embed embed2
'Grabe Yung Hirap Nila, Tapos Tayo Pahintay-Hintay Lang,' Cong TV Acknowledges Sacrifices Of Moms During Childbirth
PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /VIY CORTEZ
  • Pinuri ng netizens ang first-time parents na sina Lincoln "Cong TV" Velasquez at Viy Cortez sa pinakabagong vlog na pinamagatang "Zeus" sa YouTube channel ni Viy.

    Dito, binahagi ng power couple ng Team Payaman ang pagsilang ni Viy via Caesarean section sa kanilang unang anak na si Zeus Emmanuel o mas kilala sa palayaw na "Kidlat."

    'Sana may gatas!'

    Papunta pa lamang sa ospital, kitang-kita ang kaba ng dalawa. Walang tigil si Viy sa pagdarasal na maging ligtas ang panganganak niya sa kanilang panganay. 

    "Imagine mo, bukas, huling tulog na natin ito na dalawa lang tayo. My God. Sana may gatas!"

    Pursigido si Viy na mapasuso ang kanilang anak. Nagpost din ito ng kanyang raw and unfiltered na litrato sa Facebook niya. 

    PHOTO BY FACEBOOK /VIY CORTEZ

    Aniya, "Itsura ng nagpapadede, may tahi, nangangapa pa pano ba dapat ang tamang gawin. Okay lang yan bawi nalang sa mga susunod na buwan mahalaga healthy si baby. Alam ko naman mahal ako ni cong at ni kidlat kahit ang panget ko ngayon hahahah. Babawi ako sa sarili ko next time ngayon para sa anak ko muna lahat."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Perfect time

    Sa vlog, pinahayag ng dalawa na sila ay handa na maging magulang at tila ito ang "perfect time" para magkaroon sila ng anak.

    "Kumbaga marami sa mga gusto naming mangyari sa kanya-kanyang buhay namin nangyari muna bago nangyari ito lahat," sabi ni Cong.

    Dagdag pa niya, "Nagawa natin lahat yung dapat nating gawin - ikaw sa magulang mo, ako sa mga magulang ko."

    Si Cong ay kasalukuyang may 10 million followers sa YouTube. Bukod sa pagiging vlogger, si Viy ay isang entrepreneur na nagmamay-ari ng skincare line, media group, milk tea franchise, at iba pa.

    Sabi pa ni Viy, "This is the moment I've been waiting for - for 9 months. Hindi lang pala 9 months."

    Sagot ni Cong, "7 years."

    Pabirong sabi ni Viy, "Wow, unang kita mo palang sa akin sa 7-11, naghihintay ka na ng anak? Wag ka nga masyado dyan! Ano unang meeting, waiting na ko sa baby?"

    Sagot naman ni Cong, "Nung nakita kasi kita alam kong ikaw na."

    Matatandaan na noong December 2020, si Viy ay dumanas ng miscarriage.

    Kidlat Day

    July 5, Kidlat day, alas-10 ng umaga ay naghahanda na si Viy para sa kanyang C-section delivery ng alas-11. Makakasama niya si Cong sa operation room.

    Sa presidential suite sila naka-admit na idinetalye niya sa isang TikTok video. Kasama sa paghahanda ni Viy, na may-ari ng isang skincare line, ang pagmamakeup.

    "Konti lang, para di mashookt yung anak ko pag nakita ako, ano to party? So chill lang tayo."

    Ayon kay Viy, gumamit siya ng Viyline cosmetics products na Thalia 3-in-1 Aqua Cream at Athena 3-in-1 Aqua Cream para sa kanyang pisngi na mabibili sa Lazada.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "My God, makikita ko na anak ko," sabi niya. Ayon kay Viy, ang mga ikinakatakot niya ay ang pagsusuot ng catheter, ang ituturok na anesthesia sa spinal cord, at higit sa lahat kung paanong kakargahin ni Cong si Kidlat.

    Biro ni Viy kay Cong, "After nito Cong magpakapon ka na."

     

    Nagppractice din si Cong kung paano bubuhatin si Kidlat.
    PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /VIY CORTEZ

     

    Oras na ng operasyon, at hinangaan ng mga netizens ang sinabi ni Cong, habang siya ay naghihintay sa labas ng operating room, ukol sa hirap na pinagdaraanan ng mga ina.

    "Totoo pala yun yung sa mga palabas, yung palakad lakad yung tatay, kala ko acting lang yun, di ka talaga mapapakali."

    Dagdag niya, "Grabe yung hirap nila talaga tapos tayo nandito lang pahintay hintay lang. Grabe stage 1 palang ng hirap, paglabas may recovery pa yan, kawawa talaga sila."

    READ ALSO: Childbirth Basics: What You Need to Know About C-Sections

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    'Kidlat is here'

    At nung marinig na ni Cong ang iyak ni Kidlat, "Ilang beses ko na narinig na titigil yung mundo mo titigil. Yung moment na nakita ko siya nagrewind ung buong buhay ko, hindi lang tumigil."

    Dagdag pa niya, "Mata ng Velasquez talaga. Nakita mo yung sarili mong dugo na nandidiyan na."

     

    Pinakita rin na nag-skin-to-skin contact ang mag-ina. Biro ni Viy sa anak, "Papakainin kita ng hotdog agad."
    PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /VIY CORTEZ

     

    Paano matutulungan ng ama ang isang ina sa recovery matapos ang C-section

    Ang pagiging isang mabuting ama ay nagsisimula sa pagiging mabuting asawa. Narito ang ilan lamang sa pwedeng gawin kaagad ng mga asawa para matulungan ang kanilang asawa sa paggaling at pag-adjust sa buhay nanay.

    1. Alalayan sa pagkilos

    Ang mga nanay na dumaan sa C-section delivery ay mayroon malaking sugat sa tiyan na kailangang maghilom. Tanungin ang iyong asawa kung paano siya makakatulong sa paglilinis ng sugat o di kaya ay sa pagpalit ng maternity pads. Sa mga nanay, huwag mahiyang humingi ng tulong sa inyong asawa upang bumilis ang paggaling.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Pakainin ng masustansiyang pagkain at madaming tubig.

    Ang mga C-section moms ay maaring makakaranas ng constipation pagkapanganak. Bilang asawa, maaaring ipaghanda ng mga masusustansiyang pagkain na mataas sa fiber ang mga bagong ina para makatulong sa kanilang digestion.

    3. Bigyan ng panahon para makatulog ng sapat

    Bilang isang CS mommy, isa sa pinakanakatulong sa akin noong bagong panganak ako ay noong ang asawa ko mismo ang nag-set ng sleeping schedule namin. Sinigurado niya na may oras akong makatulog nang diretso habang siya ay nakabantay sa aming baby. Napakalaking tulong ng pagkakaroon ng kumpletong tulog o kahit higit sa 3 oras sa pagpapadede at sa mental health rin ng mga nanay.

    4. Ipaalam sa kanya na siya ay mahalaga

    Normal na dumaan sa baby blues ang mga CS moms, at pag nangyari iyon, madaling isipin ng mga bagong nanay na kapag andyan na ang bata, kakalimutan na nila ang sarili nila. Bilang asawa, mahalaga na iparamdam at sabihin sa kanya na siya ay mahalaga, nang sa gayon ay hindi tumuloy sa postpartum depression ang baby blues na nararamdaman niya.

    Heto pa ang ibang tips para sa mga CS moms, mula sa mga CS moms. Basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles