embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Subok Ng Mga Moms! 10 Shampoos Para Sa Mga Nalalagas Ang Buhok Pagkapanganak
PHOTO BY iStock
  • Noong buntis ako, mahaba, makapal, malusog, at maganda ang buhok ko. Kahit na curly hair, super manageable ito. Pero, marami kasi akong nabasa na hinihila ng kanilang baby ang buhok nila habang nagpapadede sila. Kaya, nagpagupit ako bago manganak kasi inisip kong baka mahirapan din ako kapag lumabas na si baby. Mas nagustuhan ko ang maikli kong buhok din.

    Wala akong naging problema noon. Hanggang sa mag-tatlong buwan akong nakapanganak, napansin ko ang paglalagas ng aking buhok. Iniwasan ko ang magsuklay para di maglagas pero nagpatuloy lang ito hanggang sa mapansin kong napapanot na yata ako. Naalarma ako kung normal ba talaga ito. Nataranta rin ako sa dapat kong gawin. Bumalik ako sa salon, nagpagupit ako ulit at napa-treatment ng buhok na puwede para sa mga nagpapadede.

    More from Smart Parenting

    Pero bakit nga ba naglalagas ang buhok pagkapanganak?

    Ang hair loss ay parte ng pinagdaraanang postpartum ng mga mommy. Ito ay bunga ng pagbabago ng hormones ng babae pagkatapos niyang manganak. Habang buntis siya, tumataas ang lebel ng estrogen at androgen na nagpapakintab, nagpapalago, at nagpapaganda ng pagtubo ng buhok. Kapag buntis ka, ang labis na estrogen ang nagpapatagal ng paghaba ng buhok kaya nagreresulta ito ng bawas sa paglalagas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngunit, kapag nanganak ka na bumababa ang lebel ng estrogen na nagbubunsod naman ng pagkalagas o pagkanipis ng buhok na nararanasan pagsapit ng tatlo, apat o limang buwan pagkapanganak.

    Eh, kailan naman titigil ang paglalagas ng buhok?

    Iba-iba ang experiences ng paglalagas ng buhok. May mommies na nagsimula ang paglalagas ng kanilang buhok ng dalawang buwan pagkapanganak at habang tumatagal ay lumalala pa ito. May iba namang nagsisimula din ng tatlong buwan pero tumatagal lamang kapag siyam na buwan na si baby.

    May ilang mommies din sa Facebook group ng Smart Parenting Village na nagsabi na tumagal ito ng ilang buwan lamang at may umaabot ng isang taon pero ang iba nararanasan ito hanggang dalawang taon.

    Bagaman nagiging alalahanin ito sa mga mommy, paliwanag ng mga eksperto na hindi naman ito magtatagal nang sobra at tiyak na tutubo muli ang mga nalagas na buhok. Titigil ang paglalagas kadalasan kapag tumuntong na nang isang taon si baby. Sa panahon na ito, babalik sa normal na siklo ng pagtubo ng buhok.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    May puwede bang gawin para mabawasan ang pagkalagas ng buhok?

    Sa Smart Parenting Village, ikinababahala talaga ng ilang mommy ang sobrang dami ng nalalagas na buhok sa kanila. Ayaw na rin nga nila ang pagsusuklay ng buhok. Kaya nagbahagi sila ng mga pamamaraan paano nila nilabanan ang hair loss bunsod ng postpartum. Narito ang ilang mga payo:

    1. Magpagupit ng buhok.

    Karamihan sa kanila ay nagpa-pixie o bob hair cut. May mommy rin na sinubukan ang magpakalbo dahil sa unti-unting pagkapanot at nahihirapang itago na ito. Nakatulong ang pagpapaikli ng buhok para mabawasan ang paglalagas at hindi na kailangan ang palagiang pagsusuklay ng buhok. Minungkahi rin nila na gumamit ng suklay na malalaki ang espayo o ngipin kaysa sa maninipis at brush upang maiwasan ang pagkapit o pagkahila ng buhok.

    2. Iwasan ang pagpaparebond.

    Hindi rin sila nagpaparebond dahil sa gamot na ginagamit na maaaring magdulot pa ng pinsala sa scalp o anit at maging sanhi ng pagkakalbo. Hindi rin makabubuti ang gamot sa baby kung nagpapasuso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Pag-inom ng gamot.

    Mula sa payo ng kanilang doktor, binigyan sila ng post-natal vitamins na makatutulong sa kanilang postpartum. Ang pag-inom ng obimin at calciumade ay nakatulong sa kanila sa pagbawas ng paglalagas buhok. May nagmungkahi rin ng pag-inom ng vitamins na may biotin. Pero tandaan na mahalaga ang pagkonsulta sa iyong doktor bago ang pag-inom ng mga gamot na ito.

    More from Smart Parenting

    4. Magpalit ng ginagamit ng shampoo.

    Gumamit ng mga sulfate-free at parabens-free shampoo gaya ng baby shampoo. Maaaring subukan ang mga produktong ito na ginamit ng mga mommy at epektibo sa kanila:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    1. Moringa-O2 anti-hairfall plus olive oil - imasahe sa scalp ang olive oil at i-cover ng shower cap ito nang 20 minuto bago banlawan ang buhok.
    2. Herbal Essences With Moringa oil
    3. Saint roche hooman shampoo and conditioner
    4. Tressemé shampoo and conditioner
    5. Milcu Gugo Shampoo
    6. Human Nature Strengthening Plus Shampoo and Conditioner
    7. Zen Nutrients Gugo Shampoo at Conditioner
    8. Nanny Roses Gugo Lawat Anti-hairfall Shampoo
    9. CareCella Shampoo
    10. Body Shop’s Strawberry Shampoo and Conditioner

    Bukod dito, maaari ding subukan ang pagbabad ng anit sa coconut oil, lavender essential oil, argan oil, at castor oil with coconut oil. Makatutulong ang mga ito sa pagdami ng tumutubong buhok at mas kumakapal din ang tubo.

    Mungkahi rin ng isang mommy na alagaan lamang sa coconut oil at hair trim ang buhok, tiyak na kakapal din ito. Sabayan pa ng paggamit ng organic shampoo at conditioner. Ang iba naman mismong gugo at aloe vera plant ang kanilang inilalagay sa buhok. Kinikiskis sa kanilang anit at binababad ng ilang minuto bago sila maligo.

    May iba naman na sumubok ng shampoo ng kabayo. Kuwento ng isang mommy sa Facebook group na naka-dalawang bote siya nito bago tuluyang kumapal at tumibay ang kaniyang buhok.

    More from Smart Parenting

    May isa rin na hindi pinaliliguan ang kaniyang buhok o kaya hindi niya nilalagyan ng shampoo. Kung magsa-shampoo siya, sinasamahan niya ito ng baking soda na inihahalo sa tubig. Paliwanag ng isang mommy ang ginagawa niya sa isang litro ng shampoo ay hahatiin niya sa kalahati. Pagkatapos, nilalagyan ng dalawang kutsara ng baking soda ang kalahating litro ng tubig at ihahalo ito sa shampoo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Samantala, sabi ng isang mommy nabawasan ang kaniyang hair fall sa loob ng isang linggo nang sinubukan niya ang pagpapaligo sa buhok gamit ang pinalamig na tubig ng pinakuluuang dahon ng bayabas.

    Sa mga nabanggit na pangangalaga sa buhok, mahalaga pa rin na pagkonsulta sa iyong doktor upang malaman ang kailangang gawin. Lalo na sa mga iniinom na gamot, kailangang alaming mabuti kung puwede ito para sa iyo lalo na kung nagpapa-breastfeed ka.

    Sa kabilang banda, maraming nagsasabi na walang advertsing products na makapagpapatigil ng paglalagas ng iyong buhok. Dahil paliwanag nga ng mga eskperto bahagi ito ng nanarasan pagkapanganak sanhi sa pagbabago ng hormones. Kadalasan babalik din sa normal ang lahat kapag nakalampas na sa stage ng postpartum. Kailangan lang din ng tamang pangangalaga sa katawan. Kaya walang labis na dapat ikabahala mommy!

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles