
PHOTO BY SHUTTERSTOCK

Trending in Summit Network
"Anong diaper brand gamit niyo?"
Isa yata ito sa pinakamadalas na conversation starter ng mga parents, lalo na ang mga first-time moms and dads. Madami kasing options na available, at iba-iba rin ang pwet ng ating mga anak, hiyangan talaga ito.
Kahit pa sabihin ng iyong trusted parent friend na itong brand ang gamitin mo dahil subok na niya ito, o ilang ulit mo nang nakikita ang commercial ad ng isang diaper brand sa TV o sa social media, tiyak na iba pa rin ang magiging experience ng toddler mo dahil every pwet is unique!
Kaya naman, nag-lista kami ng mga diaper brands na hindi masyado advertised sa TV, pero laging usap-usapan sa mga parent communities at laman ng shopping cart ng mga mommies!
Yes, eto ang sabi ng mga parents sa Smart Parenting Village. Nagtanong kasi ang isang daddy kung anong magandang brand ng diapers ang pwede sa kanyang toddler na 1-year-old. Aniya, "Yung mga nagagamit ko kasi, hindi napupuno yung buong diaper sa ihi. Boy kasi, kaya sa harap lagi yung puno."
Dagdag pa niya, "Tapos nagka-clump up na ung cotton pad. Humihiwalay na. Hindi na umaabot sa likod ng diaper."
To the rescue naman ang mga SPV moms and dads, at sa 223 comments, heto ang top answers nila:
Ayon sa website ng Rascal + Friends, ang produkto nila ay gawa sa feather soft materials, water-based inks, at walang halong kemikal. Sabi nila, "no nasties, just love."
Payo ng mga mommies, bumili nito sa Lazada every payday para may discount!
Itong diaper brand naman na ito ay gawa sa China, at sulit na sulit daw ayon sa isang mommy. Dahil sa ganda ng material nito, nagagawa pa niyang ibaliktad ang suot ng diaper sa kanyang boy toddler para hindi sayang!
Mabibili ito sa Shopee.
Isa ito sa well-loved brands ng mommies sa comment section. Super absorbent core ang pambato ng brand na ito. Sabi nila, goods na goods daw itong UniLove at affordable pa. Sabi ng isang mommy, hindi daw ito nagbubuo-buo kahit puno na.
Mabibili din ito sa Shopee.
READ ALSO: May Naamoy Ka Ba? Moms Reveal Their Funniest Leaking Diaper Stories
Highly recommended naman ang Happy Baby Pants ng mga mommies. Sulit daw siya at maganda. Murang-mura daw ito at sabi ng isang mommy, pag mahal daw ang diaper ng toddler niya, nagkaka-rashes ito!
Meron nito sa Lazada.
Itong diaper brand naman na ito from Japan ay nagsasabing gentle daw on skin ang produkto nila. Ayon sa mga mommies, ito daw ang so far the best para sa kanila.
Payo ng isang boy mom, siguraduhin daw na nakababa ang penis ni toddler para hindi lang sa harap ang wiwi.
Available ito sa Shopee.
Ito naman ay isang bagong diaper brand na mula rin sa China. Ayon sa Makuku, designed ang Slim and Comfort series ng diapers na ito nang naaayon sa humidity at panahon dito sa Pilipinas.
READ ALSO: LOL! Here's What Happens When Dads Are On Diaper Duty
Nasubukan namin personally ng toddler ko ang diaper brand na ito. Loyal user kami ng isang popular diaper brand, pero nang subukan namin ito, hindi talaga namumuo ang wiwi. Hindi rin nagkaroon ng rashes si toddler, at hindi rin nagkaroon ng leakage kahit puno na.
Available na ito sa Shopee and Lazada.
Minsan, ang sanhi ng leakage or rash ay dahil masikip na pala ang diaper size kay toddler! Paano malalaman kung kailan magpapalit ng size? Basahin dito.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.