-
Preschooler Your Child's Bad and Aggressive Behavior May Be a Result of How You Treat Him
-
Labor & Childbirth Why C-Section Moms Are Brave: The Serious Risks They Face During Delivery
-
Home How This Single Mom Became A Homeowner At 25: 'Ayaw Ko Nang Palipat-Lipat Kami'
-
Wellness Embracing Mom Bod! 6 Moms Say Bye To Insecurities, Hello Sexy And Strong Body
-
Subscriptions, Games, At Iba Pang Mga Valentine's Day Gifts Para Kay Tatay
Wala ka pang naiisip na ibigay sa kanya?by Ana Gonzales .

PHOTO BY Facebook/Grazing Manila, Shave Manila
Malimit ay hindi vocal ang mga tatay pagdating sa kung anong gusto nila para sa kanilang mga sarili. Sa katunayan, nang magtanong kami sa mga tatay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, mga partners din nila ang sumagot para sa kanila.
Kung hirap kang mag-isip ng ireregalo sa haligi ng tahanan, dahil marahil nairegalo mo na sa kanya ang mga nakaugalian, narito ang ilang gift ideas na pwede mong subukan.
Valentine's Day gifts for dad kung sakto o wala kang budget:
Mga personalized items
Marami na ngayong mga online shops ang nagpe-personalize ng mga regalo. Pwede kang bumili ng magandang mugs, caps, o bags na siya mong ipapa-customize. Magandang choice din ang mga personalized holder ng alcohol o sanitizer.
Movie na wala sa Netflix
Dahil pwede ka nang mag-rent ng mga movies online ngayon, magandang mag-rent o bumili sa mga streaming sites tulad ng YouTube o Apple TV. Nagkakahalaga ang mga ito ng Php100 hanggang Php300.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAlamin ang kanyang love language
Kung wala kang budget, malaking bagay na ang alamin mo ang kanyang love language. Kung quality time, mag-alone time kayong mag-asawa na walang mga distractions.
Massage
Kahit 30 minutes lang ng isang relaxing massage, okay na! Maglagay ka lang ng scented candles sa paligid at paandarin ang diffuser, para na rin kayong nagpunta sa spa.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBagong wallet
Ugali ng mga tatay iyong hindi sila agad nagpapalit ng gamit kahit na sira-sira na ang mayroon sila. Kaya naman magandang regaluhan sila ng mga bagong gamit tulad ng wallet.
Valentine's Day gifts for dad kung medyo may budget ka:
Date night boxes
Dahil mahirap nang makapag-book sa mga restaurants ngayon at delikado na rin ang madalas na paglabas-labas, bakit hindi na lang kayo sa bahay mag-date? Pwede kang bumili ng mga date night boxes o kits sa Kindingkits.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon silang Pizza Date Night Box, kung saan pwede kayong gumawa ng sarili ninyong pizza sa bahay. Mayroon din silang Mojito Box, para makapag-enjoy kayo ng drinks kahit nasa bahay lang.
Drinks at pulutan
Kung umiinom ang asawa mo, magluto ka lang ng crispy chicharon bulaklak o ano mang paborito niyang pulutan at saka ito ipares sa malamig na beer o hard drinks.
Grazing Box
Kung wine naman ang hilig ni mister, pwede mo siyang bigyan ng grazing box para i-partner dito. Pwede kang umorder niyan sa Grazing Manila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWShaving Kit
Hilig ba ni daddy na i-maintain ang maayos na beard? Kailangan niya ng magandang shaving kit. Maganda ang mga pagpipilian sa Shave Manila.
Valentine's Day gifts for dad kung medyo malaki ang budget mo:
NBA League Pass
Mahilig ba sa NBA ang partner mo? Lagi ba siyang nagtitiis na manood na lang ng replay? Pwede mo siyang bigyan ng subscription para makapanood siya ng mga live NBA games.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwede mong bilhin ang Team Pass kung saan pwede niyang mapanood ang lahat ng laro ng kanyang paboritong team. P2,600 ang ganito. Kung malaki naman ang budget mo, P4,700 ang League Pass para sa lahat ng mga laro.
PC Parts
Siguradong ma-aappreciate ni daddy kung bibigyan mo siya ng bagong piyesa para sa kanyang personal computer o PC.
Mas maganda lang na konsultahin mo muna siya para sigurado kang tama at pasok ang bibilhin mo sa kasalukuyan niyang setup.
Playstation 4
Huwag malungkot kung hindi mo afford ang bagong Playstation 5, pwede mo pa rin namang bilhin ang Playstation 4. Nagkakahalaga ito ng P20,000, pero may mga nagbebenta ng secondhand nito na nagkakahalaga ng P8,000.
Mag-ingat lang sa pagbili para sigurado kang nasa maayos na kundisyon pa ang babayaran mo.
Bike Parts
Malaking tulong din kay hubby ang mga bagong bike parts—lalo na ngayon na pahirapan ang pagco-commute.
Bago ka pa man ma-stress sa pagbibigay ng regalo kay hubby, isipin mo na ang tunay na ibig sabihin ng Valentine's Day. Wala ito sa mahal o laki ng regalo mo, kundi sa pagpapahalaga mo sa taong pinili mong makasama habang-buhay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAnong Valentine's Day gift mo kay daddy? May naisip ka na ba? I-share mo na iyan sa comments section. Hindi lang pang-Valentine's Day ang regalong hanap mo? Pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village?

View More Stories About
Trending in Summit Network