embed embed2
  • Aminado si Jewel Mische Na Kakaibang Karanasan Ang Manganak Sa Panahon Ng COVID-19

    Isinilang ng dating aktres ang kanyang second baby sa U.S. kung 1 million ay may COVID-19.
    by Jocelyn Valle .
  • Masaya si Jewel Mische na ligtas niyang naisilang ang kanyang second baby nitong April 3, 2020 sa United States. Nakabase na ang dating aktres sa U.S. state ng Michigan kasama ang kanyang American husband na si Alister Kurzer at kanilang panganay na anak na si Aislah Rose.

    Ibinahagi ni Jewel, na nakilala sa showbiz bilang StarStruck Season 4 winner, ang litrato niya na tangan ang sanggol na pinangalanan nila na Emerald Jade at may palayaw na Emrie.

    Aniya sa kanyang Instagram post, “We did it. We made it through a hospital birth during the coronavirus outbreak. I am so happy to be home, healthy, and on the other side.”

    What other parents are reading

    Aminado si Jewel na kakaibang karanasan ang manganak ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Bagamat excited siya sa pagdating ni Baby Emrie ay hindi niya mapigilan na mapaisip sa kasalukuyang lagay ng mundo habang walang kamuang-muang ang kanyang anak dito. 

    Mabuti na lamang daw ay matatag ang pananalig niya sa Diyos. Napapatahimik nito ang kanyang mga takot sa paalala na sadyang itinakda ang anak na isilang sa ganitong panahon. Kaya ang mensahe ni Jewel sa mga buntis at may sanggol, okay lang na makaramdam ng nerbyos sa panahon ng walang kasiguraduhan. Pero huwag daw tumigil sa ganyang pakiramdam, bagkus paglabanan ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    Ang little warrior ni Jewel ay ipinanganak na may timbang na 7 pounds at 10 ounces. Paliwanag niya na “majestic beauty” at “rare strength” ang ibig sabihin ng first name ng sanggol na Emerald.

    Inamin ng ngayong mother of two sa nauna niyang Instagram post na hindi siya handa na mabuntis sa pangalawang pagkakataon. Kabaligtaran daw ito nang ipagbuntis niya ang panganay na si Aislah Rose, na pinanganak noong July 12, 2018.

    Pakiramdam ni Jewel noon ay maaga pa para magkaroon ng kapatid si Aislah. Ngunit agad din niyang nabura ang mga pangamba sa kanyang puso. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Ikinuwento ni Jewel sa isa pang Instagram post na “unforgettable moment” ang unang pagkikita ng mag-ate. Nasa isip niya ay magiging kalmado lang ito, pero naging masyado daw excited si Aislah at kamuntik na nitong malamog sa gigil si Baby Emrie.

    Nalusaw naman daw ang puso niya dahil matagal hinintay ng big sister na mayakap at mahagkan ang kanyang little sister. Ngayon daw ay natututo nang maging maingat si Aislah sa paghawak kay Baby Emrie. 

    Ibinahagi ni Jewel ang ilan pa niyang saloobin. Noong isa pa lang daw ang anak niya, tinatanong daw niya ang kanyang sarili kung paano siya magmamahal nang tulad kay Aislah. Di daw niya maisip na magmahal pa ng isa pang bata. Pero noong nailuwal na niya si Baby Emrie ay parang naging triple ang laki ng kanyang puso dahil sa dagdag na pagmamahal sa loob nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad niya, “Of course I felt love during the pregnancy but meeting her face to face was euphoric experience. My first thoughts were ‘I’m in trouble’ (as in ‘I’ll have to have more of this [baby emojis]. I mean how can you even think like that right after a natural birth?) So it’s true what they say, your heart just expands and your capacity to love increases.”

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles