embed embed2
Ito Ang Sikreto Ng Mom Of 4 Kung Bakit Maganang Kumain Ng Gulay Ang Mga Anak
PHOTO BY Courtesy of Jeaneth Franciso
  • Maraming humanga sa post sa Smart Parenting Village, ang online community ng Smart Parenting, ng isang miyembro na gamit ang pangalang Ryo Jr F. Nakazato.

    Sa kanyang, aniya, kauna-unahang post, kalakip ang mga litrato ng kanyang apat na anak habang kumakain at ng mga putaheng kanyang naluto na. Tamang-tama dahil dahil Nutrition Month ang buong buwan ng July. 

    Siya pala si Jeaneth Francisco, 29, nang makapalitan namin ng mensahe sa Facebook Messenger. Ang mga anak niya ay sina Ryo, 7; Yuri,  6, Satoshi, 3; at Aya, 1. Meron din silang Facebook page na Nakazato Family ang pangalan.

    Kuwento ni Jeaneth sa kanyang post na isa siyang "housewife at hands-on sa mga bata." Wala rin siyang kasama sa bahay, kaya kanya ang lahat ng gawain sa bahay at sa mga bata. Kabilang rito ang pagluluto at pagpapakain sa mga anak.

    Nagustuhan ng mga bata ang bibimbap na inihain ng kanilang Mommy Jeaneth. Fan daw siya ng K-drama, kaya sinubukan niyang magluto ng isa sa mga kilalang Korean dishes.
    PHOTO BY Courtesy of Jeaneth Francisco
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi pa ni Jeaneth, "Mahilig ako magluto lalo na mga gulay. Minsan hindi ko alam ano tawag sa luto ko. Kanina katatapos lang namin kumain, naghuhugas ako ng plato, 'yung 7 yrs old ko yumakap sa likod ko.

    "Sabi nya.. 'Mama when I grow up and have kids, I will also give them good food like you.. I really love your food, Mama.. Thank you for cooking every day...'

    "Tumango lang ako at nag thank you. Hindi ko alam na nakikita nya 'yung ginagawa ko..Feeling ko kasi ang sama kong ina dahil lagi ko sila napapagalitan, pero kahit ganon walang araw na ndi ko sila pinagluto.

    "Minsan na lang kami kumain sa labas.. Wala ring birthday ang lumipas na ndi ko sila hinandaan at nag decorate sa bahay...

    "Syanga po pala, lahat po sila sinanay ko sa gulay, yung 1 year old ko matakaw narin ngayon sa gulay dahil nakikita nya mga kapatid nya na kumakain..."

    Kumpletos rekados at hitik sa nutrisyon ang mga niluluto at hinahain ni Jeaneth sa buong pamilya.
    PHOTO BY Courtesy of Jeaneth Francisco
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tips sa pagluluto ng gulay para sa mga bata

    Umani ng mga positibong komento ang post ni Jeaneth:

    "Nakaka-inspire! Parang sarap na sarap 'yung mga kids sa mga food nila. Thank you for sharing! Makapagluto na nga din madalas."

    "Kahit nakakapagod basta para sa anak laban lang. Good job mommy."

    "Mukhang mas masarap pa po ang mga luto nyo kesa sa mga nakikita ko sa mga restaurants! Galing nyo po! Wala ako ganyang talent. Tagakain lang po talaga ako."

    "Pang fine dining ang plating! Nice!"

    May mga humihingi rin ng recipes at tips sa pagluluto ng gulay para sa mga bata. Halimbawa ang broccoli na, ayon nga sa isang komento, matigas ang tangkay kaya kadalasang hindi isinasama sa pagluluto.

    Sagot ni Jeaneth:

    1. Balatan ang tangkay ng broccoli para matanggal ang balat na matigas.

    2. Steam muna ang broccoli.

    3. Sa kawali, maglagay ng olive oil. Mag-gisa ng bawang, medyo "burn," o brown na ang kulay. Patayin ang apoy.

    4. Ilagay sa kawali ang broccoli, pati ang konting asin at paminta.

    Pagmamalaki pa ni Jeaneth, "Promise mi, ala restaurant ang lasa, half-cook lang po."

    Ito ang crispy damong Maria. Kahit halamang gamot ay nagagawang malinamnam ni Jeaneth. Aniya, masarap daw ito at hindi mapait.
    PHOTO BY Jeaneth Francisco
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Read also: Healthy Food For Toddlers

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles