-
Daphne Pills: Paano Ito Gamitin at Ang Karanasan ng Mommies Dito
Alamin kung bakit Daphne ang pinipiling contraceptive ng mga breastfeeding mommy.by Graciella Musa and Kitty Elicay .
- Shares
- Comments

Kung gusto mo munang paghahandaan ang iyong pagbubuntis o ang susunod na pagbubuntis, wala kang dapat ipag-alala dahil maraming uri ng family planning methods na maaaring pagpilian. Isa na rito ang paggamit ng oral contraceptives o ang "pill". Maraming brands ang mabibili dito sa atin, pero ang pinakapopular ay ang Daphne pills, isang oral contraceptive na nagtataglay ng sangkap na lynestrenol.
Ano ang lynestrenol?
Ayon sa medical website na Practo, ang lynestrenol ay isang sintetikong progestogen na tulad ng progesterone na hormone ng babae. Ginagamit ang lynestrenol upang gamutin ang mga kondisyon na may kinalaman sa regla, na dulot ng kumplikasyon sa progesterone. Maliban dito, ginagamit din ito bilang oral contraceptive upang maiwasan ang pagbubuntis.
Ano ang ginagawa ng Daphne pills?
Ang Daphne Pill ay isang uri ng progestogen-only contraceptive pill. Pinapalapot nito ang cervical mucus (na humaharang sa sperm upang hindi makatagpo ng egg); at inaantala ang siklo ng regla at ovulation, ayon sa MIMS.
What other parents are reading
Paano gamitin ang progestogen-only contraceptive pills?
Kung tama ang paggamit ng progestogen-only contraceptive pills, maaari itong maging 99% epektibo, ayon sa National Health Service website (NHS) ng UK. Pero tandaan na kailangan ng reseta ng doktor para makabili ng Daphne pills. Mahalaga rin ang pagpapakonsulta sa ob-gyn upang malaman ang uri ng oral contraceptive na nababagay sa iyo. (Alamin dito kung paano gumamit ng contraceptive pills.)
Hindi tulad ng ibang oral contraceptives, gaya ng hormone-free tablets, ang progestogen-only pills ay iniinom araw-araw, sa loob ng 28 araw nang walang antala. Ayon sa MIMS, maaari itong inumin sa unang araw ng regla, o anim na linggo makalipas manganak. Kung hindi buntis, maaaring mag-umpisang uminom ng pills anumang araw, ngunit kailangan pa ring gumamit ng karagdagang contraception, gaya ng condom, sa susunod na pitong araw.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWUpang maging epektibo ang pills, kailangan itong inumin araw-araw sa parehong oras hanggang maubos ang pakete. May kasamang label ng araw ang bawat pakete upang mabantayan ang inyong pag-inom. Inumin ito pagkatapos kumain, bago magsipilyo, o bago matulog para mas madali itong maalala. Ayon sa MIMS, hangga't maaari, kailangang panatilihin ang 24 oras na pagitan sa pag-inom ng mga tableta.
Pagkatapos ng 28 araw, maaari na ulit simulan ang bagong pakete ng pills kahit hindi pa nireregla. Kadalasan, dumarating ang regla dalawang araw matapos maubos ang isang pakete.
What other parents are reading
Ano ang mangyayari kung nakaligtaang uminom ng pills?
Kung nakaligtaang uminom ng pills sa takdang oras, inumin agad ito sa susunod na tatlong oras. Kung hindi pa rin ito nainom sa loob ng tatlong oras, uminom kaagad sa oras na maalala ito ngunit siguraduhing inumin ang susunod na tableta sa takdang oras, kahit pa ang ibig sabihin nito ay ang pag-inom ng dalawang tableta sa isang araw. Gayunpaman, maaaring kailanganin ang karagdagang contraception o pag-iingta panigurado sa susunod na dalawang araw.
Ligtas ba ang Daphne pills para sa nagpapasuso?
Maraming mommies ang nagbahagi sa Parent Chat ng Smart Parenting na inirekomenda ng kanilang ob-gyn ang Daphne pills dahil maaari itong inumin kahit na nagbe-breastfeed. Ayon sa MIMS, ang Daphne pill ay ligtas para sa mga breastfeeding moms.
Ayon sa NHS, may maliit na porsyento ng progestogen na maaaring maipasa sa breast milk, pero hindi ito mapanganib sa sanggol. “Infants whose mothers are taking the tablet while breastfeeding develops normally, both physically and mentally,” (Ang mga sanggol ng mga nanay na umiinom ng Daphne pills habang nagbe-breastfeed ay lumalaking normal, sa parehong pisikal at mental na aspeto) ulat ng MIMS. Hindi rin nito maaapektuhan ang suplay ng gatas ninyo.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Ano ang mga side effect ng Daphne pills?
Hindi kasiguraduhan ang reseta ng doktor na walang side effects ang pag-inom ng contraceptive pills. Isaisip na ang mga reaksyon — mabuti man o masama — ay magkakaiba para sa bawat babae. Mapapansin ito sa mga tugon ng mga mommies sa Parent Chat na matatagpuan sa ibaba. Kaya naman mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa inyong doktor upang matiyak ang mga pills na angkop para sa inyo.
Pagdurugo o pabagu-bagong siklo ng regla
Marami sa ating Parent Chat mommies ang nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagkakaantala ng kanilang regla. Minsan, inaabot pa raw ito ng buwan, kaya hindi nila maiwasang mag-isip kung sila ba ay buntis. Sa kabila nito, negatibo naman daw ang mga pregnancy tests.
Kung umiinom ka ng Daphne pills, maaaring hindi agad bumalik ang iyong regla kahit pa maubos na ang pakete. Kung aktibong nagbe-breastfeed, maaari rin itong maging sanhi kung bakit hindi nireregla dahil ang breastfeeding ay isang anyo ng contraception, at tinatawag itong lactational amenorrhea method. Ito ay dahil ang katawan ay gumagawa ng mga hormones na pumpigil sa ovulation kapag ang babae ay nagbe-breastfeed. Gayunpaman, hindi ito maaaring asahan bilang tanging contraception, maliban kung natutugunan din ang ilan pang mga requirements, gaya nito.
Pagbabago sa ganang kumain
Ayon sa isang Parent Chat mom, lumakas ang kanyang gana sa pagkain noong magsimula siyang uminom ng Daphne pills, at ang isa naming mommy ay nagsabing higit siyang nagkaroon ng problema sa pagkontrol ng kaniyang timbang pagkatapos uminom nito. Ang iba ay nagsabing bumigat din ang kanilang timbang.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAcne
Ayon kay dermatologist Kristina Reyes, M.D., ang ilang birth control pills ay nakapigil acne na sanhi ng hormones, dahil napapataas nito ang estrogen na kumokontra sa mga epekto ng testosterone. Gayunpaman, Iniulat naman ng ibang Parent Chat members na ang Daphne pills ang nagpapalala sa mga sintomas ng kanilang acne.
“Sobrang dami ng pimples ko ngayon,” sabi ni Parent Chat member @tatabeng. Ayon naman sa iba, hiyang daw sila sa paggamit ng pills — “’Di naman ako nagka-pimples pero siyempre minsan talaga may occasional na pimple na lumalabas siguro due to puyat or stress,” sabi ni @dhen24.
Ang iba pang mga side effects na maaaring maranasan ng mga kababaihan ay pagkahilo, pagsusuka, pagsakit ng ulo, ibang pakiramdam sa dibdib, depresyon, at pamamantal. Ayon sa MIMS, karamihan sa mga side effects ay banayad lamang at agad ding nawawala pagkalipas ng ilang buwan ng pag-inom.
What other parents are reading
Nagdudulot ba ng mood swings ang Daphne pills?
May mangilan-ngilang oral contraceptives na maaring magdulot ng pag-iiba ng mood ng babae bilang side effect. Gayunpaman, ayon kay obstetrician-gynecologist Dr. Gemma Datu-Fulgado, marami nang pag-aaral ang nagpapatunay na walang panganib na ididinulot ang pills pagdating sa mood swings at depresyon. Gayong may mga pagkakataong maaaring tumaas ang sintomas sa depresyon, pagbabago-bago ng mood, at pagiging emosyonal, mahalaga pa ring matukoy kung kailan lumilitaw ang mga sintomas na ito.
Kasama ang depresyon bilang posibleng side effect para sa mga kababaihang umiinom ng Daphne pills, ayon sa MIMS, bagamat wala namang nabanggit ang mga mommies sa Parent Chat na naranasan nila ito. Maari ring maranasan ang side effect na ito kapag gumamit ng ibang brand ng pills.
Kung sa tingin ninyo ay nakaaapekto na ang mga side effects na ito sa inyong pang-araw-araw na buhay, mabuting makipag-ugnayan sa inyong doktor upang mahanap ang family planning method na angkop para sa inyo.
Kung ikaw ay nagbe-breastfeed at komportable naman sa pag-inom ng pill, ang Daphne pills ay pwede para sa iyo. Pero gaya ng ibang birth control methods, mayroon itong mga advantage at disadvantage. Kumonsulta sa inyong ob-gyn at humingi muna ng reseta bago subukan ang anumang oral contraceptive.
Kung ayaw mo ng side effects ng pills, alamin ang iba pang paraan sa pagpaplano ng pamilya dito.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Daphne Pills: How to Use It Effectively and What Moms Say About It
What other parents are reading

- Shares
- Comments