-
Epektibo Nga Ba Apple Cider Vinegar Laban sa Belly Fat?
May pros at cons ang ganitong paraan ng weight loss.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Karamihan sa mga sumubok nang magbawas ng timbang ang nagsasabing pinakamahirap paliitin ang baywang. May pagkakataon pa nga na pumayat na ang lahat ng parte ng katawan pero maumbok pa rin ang tiyan. Isang solusyon na popular ang apple cider vinegar laban sa belly fat.
Produkto ang apple cider vinegar (ACV) ng mga mansanas na dinurog at dumaan sa proseso ng distillation at fermentation. Ayon sa artikulo ni Dr. Robert H. Shmerling na nalathala noong 2018 sa Harvard Health Publishing, maaaring ang mataas na antas ng acetic acid at ilan pang compounds mula sa ACV ang nagbibigay benepisyo sa katawan. Kabilang dito ang improved health, detoxification, at weight loss.
Acetic acid ang main component hindi lamang ng ACV ngunit iba pang klase ng suka. Lumabas daw sa mga pag-aaral na may kinalaman ang acetic acid sa pagpigil ng fat deposition at pagbuti ng metabolism sa obese rats.
Ang 2009 research naman na ginawa sa Japan ay kalahok ang mga taong obese, at ang ilan sa 175 participants ay uminom ng may halong suka araw-araw. One tablespoon sa unang grupo at two tablespoons sa pangalawang grupo, habang wala namang suka sa ikatlong grupo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPagkaraan ng tatlong buwan, iyong mga uminom ng may halong suka ay nagbawas ng timbang mula dalawa hanggang apat na pounds kumpara doon sa mga walang halong suka ang ininom.
Binanggit din ni Dr. Shmerling ang 2018 study, kung saan mismong apple cider vinegar ang hinalo sa inumin ng ilan sa 39 subjects na may restricted calorie diet. Ang natira sa kanila ay hindi naman uminom ng ACV. Pagkalipas ng 12 weeks, nagbawas ng timbang ang parehong grupo pero mas lamang iyong uminom ng ACV.
Isa pang patunay na maaaring epektibo ang apple cider vinegar laban sa belly fat ay ang kakayahan nitong pigilan ang pagtaas ang blood sugar sa mga taong may prediabetes at type 2 diabetes. Nahaharangan daw kasi ng ACV ang starch absorption, na siya namang nagbibigay problema sa mga diabetic at matataba.
Nakita sa 2010 study galing sa Annals of Nutrition and Metabolism na ang pag-inom ng 2 teaspoons ng ACV tuwing meal time ay puwedeng makatulong sa pagbawas ng sugar crashes at pagmintina ng blood sugar level. Nasundan ito ng 2013 study galing naman sa Journal of Functional Foods. Suhestiyon dito na maaaring may kinalaman ang pag-inom ng suka, gaya ng apple cider vinegar, sa pagbaba ng glucose levels.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPaalala lang ni Dr. Shmerling na may hindi magandang epekto ang pagsama ng high vinegar content sa diet ng isang tao. Hindi daw kasi iniinom ang suka nang puro dahil baka masira ang tooth enamel, na nagsisilbing proteksyon ng ngipin. Dapat sangkap lang ito tulad sa salad dressing.
Dugtong ni Dr. Shmerling na may kinalaman din daw ang madalas na pag-inom ng suka sa pagbaba ng potassium levels at pag-iiba ng insulin levels. Bukod pa diyan, puwede rin maging dahilan ng pagkairita ng lalamunan.
What other parents are reading
Ayon naman kay Katherine Zeratsky, isang registered dietician, sa kanyang article sa Mayo Clinic website, hindi siya naniniwala na malaki ang epekto ng apple cider vinegar sa pagbabawas ng timbang.
Aniya, sinasabi lang ng ACV proponents na ang pag-inom nito bago kumain ay nakakapigil ng appetite at nakakasunog ng body fat. Pero napakaliit lamang daw ng scientific support para dito. Iyong mga ginawa ng pag-aaral ay hindi diumano consistent sa pagpapakita ng “significant and sustainable weight loss across diverse groups of people.”’
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung susubukan ang husay ng apple cider vinegar laban sa belly fat, mainam na tandaan ang payo ni Zeratsky. Wala daw “magic bullet” para sa weight loss. Maging mapanuri sa mga nagsasabing makakabawas ng timbang ang isang bagay nang hindi naman babawasan ang calories na ikokonsumo ng tao o hindi niya dadagdagan ang physical activity.
What other parents are reading

- Shares
- Comments