Tagalog,con-00062,greener,masakit ang kaliwang tagiliran,sc23,r08-em,scr24,Masakit Ang Kaliwang Tagiliran | Smart Parenting,Masakit Ang Kaliwang Tagiliran, pain in the left side, sanhi ng masakit na kaliwang tagiliran, gallstone, heart attack,Kapag ikaw ay nakakaramdam ng sakit sa kaliwang tagiliran, maraming posibleng dahilan at hindi lang dahil sa sakit sa tiyan.
SAKIT AT SINTOMASMGA URI NG SAKIT SA TIYAN

12 Posibleng Dahilan kung Bakit Masakit Ang Kaliwang Tagiliran

Alam mo ba kung anong internal organs ang nasa kaliwang tagiliran mo?
PHOTO BYADOBE

This article was published on October 18, 2021, and has been updated on July 29, 2024.

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Marami tayong internal organs sa bahagi ng ating tiyan o abdomen. Kapag ikaw ay nakakaramdam ng sakit sa kaliwang tagiliran, maraming posibleng dahilan at hindi lang dahil sa sakit sa tiyan. Mahalagang tukuyin kung sa anong internal organ nagmumula ang problema.  
 
Sa kaliwang bahagi ng abdomen matatagpuan ang ilan sa ating blood vessels, nerves, bahagi ng baga, diaphragm, bahagi ng tiyan, lapay, spleen o pali, bituka, descending colon, sigmoid colon, pantog, bahagi ng puso, kaliwang bato, at kaliwang ureter. Sa mga babae, nasa bahaging ito rin ng abdomen ang kaliwang fallopian tube at ovary.

Sanhi ng pagsakit ng kaliwang tagiliran

Anomang pagbabago, pinsala, impeksyon, at pamamaga sa mga organs na nabanggit ay magdudulot ng sakit sa kaliwang tagiliran at sa ilalim at paligid ng rib cage. Ano ang mga posibleng sanhi ng sakit?

Gas

Kapag ang isang tao ay nakalunok ng hangin habang kumakain o nagsasalita, o habang natutunaw ang pagkain sa tiyan, nata-trap ang gas sa digestive tract. Madalas na nailalabas ang hangin sa tiyan sa pamamagitan ng pagdighay o pag-utot.  

Indigestion

Kapag naiipon at dumarami ang acid pagkatapos kumain, nakararanas ng indigestion ang isang tao. Madalas na epekto ito ng pagkain nang mabilis at marami, pagkain ng maaanghang at matatabang pagkain, at kung minsan epekto rin ito ng ilang medikasyon. 

Kasama sa mga sintomas nito ang heartburn, paglaki ng tiyan, gas, pagkahilo, at pagsusuka.

Diverticulitis

Nagkakaroon ng diverticulitis kapag ang diverticula ng intestinal wall ay namamaga. Dumarami din ito sa colon at ang madalas na tinatamaan ay ang mga may edad na. Labis na sakit ang mararamdaman kapag hinahawakan ang bahaging ito. Ilan pa sa mga sintomas ang pagkahilo, chills at lagnat, constipation, pagtatae, at rectal bleeding (na hindi naman karaniwang nangyayari.)

watch now

Menstrual cramps

Ang menstrual cramps ay karaniwang nararanasan ng mga babae kapag sila ay may buwanang dalaw. Maaaring dala rin into ng endometriosis.

Pelvic inflammatory disease sa mga babae

Ang PID ay impeksyon sa uterus o matris, ovary, fallopian tubes, at cervix. Kadalasang nakukuha ito mula sa mga STD o sexually transmitted na sakit.

Kasama sa mga sintomas ang sakit sa ibabang bahagi ng tiyan at pelvis, pagsusuka, hirap sa pag-ihi, hirap sa pagdumi, at masakit na pakikipagtalik. Nagiging matindi rin ang pagdurugo kapag may regla.

Kidney stones

Sumasakit ang likod hanggang sa ibaba ng urinary tract kapag mayroong bato ang iyong bato o kidney.

Costochondritis

Karaniwan ding masakit ang kaliwang tagiliran kapag mayroong costochondritis. Nangyayari ito kapag ang cartilage na nagkokonekta sa rib patungo sa iyong sternum o breastbone ay namamaga. Sharp o masidhing sakit ang karaniwang nararamdaman sa iyong front chest wall. Posible ring umabot ang sakit sa iyong tiyan hanggang sa likuran.

Urinary tract infection

Ang urinary tract infection o UTI ay impeksyon sa bato, pantog, ureter, at urethra. Kasama sa sintomas nito ang pakiramdam na lagi kang naiihi pero halos walang lumalabas kapag umiihi ka na. Nariyan din ang lagnat, chills, at sakit sa ibabang bahagi ng abdomen at balakang.

Irritable bowel syndrome

Ang irritable bowel syndrome (IBS) ay gastrointestinal na sakit na hindi pa natutuklasan ang sanhi. Madalas na nada-diagnose ito kapag may mga sintomas ng abdominal pain, diarrhea o pagtatae, at constipation. Kailangang maagapan ito upang hindi maging colon cancer.

Problema sa spleen

Isa rin ang spleen sa posibleng dahilan ng pagsakit ng kaliwang tagiliran. Ang ating spleen o pali ay nagsisilbing drainage network panlaban sa mga impeksyon. Kapag may problema dito, o bigla itong lumalaki o nasisira, nasa itaas at kaliwang bahagi ng abdomen mararamdaman ang sakit.

Slipped disc

Ayon sa HealthLine, maaaring slipped disc din ang dahilan ng sakit sa tagiliran.  
Umaabot ito sa mga braso at binti dahil nako-compress ang mga ugat. Makararamdam din ng mas matinding sakit sa gabi at kapag matagal na nakatayo o nakaupo lang ang isang tao. Nagdudulot din ng panghihina ng kasukasuan ang slipped disk.

Heart attack

Ayon sa Harvard Medical School, maaaring maging sintomas ng atake sa puso o heart attack ang sakit sa kaliwang braso at leeg. Maaaring ding nakasentro ang sakit sa gitna ng dibdib o sa ilalim ng gitnang bahagi ng rib cage. Para bang may mabigat sa dibdib na nagdudulot ng pagkahilo at hirap sa paghinga.

Ang pagsakit ng dibdib dala ng problema sa puso ang pinakaseryosong uri ng sakit na maaaring maramdaman sa kaliwang bahagi ng iyong katawan. Dahil sa lokasyon ng puso, ang unang signs ng discomfort ay posibleng sa kaliwang bahagi ng sternum (breast bone) mo mararamdaman.

Ang angina ay nagdudulot din ng sakit sa kaliwang braso at sa panga o jaw. Ang tawag dito ay "referred" pain at madalas na sintomas ng atake sa puso.

Alamin dito ang mga pagkakaiba sa pagitan ng angina at atake sa puso.

Ang iba pang sanhi ng pagsakit sa kaliwang tagiliran ay maaari ding magdulot ng masakit na kanang bahagi ng katawan. Isa sa mga karamdamang ito ang lungs pleurisy.

Tandaang posible ring sumakit ang kaliwang tagiliran dahil sa maling posisyon sa pagtulog o sa pag-e-ehersisyo, o di kaya’y natamaan ito ng matigas na bagay o nabubugbog (tulad sa kaso ng mga naglalaro ng contact sports). Ang tawag sa kondisyong ito ay muscle strain at madali rin namang magagamot.

Huwag matakot magpatingin sa doktor sakaling masakit ang kaliwang tagiliran. Makatutulong kung binabantayan mo rin at isinusulat ang mga sintomas upang maging madali para sa iyong doktor ang pagsuri at paggamot sa iyong karamdaman. Maging specific sa pagsabi ng mga nararamdaman mong sintomas at sakit, kasama ang oras at posibleng triggers nito.

Frequently Asked Questions tungkol sa sakit sa kaliwang tagiliran

Mabuti na nagpapatingin sa doktor para sa mga alalahanin tungkol sa sakit sa kaliwang bahagi ng abdomen. Narito ang ilang mga karaniwang katanungan at kasagutan patungkol sa mga posibleng sanhi ng sakit na dulot ng mga problema sa mga internal na organo.

Q: Ano ang maaaring maging sanhi ng sakit sa kaliwang bahagi ng katawan?

A: Ang sakit sa kaliwang bahagi ng tagaliran ay maaaring sanhi ng iba't ibang suliraning may kaugnayan sa mga internal organ. Maaaring kasama rito ang mga kondisyon tulad ng impeksyon sa apdo, kidney stones, mga problema sa panunaw, mga problema sa baga, at iba pa.

Q: Paano malalaman kung may problema sa apdo ang isang tao?

A: Ang sakit na dulot ng problema sa apdo ay karaniwang may mga sintomas na kasama ang sakit sa kaliwang bahagi ng tiyan, pamamaga o pagbabago ng kulay ng balat o mata, hirap sa paghinga, pagkahilo, at pagsusuka. Subalit, tanging isang doktor ang makapagsasabi ng tiyak na dahilan ng sakit at magbibigay ng tamang diagnosis at gamutan.

Q: Posible bang maging sanhi ng sakit sa kaliwang bahagi ng katawan ang mga problema sa mga bituka?

A: Oo, posibleng maging sanhi ng sakit sa kaliwang bahagi ng katawan ang mga problema sa mga bituka tulad ng diverticulitis, colon polyps, ulcerative colitis, o ang sakit na tinatawag na inflammatory bowel disease (IBD). Ang mga sintomas na kasama nito ay karaniwang sakit sa tiyan, pagbabago sa pagdumi, at pamamaga.

Q: Ano ang dapat gawin kung may nararamdaman akong sakit sa kaliwang bahagi ng katawan?

A: Kung mayroon kang nararamdaman na malalang sakit sa kaliwang bahagi ng katawan, mahalagang kumonsulta sa isang doktor agad. Ang doktor ang makapagbibigay ng pinakamahusay na gabay at pagsusuri para matukoy ang eksaktong sanhi ng iyong sakit. Huwag patagalin ang pagpapatingin upang mapag-alaman at matugunan ang posibleng mga problema na nagdudulot ng sakit.

Q: Ano ang mga pagkaing dapat iwasan kung may sakit sa kaliwang tagiliran?

A: Maaaring umiwas muna sa mga pagkaing maaanghang, mataba, at mataas sa acid kung ikaw ay nakakaranas ng pananakit sa kaliwang tagiliran dahil maaaring magpalala ng mga pagkaing ito ang mga sintomas na iyong nararamdaman. Iwasan muna ang mga ito at kumonsulta sa doktor ng naarapat na dietary plan para sa iyo.

Q: Paano maiiwasan ang UTI?

A: Kung ang pananakit ng iyong tagiliran ay dulot ng UTI, maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na tubig, pagpapanatili ng tamang personal hygiene, at pag-iwas sa mga irritant gaya ng caffeine at alkohol. Kumonsulta din sa doktor para sa tamang gamot panglunas ng UTI.

Q: Posible bang maging sanhi ng sakit sa kaliwang tagiliran ang mga problema sa gulugod o spine?

A: Maaaring magdulot ng pananakit sa kaliwang tagiliran ang mga probema sa gulugod o spine tula ng herniated disc o slipped disk. Kumonsulta sa isang spine specialist para sa tamang pagsusuri at paggamot.

Q: Ano ang nararapat na gawin kung nakakaranas ng matinding pananakit ng kaliwang tagiliran na hindi nawawala?

A: Nararapat na kumonsulta agad sa doktor kung hindi na nawawala ang matinding pananakit ng kaliwang tagiliran. Ito ay maaaring indikasyon ng isang seryosong kondisyon na nangangailangan ng agarang atensyon medikal.

Q: Meron bang preventive measures para maiwasan ang sakit sa kaliwang tagiliran? Ano ang mga ito?

A: Ang tamang pag-ehersisyo, balanced diet, tamang hydration, at regular na pagpapatingin sa doktor ay ilan lamang sa mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan ang pananakit sa kaliwang tagiliran.

Mahalaga ang tamang pag-diagnose at pag-gamot ng mga sakit sa kaliwang bahagi ng katawan. Huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa isang doktor para sa agarang payo at pagsusuri.

Basahin ito para malaman ang mga posibleng dahilan ng pananakit sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Frequently Asked Questions:

Mabuti na nagpapatingin sa doktor para sa mga alalahanin tungkol sa sakit sa kaliwang bahagi ng abdomen. Narito ang ilang mga karaniwang katanungan at kasagutan patungkol sa mga posibleng sanhi ng sakit na dulot ng mga problema sa mga internal na organo.

Q: Ano ang maaaring maging sanhi ng sakit sa kaliwang bahagi ng katawan?

A: Ang sakit sa kaliwang bahagi ng tagaliran ay maaaring sanhi ng iba't ibang suliraning may kaugnayan sa mga internal organ. Maaaring kasama rito ang mga kondisyon tulad ng impeksyon sa apdo, kidney stones, mga problema sa panunaw, mga problema sa baga, at iba pa.

Q: Paano malalaman kung may problema sa apdo ang isang tao?

A: Ang sakit na dulot ng problema sa apdo ay karaniwang may mga sintomas na kasama ang sakit sa kaliwang bahagi ng tiyan, pamamaga o pagbabago ng kulay ng balat o mata, hirap sa paghinga, pagkahilo, at pagsusuka. Subalit, tanging isang doktor ang makapagsasabi ng tiyak na dahilan ng sakit at magbibigay ng tamang diagnosis at gamutan.

Q: Posible bang maging sanhi ng sakit sa kaliwang bahagi ng katawan ang mga problema sa mga bituka?

A: Oo, posibleng maging sanhi ng sakit sa kaliwang bahagi ng katawan ang mga problema sa mga bituka tulad ng diverticulitis, colon polyps, ulcerative colitis, o ang sakit na tinatawag na inflammatory bowel disease (IBD). Ang mga sintomas na kasama nito ay karaniwang sakit sa tiyan, pagbabago sa pagdumi, at pamamaga.

Q: Ano ang dapat gawin kung may nararamdaman akong sakit sa kaliwang bahagi ng katawan?

A: Kung mayroon kang nararamdaman na malalang sakit sa kaliwang bahagi ng katawan, mahalagang kumonsulta sa isang doktor agad. Ang doktor ang makapagbibigay ng pinakamahusay na gabay at pagsusuri para matukoy ang eksaktong sanhi ng iyong sakit. Huwag patagalin ang pagpapatingin upang mapag-alaman at matugunan ang posibleng mga problema na nagdudulot ng sakit.

Mahalaga ang tamang pag-diagnose at pag-gamot ng mga sakit sa kaliwang bahagi ng katawan. Huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa isang doktor para sa agarang payo at pagsusuri.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more

Close