;
embed embed2
  • Banana Tea Ang Murang Solusyon Kung Lagi Kang Hindi Makatulog

    Heto ang simpleng paraan ng paggawa nito.
    by Ana Gonzales .
Banana Tea Ang Murang Solusyon Kung Lagi Kang Hindi Makatulog
PHOTO BY Shutterstock/Heike Rau
  • Hindi na bago ang insomnia sa mga nanay at tatay—mas lumala na lang ito ngayon dahil sa COVID-19 pandemic. Marami ang nangangamba dahil sa kawalan ng kasiguraduhan ng mga bagay-bagay. Marami rin ang stressed dahil sa mga hamong dala ng work-from-home setup, distance learning at iba pa.

    Kung isa ka sa mga nanay na relate na relate dito, pwede mong subukan ang simpleng solusyong ito. Magtimpla ka ng banana tea.

    Anu-ano ang benepisyo ng pag-inom ng banana tea?

    Ayon sa ilang pag-aaral, ang pag-inom nito kahit isang oras bago ka matulog ay nakakatulong para pakalmahin ang iyong nervous system. Nakakatulong din ito para ihanda ang sarili mo para sa deep sleep.

    Ang balat kasi ng saging ay mayaman sa potassium at magnesium. Ang dalawang ito ay kilala bilang mga natural na muscle relaxants.

    Ang magnesium ay tinatawag ding "magical mineral" dahil nakakatulong din ito sa hormone balance, stress support, detoxification, at marami pang iba.

    Mayroon ding tinatawag na amino acid L-tryptophan ang saging. Ikino-convert ito ng katawan para maging 5-HTP sa utak. Ang 5-HTP naman ay nagiging serotonin na siyang pamparelax at melatonin na tinagurian ding sleep hormone.

    Paano gumawa ng banana tea?

    May dalawang paraan para makagawa ng banana tea. Pwede mong gamitin ang buong saging at pwede mo ring gamitin ang balat lang.

    Paraan ng paggawa ng banana tea gamit ang buong saging:

    Step 1: Alisin ang magkabilang dulo ng saging bago ito hiwain nang ilang malalaking piraso.

    Step 2: Pakuluan nang sampung minuto, salain, at inumin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paraan ng paggawa ng banana tea gamit ang balat lamang:

    Pwede kang gumamit ng tuyong balat ng saging at pwede rin namang fresh. Para patuyuin ang balat, pwede kang gumamit ng dehydrator o oven, depende sa kung anong mayroon ka.

    Kapag tuyo na ang mga balat ng saging, pwede kang gumamit ng tatlong kutsara para sa isang tasa ng banana tea.

    Kung fresh banana peel naman ang gagamitin mo, magpakulo ka lang ng isang buong balat ng saging sa 1 ¼ cup ng tubig. Pwede mong lagyan ng kaunting cinnamon powder depende sa gusto mong tapang ng flavor. Hayaan mo lang itong mag-simmer nang walo hanggang sampung minuto.

    Pagkatapos ng sampung minuto, pwede mo nang i-strain ang balat at ilipat ang tsaa sa iyong mug. Lagyan ng ano mang sweetener na gusto mo.

    Ganyan lang kasimple ang paggawa ng banana tea. Kaya ngayon, sa halip na itapon mo ang balat ng saging, ipunin mo na lang ito at gawing tsaa. Nakatipid ka na sa iyong evening tea, nakatulog ka pa ng mahimbing.

     

    **

    Mayroon ka bang mga recipes at hacks na tulad nito? I-share mo lang sa comments section o ipadala sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles