yoga,labor,pregnancy,pregnancy pains,Tagalog,labor pains,labor and childbirth,Solenn Heussaff,baby stage,toddler stage,Part 2: Prenatal Yoga At Home With Solenn Heussaff,prenatal yoga, yoga, pregnancy, labor, childbirth, labor and childbirth, solenn heussaff,Bukod sa paghahanda sa mga gamit ng iyong paparating na anak, kailangan mo ring ihanda ang iyong sarili sa iyong panganganak.
PregnancyLabor & Childbirth

Part 2 Ng Prenatal Yoga Routine Sa Bahay Ni Solenn Heussaff-Bolzico

Ipinakita ng first-time mom ang mga breathing techniques na makakatulong kapag naglalabor ka na.
PHOTO BYYouTube/SolennHeussaff

Walang pagsidlan ang kaligayahan nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico nang isilang ang kanilang anak na si Thylane Katana, January 1 ngayong taon. Sa ospital na nga nagbagong taon ang mag-asawa habang hinihintay nila ang kanilang munting anghel.

Ngayon ay patuloy na nagpapagaling si Solenn, isang buwan matapos ang kanyang C-section delivery. Ibinahagi na rin niya sa publiko ang napakaganda at inviting na baby room ni Thylane. 

Samantala, sa kanyang YouTube channel at blog, ibinahagi ni Solenn ang ilang dos and don’ts sa prenatal yoga, pati na rin ilang breathing techniques, at poses na maaaring makatulong sa mga nanay, ano mang stage na sila ng kanilang pagbubuntis.

Kwento ni Solenn sa kanyang blog, malaki ang naitulong sa kanya ng prenatal yoga kaya kahit nakapanganak na siya, ibinahagi pa rin niya ang video sa kanyang channel. "Prenatal yoga really helped me physically and mentally before giving birth, up until now when I’m recovering from my C-section. Maybe it will help you too," sabi niya.

Kasama ni Solenn sa video ang kanyang prenatal yoga instructor na si Isabel Abad Santos ng P.Y.T Studio MNL.

Anu-ano ang mga dos and don’ts na dapat tandaan?

Iwasan ang mga tinatawag na deep flexions

Ayon kay Isabel, okay lang na 'yakapin' mo ang baby mo sa pamamagitan ng pag-squeeze sa iyong tiyan, ngunit hindi ito pwedeng gawin ng sagad.

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff
watch now

Basta naramdaman mo nang may bahagyang strain na sa iyong tiyan, kailangan mo nang tumigil. 

Iwasan ang deep squats

Hindi ka na rin pwede sa mga deep squats. Maganda itong birthing position, pero kung malayo ka pa sa iyong due date, isa ito sa mga ehersisyong dapat mong iwasan. 

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

Mas magandang maupo ka sa mga bolster pillows kung gagawa ka ng floor exercises. Pwede ka ring maupo sa sofa kung nahihirapan ka nang buhatin ang sarili mo tuwing tatayo ka.

Uminom ng maraming tubig

Payo ni Isabel, kahit hindi ka masyadong nagpapawis dahil hindi ka rin naman masyadong gumagalaw, importante pa rin na uminom ka ng maraming tubig. Dagdag pa ni Solenn, nakakatulong ang tubig sa iyong amniotic fluid. 

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

Makakatulong din ang tubig para i-flush out ang ano mang toxins sa iyong katawan.

Sumama sa mga klase

Sapat na ang 15-30 minutes para dito. Malaki ang maitutulong nito para mas maging malakas ang iyong pangangatawan habang ika’y buntis at hanggang ika’y makapanganak.

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

Mas magiging magaan din ang iyong pregnancy at motherhood journey kung mayroon kang mga taong makakatuwang. Payo nina Solenn at Isabel, mas magiging madali at masaya ang mga exercises kung mayroon kang kasama. "You can share tips—especially moms who have experience," kwento ni Isabel.

Pumili ng mga simpleng exercises

Bawal na muna ang jogging o anumang mga ehersisyong pwedeng matagtag o maalog ang bata sa iyong sinapupunan.

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

Maganda para sa iyo ng maglakad o 'di naman kaya ay gumawa ng mga simple at magaang hip exercises. Pwede ka rin sa mga arm exercises. Makinig ka lang sa katawan mo at sa mga payo ng iyong doktor at yoga instructor.

 

Anu-anong mga exercises ang makakatulong para sa mga nararamdaman mong tension sa iyong katawan?

Tabletop

Maganda ito para i-relax and iyong tiyan. Sa ganitong posisyon, para mo na ring idinuduyan ang iyong anak.

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

Makakatulong ito para maibsan ang ano mang tension na nararamdaman mo sa iyong likuran. Pwede mo rin itong singitan ng exercise na tinawatag na cat-cows, kung saan itataas at ibaba mo ng dahan-dahan ang iyong likuran.

Lizard Lunge

Pwede mong gawin ito kung gusto mong mapabilis ang 'pagbaba' ng iyong anak.

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

Kung mahirap sa iyo na bumaba sa sahig, pwede kang gumamit ng unan o hindi kaya ay gawin ito sa sofa. 

Puppy pose

Kung ayaw mo namang bumaba agad ang iyong anak, pwede mong gawin ang puppy pose.

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

Magandang paraan ito para 'ipahinga' mo ang iyong katawan pagkatapos ng isang exercise o habang ika’y naglalabor. 

Side-lying

Magandang pang-alis ng tensyon ang paghiga sa iyong tagiliran habang ika’y naglalabor. Sa ganitong posisyon kasi, relaxed ang iyong hita. Ayon pa kay Isabel, maganda ang position na ito sa pagtulog.

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

May ilang breathing techniques din na itinuro si Isabel. Isa na riyan ang paghiga habang nakasandal sa mga unan. Ilagay mo lang ang isang kamay sa iyong dibdib at ang isa sa iyong tiyan. Two counts para makahinga ka ng malalim at four counts naman sa iyong pag-exhale.

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

Isa pa sa mga itinuro ni Isabel ay ang pag-hum habang nag eexhale. Ibaba mo lang sa iyong tagiliran ang iyong mga kamay. Sa bawat exhale ay maghuhum ka para marelax, hindi lang ikaw, kundi pati ang iyong anak. 

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

Pwede ka ring 'mag-buzz'. Sa bawat exhale mo, sa halip na humming, buzzing naman ang iyong gagawin. Katulad ng humming, nakakarelax din ang tunog ng buzzing, sa iyo at sa iyong anak. Mararamdaman kasi ng anak mo ang vibration. 

article image
PHOTO BY YouTube/Solenn Heussaff

Ilan laman ang mga ito sa mga pwede mong praktisin para maihanda ang iyong sarili sa iyong nalalapit na panganganak. Maganda rin ang mga exercises na ito kung nakakaramdam ka ng stress habang ikaw ay buntis. 

May mga breathing exercises ka bang ginagawa ngayong buntis ka? I-share mo lang iyan sa comments section. Pwede mo ring panoorin ang kabuuan ng vlog ni Solenn sa kanyang YouTube channel o basahin ang mga dos and don’ts sa kanyang blog.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close