyo ng variation ng partner mo, sa halip na sa kama ninyo ito gawin, paupuin mo siya sa isang mababang sofa o upuan. Siguraduhin mo lang na mababa ang upuan o sofa para mailapat mo ng maayos ang iyong mga paa sa semento. 

    3. Rear entry

     

    Maganda ang rear entry dahil hindi nakaharang sa iyo at sa partner mo ang iyong tiyan. Maaari ninyong gawin ang tradisyonal na doggy style kung saan nakalagay ang paa at kamay mo sa kama o di naman kaya ay ang leap frog style kung saan nakahawak ang iyong kamay at nakasandal ang iyong ulo sa higaan para sa additional na suporta. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Missionary

    Ang normal na missionary position ay maaari pang gumana kung hindi pa masyadong malaki ang iyong tiyan. Siguraduhin mo lang na kung ito ang inyong gagawin, hindi ka masyadong madadaganan ng iyong partner, lalo na ang iyong tiyan. Maglagay ka lang ng ilang unan sa iyong balakang upang hindi ka nakahiga ng flat sa kama. 

    Kung malaki na ang iyong tiyan, maaari mong i-modify ang classic position na ito sa pamamagitan ng paghiga sa kama o sofa. Idikit mo ang bahagi ng likod mo sa gilid ng upuan o sofa habang nakaluhod ang iyong partner sa pagpasok sa iyo. Maaari ka ring maupo sa isang matibay na lamesa habang nakatayo ang iyong partner sa pagpasok sa iyo.

    5. Lazy Sex

    Para sa mababaw na pagpasok, humiga kayo ng partner mo ng magkaharap at magkadikit ang mga binti. Kung gusto mong mas malalim ang pagpasok ng iyong partner, hayaan mong bumuo ng X shape ang iyong partner upang mas maraming space para makagalaw siya. Maaari din ninyong gawin ang side-saddle, humiga ka at ipatong mo ang iyong paa sa iyong partner na naka 90-degree na anggulo. Sa posisyong ito, siya lamang ang gagalaw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Gaano ka-adventurous nga ba ang pwede sa isang buntis?

    Maaari ka pa ring tumanggap ng oral sex ngunit kailangan ninyong mag-ingat. Sabihan mo ang iyong partner na huwag bugahan ng hangin ang loob ng iyong vagina. Ito ay maaaring magdulot ng air embolism o mga bula na maaaring pumasok sa iyong blood circulation. Ito ay rare ngunit maaaring maging life-threatening sa iyo at sa iyong anak. habang lumalapit na rin ang iyong due date, kailangan mong iwasang tumanggap ng oral sex dahil numinipis na ang iyong cervix.

    Iwasan mo ding gumamit ng sex toys kung ikaw ay buntis. Hindi sila katulad ng totoong ari ng lalaki at maaari pa itong makasama sa iyo at sa iyong anak. Ang pag-gamit naman ng lubricant ay ayos lang. Hindi ito makakapasok sa iyong mucus plug. Maaari ring hindi mo na ito kailanganin dahil natural na well-lubricated ang mga buntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari bang ma-trigger ng sex ang labor at delivery?

    Ayon sa ilang mga pag-aaral na kinumpirma rin ni Dr. Maria Carla Esquivias-Chua, isang obstetrician-gynecologist, ang semen ay mayroon prostaglandins na maaaring magpahinog at magpabukas ng iyong cervix. Ngunit kung ang iyong pagbubuntis naman ay low-risk at hindi ka pa full term, hindi magiging sanhi ng labor o miscarriage ang orgasm at sexual stimulation. Mag-trigger man ito ng mild contractions, temporary lamang ito at hindi makakasama sa iyo at sa iyong anak.

    Normal lang ding makaramdam ng cramping, ngunit kailangan mong tawagan ang iyong doctor kung hindi ito mawala matapos ang ilang minuto o kung makaranas ka man ng pananakit o pagdurugo pagkatapos makipagtalik.


    "Sex during pregnancy is not contraindicated," sabi ni Dr. Aurora Lopez-Valdez, isang obstetrician-gynecologist.  "There is no such a thing as best or safest time to do it. You can always do it."

    Dagdag pa ni Dr. Philip S. Chua"Medically speaking, [a pregnant woman] can keep doing it right up until her water breaks." Ayon pa sa kanya, ang mga buntis ay pwedeng makipagtalik kahit ilang beses nilang gustuhin basta't komportable at ligtas ang buntis. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang tanging panahon o pagkakataon lang na hindi ka pwedeng makipagtalik ay kapag sinabi ng doctor mo na bawal. Ang iyong doctor na rin ang magsasabi sa iyo kung bakit bawal kang makipagtalik sa iyong pagbubuntis. Kalimitan ay hindi pinapayagan ng mga doctor na makipagtalik ang mga babaeng high risk ang pagbubuntis, pati na rin ang mga babaeng nakakaranas ng kumplikasyon kapag sila ay buntis. 

    More from Smart Parenting

    Kailan nga ba hindi ligtas makipagtalik habang buntis?

    Maaating kailanganin mong umiwas sa pakikipagtalik o humanap ng ibang paraan upang maging intimate sa iyong partner kung mayroon ka ng mga kundisyong ito, ayon sa listahan ng non-profit health organization na March of Dimes:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Mayroon kang history ng miscarriage o premature birth o labor
    • Mayroon kang unexplained bleeding o kasalukuyan kang nakakaranas ng bleeding
    • Mayroon kang low-lying placenta o placenta previa. Ang ibig sabihin ay nakaharang ang iyong placenta (partially o fully) sa iyong cervix
    • Mayroon kang incompetent cervix. Ibig sabihin ay bumubukas ng maaga ang iyong cervix sa iyong pagbubuntis.
    • Higit pa sa isang bata ang iyong dinadala at nasa last trimester na ikaw ng iyong pagbubuntis.
    • Pumutok na ang iyong panubigan o di naman kaya ay nagleleak ito.

    Maaari bang makasama ang pakikipagtalik sa baby sa loob ng aking tiyan?

    Hindi, dahil sa iyong mucus plug, amniotic sac, at uterus. 

    Isinasara ng mucus plug ang iyong cervix upang protektahan ang iyong uterus mula sa mga bacteria at infections. Ito ang dahilan kung bakit maaari pa ring mag swimming ang mga babaeng buntis nang hindi nag-aalala na papasukin ng chlorinated water ang kanyang sinapupunanan. Ito rin ang dahilan kung bakit maaari mo pa ring Ma-enjoy ang sex nang hindi nag-aalala na may masamang maidudulot ang semen sa iyong anak. 

    Ang amniotic sac naman ang nagsisilbing unang tahanan ng iyong baby. Isa sa mga pinaka importanteng purpose nito ay bantayan ang iyong developing baby laban sa mga infection na maaaring magkaroon ng masamang epekto sa kanyang well-being. Ang amniotic sac din ang nagsisilbing proteksyon ng iyong anak mula sa bumps and jolts, maging sa biglaang pagbabago ng panahon. 

    Hindi ka rin dapat mag-alala pagdating sa laki ng ari ng iyong asawa. Gaano man ito kalaki, ang napapasok lamang nito ay ang iyong vagina—hindi na ito aabot sa iyong uterus. Ibig sabihin, hindi nito maaabot ang iyong baby. Isa lamang itong local myth na maaaring napaniwalaan noong unang panahon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Normal ba na magkaroon ng mas mababang sex drive kapag buntis?

    May mga babaeng nawawalan ng ganang makipagtalik habang sila'y buntis. Kalimitang dahilan nito ay ang kanilang hormones, o di naman kaya ay ang kaakibat na discomfort at low self-esteem dahil na rin sa pagbabago sa kanilang katawan. 

    Gayunpaman, halos 40% ng mga buntis ay naghahanap ng mas marami o di kaya'y karagdagang sex kumpara noong sila ay hindi pa buntis. Ang sexual pleasure at gratification ay kailangan pa ring matugunan kahit na ikaw ay buntis.

    Maraming buntis na rin ang nagsabing pregnant sex ang pinakamasarap na kanilang naranasan. Una, hindi niyo na kailangan pang mag-alala sa kawalan ng contraceptive. Fulfilling din ito sa mga buntis na nakasubok na at patuloy na nakikipagtalik sa kanilang mga partners kahit pa sila's buntis. Kahit na malaki na ang kanilang tiyan, hindi pa rin maikakaila ng kanilang mga partners na sila'y maganda at sexy pa rin. Para sa ibang mga lalaki, ang pakikipagtalik sa partner nila during pregnancy ay isa ring tanda ng pagiging mas involved sa buong pregnancy journey.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anong mga posisyon ang ligtas para sa mga buntis?

    Pagdating sa pagpili ng posisyon, huwag mong asahang magagawa mo pa rin kung ano man ang mga nagagawa mo dati noong sinusubukan niyo pa lang ng partner mo na magkaroon ng anak. Malaki ang impact ng mga pag-babago sa iyong katawan pagdating sa pagpili ng sexual position na gagawin ninyong mag-partner.

    Ngunit huwag mong hahayaang pigilan ka nito na maging adventurous. Siguraduhin mo lang na huwag mong lalagyan ng pressure o dadaganan ang iyong tiyan—ang iyong comfort pa ring ang pinakamahalaga. Tandaan, dahan-dahan lang at kung makaramdam ka ng abdominal cramps, fatigue, heaviness, o kahit ano pang hindi mo normal na nararamdaman, kailangan ninyong tumigil. Narito ang ilan sa mga pinakaligtas na sex positions during pregnancy:

    1. Spooning

    Hihiga kayo ng partner mo sideways, as he enters you from behind. Mas mainam na nakahiga ka sa iyong left side upang makatulong sa pag increase ng blood circulation. Sa posisyong ito, malaya ang kamay ninyong dalawa upang paligayahin ang isa't-isa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    2. Cowgirl o reverse cowgirl

    Kung hindi pa masyadong malaki ang iyong tiyan, magugustuhan ninyo ng partner mo ang cowgirl o reverse cowgirl. Isa ito sa mga pinakamagagandang posisyon dahil ikaw ang may kontrol sa kung gaano kabilis at kalalim mo ilalagay. Kung gusto ninyo ng variation ng partner mo, sa halip na sa kama ninyo ito gawin, paupuin mo siya sa isang mababang sofa o upuan. Siguraduhin mo lang na mababa ang upuan o sofa para mailapat mo ng maayos ang iyong mga paa sa semento. 

    3. Rear entry

    Maganda ang rear entry dahil hindi nakaharang sa iyo at sa partner mo ang iyong tiyan. Maaari ninyong gawin ang tradisyonal na doggy style kung saan nakalagay ang paa at kamay mo sa kama o di naman kaya ay ang leap frog style kung saan nakahawak ang iyong kamay at nakasandal ang iyong ulo sa higaan para sa additional na suporta. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Missionary

    Ang normal na missionary position ay maaari pang gumana kung hindi pa masyadong malaki ang iyong tiyan. Siguraduhin mo lang na kung ito ang inyong gagawin, hindi ka masyadong madadaganan ng iyong partner, lalo na ang iyong tiyan. Maglagay ka lang ng ilang unan sa iyong balakang upang hindi ka nakahiga ng flat sa kama. 

    Kung malaki na ang iyong tiyan, maaari mong i-modify ang classic position na ito sa pamamagitan ng paghiga sa kama o sofa. Idikit mo ang bahagi ng likod mo sa gilid ng upuan o sofa habang nakaluhod ang iyong partner sa pagpasok sa iyo. Maaari ka ring maupo sa isang matibay na lamesa habang nakatayo ang iyong partner sa pagpasok sa iyo.

    5. Lazy Sex

    Para sa mababaw na pagpasok, humiga kayo ng partner mo ng magkaharap at magkadikit ang mga binti. Kung gusto mong mas malalim ang pagpasok ng iyong partner, hayaan mong bumuo ng X shape ang iyong partner upang mas maraming space para makagalaw siya. Maaari din ninyong gawin ang side-saddle, humiga ka at ipatong mo ang iyong paa sa iyong partner na naka 90-degree na anggulo. Sa posisyong ito, siya lamang ang gagalaw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Gaano ka-adventurous nga ba ang pwede sa isang buntis?

    Maaari ka pa ring tumanggap ng oral sex ngunit kailangan ninyong mag-ingat. Sabihan mo ang iyong partner na huwag bugahan ng hangin ang loob ng iyong vagina. Ito ay maaaring magdulot ng air embolism o mga bula na maaaring pumasok sa iyong blood circulation. Ito ay rare ngunit maaaring maging life-threatening sa iyo at sa iyong anak. habang lumalapit na rin ang iyong due date, kailangan mong iwasang tumanggap ng oral sex dahil numinipis na ang iyong cervix.

    Iwasan mo ding gumamit ng sex toys kung ikaw ay buntis. Hindi sila katulad ng totoong ari ng lalaki at maaari pa itong makasama sa iyo at sa iyong anak. Ang pag-gamit naman ng lubricant ay ayos lang. Hindi ito makakapasok sa iyong mucus plug. Maaari ring hindi mo na ito kailanganin dahil natural na well-lubricated ang mga buntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari bang ma-trigger ng sex ang labor at delivery?

    Ayon sa ilang mga pag-aaral na kinumpirma rin ni Dr. Maria Carla Esquivias-Chua, isang obstetrician-gynecologist, ang semen ay mayroon prostaglandins na maaaring magpahinog at magpabukas ng iyong cervix. Ngunit kung ang iyong pagbubuntis naman ay low-risk at hindi ka pa full term, hindi magiging sanhi ng labor o miscarriage ang orgasm at sexual stimulation. Mag-trigger man ito ng mild contractions, temporary lamang ito at hindi makakasama sa iyo at sa iyong anak.

    Normal lang ding makaramdam ng cramping, ngunit kailangan mong tawagan ang iyong doctor kung hindi ito mawala matapos ang ilang minuto o kung makaranas ka man ng pananakit o pagdurugo pagkatapos makipagtalik.


How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles