embed embed2
  • Home Spa Service: Saan Magandang Mag-Book Ng Mani-Pedi

    Magandang alternative ito kung hindi ka makaalis ng bahay.
    by Jhem Bon .
Home Spa Service: Saan Magandang Mag-Book Ng Mani-Pedi
PHOTO BY iStock
  • Masarap magpa-spa kapag pagod mula sa trabaho o gawaing bahay. Isa ito sa mga pinakamabisang paraan para maibsan ang ating pagod, lalo na kung wala tayong panahon para magbakasyon at mag-relax.

    Kaya lang, nakakatamad na ring lumabas ng bahay para magpunta sa spa. Ngunit dahil sa internet at sa mga nauusong apps para sa mga serbisyo, pwede ka nang mag-book ng spa service para hindi mo na kailangan pang umalis ng bahay.

    Kung rest at relaxation sa bahay ang hanap mo, pwedeng-pwede na dahil mayroon nang mga nail spas na sila mismo ang pupunta sa inyo. Narito ang ilan na pwede mong subukan:

    Celebrity Nails

    (Instagram: @celebritynails)

    Sulitin ang halagang P700 sa mga nail spa service nila. Mayroon silang manicure at pedicure, face at body care, at hair removal waxing.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagbibigay din sila ng serbisyo para sa mga bata kaya maari din itong family bonding sa inyong tahanan.

    What other parents are reading

    Calmia Home Service Massage and Nail Spa

    (Facebook: @calmia.spa)

    Bukod naman sa nail spa, mayroon ding silang massage service na perfect sa inyong pampering day.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din silang mani at pedi na pangbata kaya pati ang inyong anak ay kasali din sa pagrerelax.

    What other parents are reading

    Pamper Patrol Home Service Spa

    (Facebook: @PamperPatrolSpa)

    Kung gusto mo ng all-in-one service, mayroon sila lahat dito—mula sa nail spa at massage hanggang sa body treatment.

    Mayroon din silang packages para sa "sparty" o 'yung spa party na maganda para sa ano mang okasyon. Nakabase ang Pamper Patrol sa Quezon City.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Nailfinity

    (Facebook: @nailfinityPH)

    Sa halang Php300, maari ka nang magpa-home service dito kung ikaw ay nasa Taft o Makati area. Kung sa ibang bahagi ng Metro Manila ka magpapa-service ay may karagdagang P50.

    Mayroon silang nail spa at waxing services. May mga packages din sila kung higit sa isa ang kukunin mong serbisyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Spiral Spa

    (Facebook: @spiralspa)

    Bukod sa manicure at pedicure, ang Spiral Spa ay mayroon ding beauty services gaya ng hair removal at eyelash extension. Mayroon din silang lactation, pre-natal at post-natal massage para sa mga mommies, at iba pang uri ng masahe. Ang mga lugar na kanilang sineserbisyuhan ay Quezon City at ilang parte ng San Juan, Eastwood, Ortigas, Manila at Caloocan City.

    Pwede mo ring i-check ang kanilang website para sa mas maraming impormasyon: https://www.spiralspa.com/

    What other parents are reading

    Serenity Aromatherapy Home Spa

    (Facebook: @call4serenity)

    Ang manicure, pedicure at foot spa package nila ay nagkakahalaga ng P640.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May iba pa silang serbisyo gaya ng massage therapy, body scrub at body treatment. Bukas sila 24/7 at nagbibigay sila ng serbisyo sa karamihan ng lugar sa Metro Manila.

    What other parents are reading

    Tumawag ng maaga para masigurong available ang package na gusto mo at may magserserbisyo sa iyo sa oras na available ka. Siguraduhin mong kumpleto ang detalye na ibibigay mo, lalo na ang iyong address at phone/mobile number para madali ka nilang mahanap at ma-contact. 

    Kung ngayon mo pa lang masususbukang magpa-home service, huwag kalimutang banggitin kung mayroon kang karamdaman tulad ng diabetes at iba pang kondisyon na maaaring maapektuhan kung magpapaservice ka. Sisiguraduhin naman ng mga spas sa ating listahan na malusog ang iyong pangangatawan at nasa mabuti kang kalagayan para manatili kang ligtas habang sineserbisyohan ka nila. 

    Sinisiguro rin ng mga nail spas na nabanggit sa listahan na ito na ligtas ang kanilang mga kliyente mula sa mga nakakahawang sakit sa pamamagitan ng consistent na pag-sterilize ng kanilang mga gamit. Ang kanilang mga massage therapists ay certified at lisensyado rin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi mo na kailangan pang makipagbuno sa traffic salamat sa mga home nail spa services na ito. Nakapag-relax ka na sa bahay, maaari pa itong maging bonding ng inyong pamilya. Pagkatapos nito, maari ka nang dumiretso sa sarili mong kama para ituloy ang iyong pahinga. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles