Senyales ng Mababang Matris: Sintomas, Sanhi, at Dapat Gawin
Hirap sa pag-ihi o mabigat ang puson? Baka mababa ang iyong matris o uterine prolapse.
Published on Feb 11, 2026
Madalas nating marinig sa kulturang Pilipino ang pahayag na “mababa ang matris mo.” Karaniwan itong binabanggit ng mga matatanda kapag ang isang babae ay nahihirapang magbuntis, laging pagod, o may nararamdamang kakaiba sa kanyang puson at balakang.
Sa medikal na pananaw, ang kondisyong ito ay tinatawag na Uterine Prolapse. Isa itong pangkaraniwang kondisyon, lalo na sa mga kababaihang nagkakaedad o nanganak na. Gayunpaman, madalas itong hindi napag-uusapan dahil sa hiya o kakulangan ng sapat na impormasyon.
Ano ang Mababang Matris o Uterine Prolapse?
Ang matris o uterus ay sinusuportahan ng mga kalamnan at litid sa ating pelvic floor. Isipin mo itong gaya ng isang duyan na sumasalo sa matris, pantog, at bituka. Kapag humina o labis na nabanat ang pelvic floor, hindi na nito kayang suportahan nang maayos ang matris. Dahil dito, dumudulas ang matris pababa sa vaginal canal, at mga malalang kaso, maaari itong lumabas sa puwerta.
Batay sa Cleveland Clinic, ang uterine prolapse ay maaaring banayad o malala depende sa hina ng sumusuportang kalamnan. Bagaman hindi ito agad itinuturing na nakamamatay, malaki ang epekto nito sa kalidad ng pamumuhay ng isang babae.
Karaniwan ang kondisyong ito sa mga kababaihan na:
Nakararanas ng maraming normal na panganganak o vaginal delivery.
Tumatanda na o nasa yugto na lampas sa menopausal period.
May matinding pagtitibi o chronic constipation o madalas na pagbubuhat ng mabibigat.
May history na ng mga problema sa pelvic area.

This Nonprofit Makes Cervical Cancer Screening Easy and Accessible
Read hereAno ang mga Pangunahing Senyales at Sintomas Nito?
Ayon sa Johns Hopkins Medicine, kapag humihina ang pelvic floor muscle at tissues ay maaaring magsimulang bumaba ang matris at magdulot ng mga sintomas gaya ng mga sumusunod:
Problema sa pag-ihi: Dahil magkatabi ang matris at pantog, madalas maapektuhan ang pag-ihi. Maaaring makaranas ng urinary incontinence o hindi mapigilang pag-ihi lalo na kapag umuubo, tumatawa, o pagbubuhat ng mabibigat. Posible rin ang urinary retention na pakiramdam na hindi maubos ang laman ng iyong pantog kahit na katatapos mo lang umihi.
Pananakit ng puson at balakang: Maaaring maranasan ang pakiramdam na mabigat o tila may hinihila pababa sa puson. Madalas na mas ramdam ito sa hapon o gabi, lalo na pagkatapos ng mahabang pagtayo, ngunit kawaniwang nawawala kapag nakahiga dahil nababawasan ang pressure.
Pakiramdam na may bukol o nakabara: Sinasabing ito ang pinakakaraniwang sintomas. Isa itong pakiramdam na may kakaibang sensasyon na parang kang nakaupo sa isang maliit na bola. Maaaring may maramdaman na may laman o bumababa sa loob ng puwerta.
Dahil din sa nakabarang ito, maaaring magdulot ng sakit o discomfort habang nakikipagtalik. Maaaring magpabawas din ng sensasyon ang pagluwag ng vaginal canal bunga ng humihinang kalamnan sa bahaging ito.
Hirap sa pagdumi: Gaya ng pantog, ang daanan ng dumi o rectum ay maaaring maapektuhan din kaya posibleng makaranasn ng constipation o hirap sa pagdumi. Kailangan pang mano-manuhin o idiin ang daliri sa may puwerta para lang maitulak ang dumi palabas.
Hindi naman lahat ng may mababang matris ay nakararamdam ng sintomas. Sa mga simpleng kaso, maaaring malaman ito sa pamamagitan ng pelvic exam. Ngunit kapag malala ang kondisyon, mas ramdam ang mga sintomas nito.
Kung nararanasan ang alinman sa mga ito, kumonsulta agad sa doktor upang sumailalim sa tamang pagsusuri at maiwasan ang paglala ng kondisyon.
Sino ang Nakararanas ng Uterine Prolapse?
Bagaman maaaring mangyari ang pagbaba ng matris sa iba’t ibang pagkakataon, mataas ang panganib nito sa mga kababaihan na dumaan sa isa o higit pang normal na panganganak. Karaniwan din itong nararanasan ng mga nasa yugto na ng kanilang menopause dahil sa natural na pagbabago ng katawan at hormones gayundin ang pagkakaroon ng ganitong kondisyon sa lahi ng pamilya. Maaari ding maranasan ito ng mga dumaan sa operasyon sa bahagi ng balakang o pelvic area na nagpapahina ng suporta sa matris.
Bakit Nagiging Mababa ang Matris?
Mahalagang malaman kung bakit nangyayari ang pagbaba ng matris upang maiwasan ang paglala ng kondisyon. Tandaan na ang pangunahing dahilan nito ay paghina ng kalamnan sa pelvic floor.
Panganganak: Ang pagbubuntis at panganganak ay nagbibigay ng matinding pressure sa pelvic floor lalo na kapag normal delivery at kung malaki ang sanggol na kinakailangang gumamit ng vaccum.
Pagtanda at Menopause: Batay sa mga pag-aaral, sa pagtanda at menopause ay bumabagsak ang estrogen level at numinipis ang suporta sa matris. Mahalaga ang estrogen para mapanatili ang pagtibay ng mga kalamnan at litid sa pelvic floor.
Labis na Pwersa: Ang matinding pwersa sa tiyan na nakasasamâ sa pelvic floor gaya ng matinding pag-ubo, pagbubuhat ng mabibigat, at sobra sa timbang.
Genetics: May mga babaeng sadyang ipinanganak na mahina ang pansuportang tissue dahil nasa lahi na nila o sa genes.
Paano ang Paraan ng Lunas at Pag-iwas Dito?
Batay sa isang artikulo sa National Library of Medicine, hindi lahat ng kaso ay nangangailangan ng operasyon. Kung ito ay nasa mild na antas pa lamang, maaaring gawin ang mga sumusunod:
Kegel Exercises: Pag-eehersisyo upang palakasin ang pelvic muscles na sumusuporta sa matris at iba pang organs at para na rin sa pagbabawas ng timbang.
Paggamit ng Pessary: Isang silicone device na isinusuot sa loob ng puwerta upang magsilbing “salo” o suporta sa matris para hindi ito lalong bumaba.
Mga posibleng dahilan kung bakit masakit ang kaliwang tagiliran.

Luslos at Fertility: May Dapat Ka Bang Ikabahala?
Read here