;
embed embed2
  • Dumadalas Ang Atake Ng Hika? 3 Rekomendadong Paraan Ng Mga Eksperto Para Sa Chronic Asthma

    Malalaman mong lumalala ang iyong asthma kapag mas madalas at higit na itong nakapeperwisyo.
    by Anna G. Miranda .
Dumadalas Ang Atake Ng Hika? 3 Rekomendadong Paraan Ng Mga Eksperto Para Sa Chronic Asthma
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa sa pinakakaraniwang trigger ng asthma (hika) ang usok dahil mabilis itong nakapagdudulot ng pamamaga ng baga. Mayroong iba pang asthma triggers kagaya ng pollen, ehersisyo, viral infections, o malamig na hangin. Kapag nagkaroon ng pamamaga sa baga, nagsisimula na ang asthma attack.

    Mayroong mga taong may asthma na hindi alam ang mga detalye tungkol sa kanilang sakit. Mahalagang kumunsulta sa doktor upang makakuha ng wastong diagnosis, lalo na’t maaaring lumala ang kondisyon na ito (asthma exacerbation) at tumagal o long-term bilang chronic asthma.

    Ano ang chronic asthma

    Mayroong tatlong katangian ang chronic asthma, ayon sa Johns Hopkins Medicine:

    • Hyperresponsiveness
    • Inflammation o pamamaga
    • Obstruction o pagharang sa daluyan ng hangin sa baga

    Ang daluyan o airways ay mga tubong nagdadala ng hangin papasok at palabas ng iyong baga. Paliwanag ng mga eksperto na kung mayroon kang asthma, posibleng sumisikip at namamaga ang mga daluyang ito. Posible ring magkaroon ito ng mucus kaya hindi makalabas nang maayos ang hangin kapag ikaw ay humihinga.

    Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), 1 sa 13 tao sa United States ang mayroong hika. Wala itong pinipili at karaniwang nagsisimula sa murang edad.

    Risk factors

    Karaniwang tumataas ang tyansa ng pagkakaroon kung angkop ang ganitong factors:

    • Mga babae
    • Mga taong nakatira sa urban communities
    • Mga bata at adolescents edad 5 hanggang 17
    • Mga taong exposed sa usok, tulad ng tobacco smoke
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sintomas

    Paiba-iba ang mga sintomas ng chronic asthma sa mga tao. Nariyan ang mga disruption sa trabaho o pag-aaral at iba pang gawain dahil sa mga nararanasang asthma symptoms. Sa ibang may hika, minsan lang ang asthma attack. Ang iba naman ay regular na nakararanas nito, halimbawa tuwing sila ay nag-e-ehersisyo.

    Kasama sa mga sintomas ang sumusunod:

    • Kinakapos ang hininga
    • Naninikip ang dibdib
    • Pagbabago sa kulay ng plema kapag umuubo
    • Hay fever symptoms tulad ng sneezing at runny nose
    • Hirap sa pagtulog dala ng paninikip ng dibdib, pag-ubo, at sipon
    • Pag-ubo o wheezing attacks na pinapalala ng respiratory virus, tulad ng colds o flu
    • Bumabahing kapag nag-e-exhale, na karaniwang senyales ito ng asthma sa mga bata
    • Anomang nakapagti-trigger sa asthma flare-ups

    Malalaman mong lumalala ang asthma kapag mas madalas at nakapeperwisyo ang mga sintomas nito. Kung kailangan mo na ring gumamit ng inhaler nang mas madalas, siguraduhing kukunsulta ka sa doktor para mas masuri ang iyong kalagayan.

    Kapag asthma induced by exercise, puwedeng lumala ito kapag ang hangin ay malamig at tuyo. Sa occupational asthma, triggered ng workplace irritants tulad ng chemical fumes, gases o dust ang hika.

    Sa allergy-induced asthma, triggered naman ito ng airborne substances, tulad ng pollen, mold spores, cockroach waste, o particles ng balat at natuyong laway ng mga alagang hayop (animal dander). Ilan lang ang mga iyan sa causes of asthma.

    Chronic asthma treatment

    Walang partikular na gamot na para lamang sa asthma. Mayroon lamang treatment at action plan para ma-manage ang mga sintomas nito. Kasama rito ang monitoring, pag-iwas sa triggers, at pag-inom ng ilang kombinasyon ng mga gamot. Mahala rin na malaman ang paunang lunas sa hika at dapat gawin kapag inatake ng hika.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kung malala at pangmatagalan ang iyong asthma, mas agresibo ang treatment para dito. Kadalasan ay magrerekomenda rin ang doktors ng iba't ibang kombinasyon at dosages ng medication. Makatutulong ito upang mahanap ng doktor ang pinakaepektibong kombinasyon upang mas makontrol mo ang mga sintomas ng iyong asthma.

    Kasama rito ang sumusunod:

    • Inhaled corticosteroids
    • Oral corticosteroids
    • Rescue inhaler--albuterol (Proventil HFA, Ventolin HFA, ProAirHFA)
    • Medications na makatutulong sa pag-combat sa sanhi o trigger

    Makatutulong din ang 3 Steps to Better Asthma Control ng Mayo Clinic:

    1. I-monitor o track ang iyong mga sintomas

    2. I-record and resulta ng mga lung function tests tulad ng peak flow at spirometry

    Ginagawa ang peak flow sa bahay gamit ang simpleng hand-held device na peak flow meter. Ang peak expiratory flow measurement ang nagpapakita kung gaano kabilis maibubuga ang hangin palabas sa baga. Kung minsan, ang peak flow readings ay nakikita bilang porsiyento ng performance ng iyong baga. Ang tawag dito ay ang iyong personal best peak flow.

    Ang spirometry naman ay isinasagawa sa opisina ng doktor gamit ang makinang spirometer. Mayroong ding hand-held spirometers. Sinusukat ng mga ito kung gaano karaming hangin ang kaya ng iyong baga at kung gaano karami ang maibubuga sa loob ng isang segundo pagkatapos mong huminga nang malalim.

    Ang tawag dito ay forced expiratory volume (FEV1). Ang iyong FEV1 measurement ay kinukumpara sa mga tipikal na FEV1 ng mga taong walang asthma.

    3. I-adjust ang iyong treatment batay sa iyong asthma action plan

    Payo pa ng mga eksperto na isinasaalang-alang ang family history ng asthma at personal na medical history ng allergies.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailan dapat kumunsulta sa doktor

    Mapanganib ang malalalang asthma attacks. Makipagtulungan sa iyong doktor upang matukoy ang dapat gawin kapag tumitindi ang nararamdamang sintomas. Kasama sa senyales ng asthma emergency ang labis at mabilis na pagkahingal.

    Kapag hindi na rin gumiginhawa ang pakiramdam kahit gumamit ka ng quick-relief inhaler at mabilis kang hinihingal kahit hindi matindi ang physical activity, siguraduhing agad kang magpapatingin sa iyong doktor.

    Mas mainam din kung maagang maiiwasan ang asthma o hika upang hindi magkaroon ng long-term na lung damage. Iwasan din ang pag-inom ng mga gamot na hindi precribed ng iyong doktor. 

    Puwedeng gawin sa pagkontrol ng asthma

    Mainam kung matutukoy muna ang triggers ng iyong asthma upang maiwasan ito. 
    Isa sa pinakakaraniwang trigger ang usok, sa loob man ng bahay o sa labas. Mabilis kasing nakapagdudulot ng pamamaga ng baga ang usok, anomang pinanggagalingan nito.

    Iwasan ang common allergens tulad ng alikabok, molds, pollens at animal dander, lalo kung allergic ka sa mga ito. At patuloy pa ring sumunod sa health protocols kagaya ng palaging paghuhugas ng kamay, pag-iwas na mahawakan ang ilong at mukha, at pagpapabakuna.

    Alamin din ang wastong paggamit sa inhalers at siguraduhing makatutulog nang sapat gabi-gabi. Malaking tulong din ang pag-e-ehersisyo nang sakto lamang sa kaya ng iyong katawan, upang hindi rin makapag-trigger ng chronic asthma flare-ups.

    Basahin dito kung bata ang may hika.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles