;
embed embed2
Bakit May Buo-Buong Regla? Mga Posibleng Dahilan, Sabi Ng Ob-Gyn
PHOTO BY Pexels/Cliff Booth
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Bagamat isa lang ang tungkulin ng female reproductive system, iba-iba naman ang karanasan ng bawat babae. Sa menstruation, halimbawa, merong nakakaranas ng malakas na regla at meron namang nagtatanong kung bakit mahina ang menstruation o di kaya kung may paraan para lumabas ang regla. Dagdag pa diyan ang tanong kung bakit may buo buong regla.

    Mga dapat tandaan tungkol sa menstruation

    May paliwanag si Dr. Mary Ann Romero-Fernandez, isang obstetrician-gynecologist, sa SmartParenting.com.ph para mas maintindihan ang pagkakaroon ng regla. Aniya, ang menstruation ay "series of hormone driven-events" sa katawan ng babae bilang preparasyon sa posibleng pagbubuntis.

    Kada buwan, sabi pa ni Dr. Romero-Fernandez, nagpapakawala ang obaryo (ovary) ng itlog (ovum). Tinatawag ang pangyayaring ito sa reproductive system na ovulation. Kasabay nito ang hormonal changes upang makapaghanda ang matris (uterus). Pero kung walang nakapasok na sperm para makipagkita sa ovum, walang magaganap na fertilization, na siyang bubuo sana ng baby.

    Kaya kung walang fertilization, ang hinahanda sana ng uterus na lining para sa baby ay kusang kumakalas at nahuhulog palabas ng vagina. Ito ngayon ang nakikitang dugo kapag nireregla, at tinatawag na menstruation o di kaya menstrual period, cycle, at period.

    Paliwanag pa ni Dr. Romero-Fernandez na merong apat na phases ng menstruation:

    • Menstrual phase
    • Follicular phase
    • Ovulation phase
    • Luteal phase

    Sabi pa ng doktora, ang normal menstrual cycle ay nagsisimula ang pagbibilang mula sa unang araw ng isang period hanggang sa unang araw ng kasunod na period. Nangyayari ito kada 21 hanggang 35 na araw, at tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang mga palatandaan ng normal menstruation:

    • Tinatayang mula 5 hanggang 80 mL (o 6 tbsp) ang daloy ng regla
    • Tinatayang 5 mL ang fully soaked pad o sanitary napkin
    • Tinatayang 10 mL hanggang 15 mL ang fully soaked overnight pad

    Ang abnormal menstruation naman, tumatalon o di kaya humihinto na ang pagreregla. Masasabing irregular ang period mo kung:

    • Higit pa ito sa pitong araw
    • May pagitan ito ng hindi lalagpas sa 21 araw o di kaya higit sa 35 na araw
    • Higit ito sa 80 mL
    • May pagdudugo sa pagitan ng pagreregla

    Kapag hindi ka talaga dinatnan ng regla, baka nakakaranas ka ng amenorrhea, kung saan tumitigil ang menstrual period. Kung madalang ka namang magkaroon, baka nakaranas ka ng tinatawag na oligimenorrhea. Maaari ka ring maranas ng grabeng pagsakit ng puson (dysmenorrhea) o di kaya abn uterine bleeding (AUB).

    Bakit may buo buong regla

    Kung napapansin mong buo-buo ang iyong regla, baka dahil iyan sa kondisyon na tinatawag na menorrhagia, sabi ni Dr. Romero-Fernandez. Ayon naman sa Mayo Clinic, ang menorrhagia ang medical term para sa menstrual period na hindi normal ang lakas at tagal. 

    May ilang mga posibleng sanhi ng menorrhagia:

    Hormonal imbalance

    Halimbawa nito ang pagiging obese, pati na ang pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome (PCOS) at thyroid problems. Kabilang diyan ang hyperthyroidism (overactive ang thyroid gland) at hypothyroidism (underactive ang thyroid gland).

    Dysfunction of the ovaries

    Maaaring sintomas ang buo-buong regla ng pagkakaroon ng problema sa isa o parehong obaryo.

    Uterine fibroids

    Tinatawag na uterine fibroids, o di kaya leiomyomas ang mga tumutubong muscle at connective tissue sa paligid ng uterus, ayon sa Cleveland Clinic. Kadalasan daw na benign, o hindi cancerous, ang uterine fibroids.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Polyps

    Tumutubo ang uterine polyps sa inner wall ng uterus hanggang sa uterine activity dahil sa abnormal na pagdami ng cells. Malimit ding benign ang polyps, sabi ng mga eksperto,pero may mga kaso na ring tumuloy sa cancer.

    Adenomyosis

    Kilala sa tawag na adenomyosis ang kondisyon sa female reproductive system, kung saan kumakapal at lumalaki ang uterus.

    Intra-uterine device (IUD)

    Puwedeng maging sanhi ng buo-buong regla ang paggamit ng birth control method na IUD, sabi ni Dr. Romero-Fernandez.

    Pregnancy complications

    Kung nakaranas ka ng kumplikasyon sa pagbubuntis, gaya ng placenta previa, baka iyon ang dahilan ng buo-buo mong regla.

    Uterine/cervical cancer

    Maaaring sintomas ang buo-buong regla ng uterine o di kaya cervical cancer.

    Bleeding disorders

    Puwede ring sanhi ng buo-buong regla ang pagkakaroon ng kondisyon dulot ng pagdudugo.

    Medications

    Posible ring side effect ang buo-buong regla ng iniinom mong gamot, gaya ng non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) at anticoagulants. Isa pa ang pag-inom ng oral contraceptives o birth control pills.

    Other medical conditions

    Kung may problema ka sa liver o di kaya sa kidneys, maaaring makaapekto iyan sa iyong menstruation.

    Mga dapat gawin sa buo buong regla

    Mahigpit na bilin ni Dr. Romero-Fernandez na huwag balewalain ang pagkakaroon ng buo-buong regla. Kaya kaagad na magpatingin sa ob-gyn para masuri at mabigyan ka ng mga test. May tips din siya para mabantayan mo ang lagay ng iyong menstrual period at maayos pa ito kung sakali.

    Una, subaybayan ang iyong menstrual cyce sa pamamagitan ng sarili mong record, kung saan isusulat mo ang ganitong mga detalye:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Simula at katapusan ng mentrual period
    • Gaano karami ang regla
    • Gaano katagal o ilang araw ang regla
    • Pagdudugo sa pagitan ng mentrual period, kung meron
    • Pananakit ng puson o dysmenorrhea

    Sabi pa ng doktora, makakatulong na maiwasan kung bakit may buo buong regla ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, tamang pagkain, at hustong exercise. Sikapin din daw na bumisita sa doktor kung kinakailangan.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles