embed embed2
Nakakataba Ba Ang Kape? Nakakataba Lang Kung Ganito Ang Timpla Mo
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.

    Kape ang kalimitang pampagising ng karamihan mula umaga hanggang inumaga na. Hindi lang isa bagkus ilang tasa ang hindi namamalayang naiinom kada araw. Kaya hindi rin maiiwasang magtanong, lalo na ng mga nagnanais magbawas ng timbang, kung nakakataba ba ang kape.

    Anong meron sa kape?

    Alam natin na galing ang kape mula sa coffee beans, na siya namang buto ng coffee cherry. Ang coffee cherries ay bunga ng coffee trees mula sa Coffea genus, at may iba-ibang species nito. Kapag ang coffee beans ay nagiling na bilang ground coffee, maaari na itong matimpla maging brewed o instant man.

    Ayon sa United States Department of Agriculture (USDA), ang isang tasang kape (8 fl oz/240 grams) ng brewed black coffee ay naglalaman ng:
    • Water - 239 g
    • Protein - 0.288 g
    • Total lipid (fat) - 0.048 g
    • Calcium - 4.8 mg
    • Iron - 0.024 mg
    • Magnesium - 7.2 mg
    • Phosphorus - 7.2 mg
    • Potassium - 118 mg
    • Sodium - 4.8 mg
    • Zinc - 0.048 mg
    • Copper - 0.005 mg
    • Thiamin - 0.034 mg
    • Riboflavin - 0.182 mg
    • Niacin - 0.458 mg
    • Vitamin B6 - 0.002 mg
    • Folate (total) - 4.8 ug
    • Choline (total) - 6.24 mg
    • Vitamin E (alpha-tocopherol) - 0.024 mg
    • Vitamin K (phylloquinone) - 0.24 ug
    • Fatty acids (total saturated) - 0.005 g
    • SFA 16:0 - 0.005 g
    • Fatty acids (total monounsaturated) - 0.036 g
    • Fatty acids (total polyunsaturated) - 0.002 g
    • PUFA 18:2 - 0.002 g
    • Caffeine - 96 mg
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero nagbabago ang nutritional value ng kape kapag hinaluan ito ng iba pang sangkap, ayon naman sa mga eksperto mula sa Institute for Scientific Information on Coffee. Anila, "The addition of milk, cream, sugar or other sweeteners to taste will affect the final nutritional value and may increase the calorie content."

    Dagdag pa nila na may epekto rin ang ginagamit na tubig sa preparasyon ng black coffee sa micronutrient content nito, lalo na sa taglay na calcium at magnesium. May kaunti rin daw epekto ang pinagtaniman ng coffee trees, pati na ang blend composition at pagproseso ng coffee beans.

    Nakakataba ba ang kape?

    May paliwanag ang registered dietician na si Katherine Zeratsky sa Mayo Clinic kung problema ba ang kape sa mga nagbabawas ng timbang. Aniya, depende sa uri at timpla ng kape ang kasagutan.

    Ang isang tasa ng plain brewed coffee raw kasi ay wala pang 5 calories ang taglay at wala rin itong fat. Pero kapag may nilagay kang iba pang sangkap, tulad ng asukal at gatas, madadagdagan din ang calories ng iyong inuming kape.

    Ganito raw ang mga karagdagang calories:
    • Sugar - 16 calories kada isang kutsarita (4 grams)
    • Heavy whipping cream - 101 calories kada dalawang kutsarita (1 ounce)
    • Half-and-half - 37 calories kada dalawang kutsarita (1 ounce)
    • Fat-free milk - 10 calories kada dalawang kutsara (1 ounce)

    Payo ni Zeratsky na bago mag-order sa coffee shop, magtanong muna tungkol sa calorie content at nutritional value ng napupusuang inumin. Mayroon daw kasing coffee drinks na grabe ang dami ng calories.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sabi pa ng registered dietician na okay lang ang paminsan-minsan na pag-inom ng kapeng lunod sa calories. Pero kung seryoso ka sa pagbabawas ng timbang, mainam daw na pag-isipang mabuti ang iinuming coffee drink.

    Epekto ng kape sa kalusugan

    Nitong mga nagdaang taon, ayon sa mga eksperto mula sa Harvard School of Public Health, naging sentro ng debate ang pag-inom ng kape. Taong 1991 daw nang isali ang kape sa listahan ng posibleng sanhi ng cancer o carcinogens ng World Health Organization (WHO).

    Pero sinalungat at tinama ito ng isang pag-aaral noong 2016, na nagsasabing walang kinalaman ang kape sa pagtaas ng panganib ng tao sa cancer. Katunayan daw pinapababa pa ng pag-inom ng kape ang panganib mula sa ilang klase ng cancer.

    May mga sumunod pa raw na pag-aaral na nagsabing "healthy beverage" ang kape basta "in moderation" ang pag-inom nito.

    Base raw sa Dietary Guidelines for Americans, ang moderate na dami ng inuming kape ay mula tatlo hanggang limang tasa kada araw. Nasa 400 mg lang daw dapat ang makokonsumong caffeine para masabing healthy at makasiguro kung nakakataba ba ang kape.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles