;
embed embed2
  • Ito Raw Ang Gamot Sa Allergies Kung Ayaw Antukin, Sabi Ng Mga Eksperto

    Non-drowsy kasi ang antihistamine na ito.
    by Jocelyn Valle .
Ito Raw Ang Gamot Sa Allergies Kung Ayaw Antukin, Sabi Ng Mga Eksperto
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag makati ang lalamunan, hindi maiwasang mag-alala dahil isa iyan sa mga posibleng sintomas ng COVID-19, ayon sa World Health Organization (WHO). Pero may iba pang mga dahilan, tulad ng allergy, kaya may mga gamot din, gaya ng cetirizine para sa makating lalamunan.

    Bakit kumakati ang lalamunan?

    Karaniwang inuugnay sa makating lalamunan ang sore throat, strep throat, at tonsillitis. Taliwas sa akala ng karamihan, hindi sila iisang kondisyon lamang bagkus tatlong magkakaibang sakit. Kung sore throat, namamaga ang lalamunan. Pero kapag tonsils ang namaga, tonsillitis na ito at, sa patuloy na pamamaga, maaaring tumuloy sa strep throat.

    Kadasalang kasunod ng makating lalamunan ang pag-ubo, lalo na kung may plema sa lalamunan at tinatawag na productive cough. Pero puwede ring nonproductive o dry cough dahil wala itong kasamang phlegm o mucus.

    Sa ganyang karamdaman, ang una mong iisipin ay magkakasipon ka. Ang sipon o common cold ay isang uri ng infection na dulot ng napakaraming uri ng virus. Ang pinaka-common sa mga ito ay ang rhinovirus. Naaapektuhan ng sipon ang upper respiratory tract, na binubuo ng ilong at lalamunan.

    Iisipin mo rin na baka tuluyan kang magkatrangkaso o flu. Tinatawag rin itong influenza, na isang respiratory illness na sanhi ng flu virus. Lubhang nakakahawa ang sakit na ito at mabilis kumalat. Pero kapag naagapan, madali itong nagagamot ng anti-flu medicine. May flu vaccine rin para makaiwas sa sakit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa viral o bacterial infection, ayon sa mga eksperto ng University of Michigan Health (UMH) puwede ring kumati ang lalamunan dahil sa mga sumusunod:

    • Cigarette smoke
    • Environmental irritants
    • Postnasal drip
    • Asthma
    • Acid reflux
    • Bronchitis
    • Allergies

    Makating lalamunan dahil sa allergies

    Maaring mangati ang iyong lalamunan kapag nagkaroon ka ng exposure sa bagay na nagbibigay sa iyo ng allergy, ayon sa mga eksperto. Ilan sa common allergens ang pollen at dust, na nagdudulot naman ng hay fever. Ang iba pang allergens ay ipis, amag, balahibo ng hayop, at kulisap sa alikabok (dust mites).

    Bukod sa lalamunan, puwede ring mangati ang iyong ilong at mata. Dagdag pa diyan ang pagtulo ng sipon, pagbahing, at pamumula at pagluluha ng mga mata. Mainam na komunsulta sa doktor upang matukoy ang allergy mo, at kung meron nga, reresetahan ka ng gamot.

    Gamot sa makating lalamunan at ibang sintomas ng allergy

    Antihistamines ang gamot para sa allergies, sabi ng mga eksperto sa Mayo Clinic. Paliwanag nila na gawain ng antihistahimes na harangin ang histamine, o ang chemical na nilalabas ng immune system kapag nagkakaroon ng allergic reaction. Mabibili ang gamot na ito bilang pills, liquids, inhalers, nasal sprays, eyedrops, skin creams, at injections.

    Isa sa mga iniinom o oral antihistamines ang cetirizine. Itinuturing itong non-drowsy dahil hindi ito nagdudulot ng sobrang antok pagkatapos mo itong inumin. Kabilang din sa non-drowsy classification ang desloratadine, fexofenadine, levocetirizine, at loratadine.

    May paliwanag pa ang mga eksperto sa MedlinePlus, ang information resource ng U.S. National Library of Medicine. Anila, ginagamit ang cetirizine para sa makating lalamunan at iba pang sintomas ng hay fever at allergies. Ginagamit din daw ito para gamutin ang pangangati at pamumula na dulot ng pantal (hives).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bilin ng mga ekperto na bago inumin ang cetirizine, mainam na sabihin mo muna sa iyong doktor kung:

    • Nagkaroon ka na dati ng allergic reaction sa cetirizine at iba pang gamot, gaya ng hydroxyzine
    • May iba ka pang iniinom o balak na inumin na gamot, vitamins, nutritional supplements, at herbal products
    • Nagkaroon o meron ka pa ring sakit sa bato o di kaya sa atay
    • Buntis ka o nagpaplanong mabuntis
    • Nagpapadede ng bata

    Kung naumpisahan mo nang uminom ng cetirizine para sa makating lalamunan at saka ka nabuntis, payo ng mga eksperto na sabihan ang iyong doktor. Kahit hindi ka buntis, sabihin pa rin ang iyong doktor kung makaramdam ka ng sobrang pagod, panunuyo ng bibig, pananakit ng tiyan, pagtatae, at pagsusuka.

    Basahin dito ang tungkol pa sa gamot sa makating lalamunan at dito kung mayroon ding dry cough.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles