embed embed2
Ayon Sa Mga Eksperto, Maghintay Ng Ganito Katagal Bago Mabuntis Ulit Ang Cesarean
PHOTO BY Shutterstock
  • Para sa mga nakaranas nang, ika nga, mabiyak sa tiyan para manganak, hindi biro ang pinagdaanan nila lalo na pagkatapos ng operasyon at habang hinihintay mahilom ang sugat. Kaya marami ang nagtatanong kung kailan pwede mabuntis ulit ang Cesarean.

    Maghintay ng dalawang taon, ayon sa WHO

    Ayon sa  World Health Organization (WHO), ang rekomendadong agwat ng pagbubuntis ay hindi bababa sa 24 months. Kabilang diyan ang panganganak sa pamamagitan ng normal delivery o vaginal birth at Cesarean section.

    Kailangan daw ng pagitan ng halos dalawang taon upang mabawasan ang panganib dulot ng adverse maternal, perinatal, at infant outcomes.

    Marami sa mga doktor, sabi naman ng Parents, ang nagpapayo sa mga bagong panganak na maghintay mula 18 months hanggang 24 months bago mabuntis ulit. Nagbigay ng paliwanag si Dr. Pamela Promecene, isang professor at obstetrician sa McGovern Medical School sa UTHealth/UT Physicians na matatagpuan sa U.S. city na Houston.

    Bakit kailangan ng agwat sa bawat pagbubuntis

    Saad ni Dr. Promecene, tinitignan nilang mga doktor ang interpregnancy interval (IPI) para malaman kung kailan pwede mabuntis ulit ang Cesarean at vaginal delivery nang ligtas.

    Ang IPI raw ang panahon mula sa panganganak hanggang sa panimula ng sumunod na pagbubuntis. May patunay daw ang mga pag-aaral na kapag maigsi ang IPI, tulad ng kulang sa 18 months, mas mataas ang tyansa na magkaroon ng pregnancy complications.

    Base pa rin daw sa mga research, lumalabas na ang pagbubuntis pagkaraan lamang ng six months pagkatapos manganak ng Cesarean, tumataas ang risk ng nanay sa kumplikasyon. Halimbawa niyan ang pagkakaroon ni mommy ng ruptured uterus at pagiging low birth weight ni baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung sa sumunod na pagbubuntis ay balak mo namang subukan ang vaginal birth after Cesarean (VBAC), baka kailangan mong habaan pa ang paghihintay at paghahanda bago magdalang-tao ulit. Napatunayan na raw kasi sa mga pag-aaral na tumataas pa ang panganib sa uterine rupture kapag hindi umabot sa dalawang taon ang pagitan ng bawat pagbubuntis.

    Ayon pa sa mga eksperto, mas mainam kung pipiliin ang Cesarean muli para sa susunod na panganganak. Pero, babala ni Dr. Yvonne Butler Tobah ng Mayo Clinic, may dagdag ring panganib ang bawat C-section delivery.

    Mas nagiging complicated daw kasi ang kadalasang nararanasan ng nanay. Iyon nga lang daw, wala pang research ang makakapagsabi kung ilang beses lang puwede at ligtas na sumailalim ng C-section.

    Mga posibleng kumplikasyon na hatid ng makailang ulit ng Cesarean delivery

    Paalala ni Dr. Tobah sa mga may balak umulit-ulit ng panganganak sa pamamagitan ng C-section ay maging alerto sa mga senyales ng pregnancy complications para maagapan ang alin sa mga ito.

    Problema sa placenta

    Maaaring magkaroon ng problema sa iyong placenta kapag ilang ulit ka nang nabiyak para manganak. Isa sa mga iyan ang pagkakabaon nang malalim ng placenta sa uterine wall (placenta accreta) o di kaya matabunan ang bukana ng cervix (placenta previa).

    Ang placenta accreta at placenta previa ay parehong may kakayahan na pataasin ang panganib na magkaroon ng premature birth at excessive bleeding, pati na ang pangangailangan para sa blood transfusion at pag-opera sa matris (hysterectomy).

    Kumplikasyon mula sa adhesions

    May posibilidad na magkaroon ng problema sa adhesion na natamo mula sa operasyon,  at mangangailangan ng isa pang operasyon para magamot ito. Adhesions ang tawag sa "bands of scar-like tissue" na nabubuo habang sumasailalim sa C-section.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang siksik o dense na adhesions ang nagpapahirap sa proseso ng C-section. Maaari pa nitong pataasin ang panganib sa bladder o bowel injury, pati na ang excessive bleeding.

    Kumplikasyon mula sa hiwa o incision

    Sa lampas isang beses na paghiwa o pagbiyak sa tiyan para sa incision, puwedeng magdulot ito ng hernia sa nanay. Magagamot ang hernia sa pamamagitan ng isa pang operasyon.

    Paliwanag ni Dr. Tobah na tunay na kumplikado ang pagdedesisyon hindi lang kung kailan pwede mabuntis ulit ang Cesarean pero pati na sa kung paanong paraan manganak. Mainam daw na kausapin ang iyong doktor nang matulungan kang balansehin ang mga bagay-bagay.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles