;
embed embed2
  • 4 Na Dahilan Na Nauuwi Sa Stillbirth Ang Pagbubuntis Ngayong Pandemic

    Mga buntis sa maraming bansa ang namatayan ng sanggol bunsod ng COVID-19-related issues.
    by Jocelyn Valle .
4 Na Dahilan Na Nauuwi Sa Stillbirth Ang Pagbubuntis Ngayong Pandemic
PHOTO BY Shutterstock/Leonardo da
  • Pagdating sa usaping stillbirth, mahirap pa rin masabi kung kailan o paano ito nangyayari. Kaya patuloy pa rin itong pinag-aaralan at ayon sa isang study, maliit o walang control ang mga nanay sa tipikal na kaso ng stillbirth.

    Pero sa panahon ng COVID-19 pandemic, tumaas ang insidente ng stillborn ayon sa statistics ng maraming bansa sa Asia, Africa, America, at Europe.

    Dahilan na nauuwi sa stillborn ang panganganak sa gitna ng pandemya

    Hindi dahil sa novel coronavirus na dumapo sa mga buntis kaya bigo nilang naisilang nang buhay ang kanilang mga sanggol. May ilang kadahilanan kung bakit nauuwi sa stillborn ang panganganak ngayong panahon ng pandemya, ayon sa artikulo ng Al Jazeera.

    Hindi makapunta sa ospital dahil sa lockdown

    Ipinatupad ang lockdown o quarantine bilang paraan ng pagpigil sa pagkalat ng nakahahawang sakit. Mahigpit na ipinagbawal ang paglabas sa mga tahanan, ngunit hindi naging malinaw sa mga buntis kung paano ang gagawin sa sitwasyon nila.

    Kung pasok sa exemption ng lockdown ang medical checkup, karamihan sa low-income na mga buntis ay walang access sa pribadong sasakyan para makabiyahe sa ospital o clinic.

    Ang nangyayari tuloy, hindi nasusuri ang mga buntis ng kanilang mga doktor hanggang sa puntong manganganak na sila. At kung makarating man sila sa ospital, hindi sila kaagad nabibigyan ng kaukulang medical attention dahil sa kakulangan ng facilities at staff.

    May mga ospital kasi na ginawa nang COVID-19 wing ang dating maternity ward. Mas kaunti na rin ang doctors at nurses kumpara sa dami ng mga pasyente, overworked pa sila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Umaasa sa virtual checkup ang mga buntis 

    Bagamat malaking tulong ang telemedicine o di kaya e-consultation, iba pa rin kung masusuri mismo ang buntis ng kanyang doktor. Ito ang pahayag ni Mary Renfrew, isang professor ng Mother and Infant Health sa University of Dundee sa Scotland, sa artikulo.

    Paliwanag ng propesora na maaaring may iba pang makita ang mga healthcare provider kung face-to-face ang interaction nila sa mga pasyenteng buntis. Masusuri kasi nila, halimbawa, ang blood pressure ng mommy at mapapakinggan ang heartbeat ni baby.

    Puwede ring maging mas bukas ang mga pasyenteng buntis sa kanilang mga healthcare provider tungkol sa mga nararamdaman at pangamba. Kung nasa bahay kasi sila habang virtual na nakikipag-usap sa doktor, baka walang privacy upang malaya nilang ipahayag ang kanilang saloobin.

    Paalala pa ni Professor Renfrew, “Continuity of care makes a difference in stillbirths. If continuity of care is disrupted, then that in itself will have an impact.”

    Hindi pagbibigay ng pansin sa posibleng senyales ng pregnancy complications

    Sabi ni Dr. Asma Khalil, isang professor ng obstetrics at maternal-fetal medicine sa University of St. George sa England, pumunta agad sa ospital kapag napansin mong nabawasan ang galaw sa iyong tiyan o hindi na gumagalaw ang sanggol sa iyong sinapupunan.

    Aniya, “If you delay that for another day, maybe it’s too late.”

    Iniisip ng buntis ang sintomas na nararamdaman ay dahil sa COVID-19

    Dahil nakatuon ang atensyon ng lahat sa health crisis, nagkakaroon tuloy ng paniniwala na ang bawat sintomas na maramdaman ay may kinalaman sa COVID-19.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kaya naman iyan ang unang papasok sa isip ng buntis sakaling sumakit ang ulo o sumama ang pakiramdam. Pero baka pala high blood pressure, na isang sintomas din kung merong pregnancy complications.

    Sabi nga ni Franka Cadee, presidente ng International Confederation of Midwives, “With so much focus on coronavirus, pregnant women and healthcare professionals may misunderstand the symptoms. And if a woman decides to self-isolate on the basis of this misunderstanding, it may be an unnecessary risk for the baby.”

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles