-
Hindi Lang Sa Nagkakaedad Ang Gamot Para Sa Sakit Ng Katawan: 13 Paraan Para Ayos Ang Buto-buto!
Bukod sa pagbabago ng katawan dala ng edad, may ilan pang mga dahilan sa pagsakit nito.by Anna G. Miranda .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Madalas nagkakabiruan ang mga nagkakaedad na signs of aging na ang body pains. Kaya hindi na nawawala ang gamot para sa sakit ng katawan sa bahay at sa bag bilang baon. Ito rin kasi ang panahon sa buhay na abala na sa mga gawaing bahay at sa mga tungkulin sa trabaho.
Normal man ang iba’t ibang pananakit ng katawan, hindi pa rin dapat na magsawalang-bahala. Kailangan pa ring maging maingat dahil may mga pagkakataon ding sintomas na pala ito ng iba pang karamdaman. Tulad nitong magsimula ang pandemya dulot ng COVID-19, isa ang pananakit ng katawan sa mga sintomas na inilista ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
Sanhi ng pananakit ng katawan
Madalas na dulot ng pagod, pamamaga, o injury ang pananakit ng ating katawan. Karaniwang nararamdaman ang body pains sa ating likod, mga hita, at binti, pati na masakit na balakang. Karaniwang agad din itong nawawala ngunit may mga pagkakataong tumatagal ito, lalo kung sintomas ng iba pang medical conditions tulad ng:
- Arthritis
- Chronic muscle pain
- Delayed onset muscle soreness (DOMS)
- Gout
- Fibromyalgia
- Fluid retention
- Autoimmune disorders
Ilan pa sa sanhi ng pananakit ng katawan ang sumusunod:
- Stress
- Dehydration
- Maling posture o pagiging kuba
- Maling posisyon ng katawan sa pagtulog
- Agarang pagligo at natutuyuan ng pawis
- Nasobrahan o maling paggamit sa muscle
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKapag stressed tayo, ang mga muscle sa likod ng leeg at sa balikat ay nagko-contract o tila tumutupi at naninigas. Kaya may pananakit ng likod at balikat, at iba pang parte ng katawan. Hindi rin nakokontrol ng immune system ang tugon o response nito sa inflammation.
Dahil dito, nahihirapan ang katawan sa paglaban sa impeksyon, na puwede meron o walang kasamang karamdaman. Nagdudulot ganitong sitwasyon ng pananakit ng katawan. Kapag kulang din ang supply ng dugo sa muscle, sumasakit din ang ating katawan.
Kasama sa mga sintomas ng stress ang:
- Abnormal na pagbilis ng heart rate
- Pagtaas ng blood pressure
- Hot flashes o cold sweats
- Hyperventilation
- Abnormal physical shaking
- Pananakit ng ulo kagaya ng tension headaches o migraines
Ang biglaang page-ehersisyo nang hindi nag-inat inat o walang warm-up ay isa rin sa sanhi ng sakit ng katawan. Kasama na rin sa nagdudulot ng pananakit ng katawan ang labis na timbang. Ito rin ang dahilan kung bakit madalas na inirerekomenda ng mga doktor sa kanilang pasyente ang lifestyle modification.
Ilan pa sa mga sanhi ng pananakit ng katawan ang problema sa diabetes, spinal cord, at iba pang medical conditions.
Mga sintomas
Kabilang sa ibang nararanasan kapag may pananakit ng katawan:
- Lagnat
- Panghihina
- Panginginig
- Labis na pagod
- Hirap sa pagtulog
- Muscle spasm o lamig
Ang lamig ay paninigas ng mga kasukasuan, ayon kay Dr. Elizabeth Edralin-Manlulu sa panayam sa kanya ng GMA-7 health program na Pinoy MD.
Gamot para sa sakit ng katawan
Kapag bata pa, napakataas ng enerhiya kaya kahit buong araw maglaro, kayang-kaya. Habang tumatanda, talaga namang bumababa ang resistensya at enerhiya lalo na kapag kulang sa ehersisyo at hindi gaanong maingat sa kalusugan ang isang tao. Tandaang ang pananakit ng katawan ay mensahe rin kung may kailangang baguhin sa diet at lifestyle.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKung ikaw ay nakararanas nito, anoman ang iyong edad, makatutulong ang listahang nasa ibaba upang guminhawa ang iyong pakiramdam:
1. Iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat na mga bagay.
2. Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
3. Iwasan ang agad na pagligo kapag mataas ang temperatura ng katawan.
4. Mag-warm o cold compress para marelaks ang muscles.
5. Mag-inat-inat (stretching) muna bago mag-ehersisyo o gumawa ng anomang gawaing pisikal, na lakas ang hinihingi.
6. Magpamasahe (light to medium ang lakas). Kapag lumuwag na ang muscle, mapapansing giginhawa na ang pakiramdam mo.
7. Ayusin ang posisyon ng katawan sa pagtulog.
8. Malaking ginhawa rin kapag itataas ang mga paa (elevation) at isasandal sa dingding.
9. Mag-praktis ng malalim na paghinga o deep breathing.
10. Stress management techniques tulad ng meditation, yoga, at tai chi.
11. Maglakad-lakad sa lugar na maraming halaman at malinis ang hangin.
12. Maghanap ng makakausap na mapagkakatiwalaan upang mabawasan ang stress, o maaari ding maghanap ng bagong hobby o mapagkakaabalahan.
13. Subukan ang complementary therapy, tulad ng acupuncture.
Kung nagkaroon ng injury, kailangang lapatan ng cold compress ang bahagi ng katawang apektado sa loob ng unang 24 hanggang 72 oras. Balutin ang yelo gamit ang bimpo o tuwalya, at saka ito ilapat sa injured na parte ng katawan. Mababawasan nito ang sakit at pamamaga.
Pero kapag hindi pa rin nawawala ang pananakit ng katawan sa tulong ng mga nabanggit, magpatingin na sa iyong doktor upang mabigyan ng wastong lunas.
Paliwanag ng Johns Hopkins Medicine, epektibong gamot sa sakit ng katawan ang pag-inom ng pain relievers, gaya ng acetaminophen o ibuprofen. Bukod sa pahinga, mahalaga pa rin ang pain relievers na ito basta’t may rekomendasyon mula sa doktor pagkatapos ng maingat na pagsusuri.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSamantala, payo ni Doc Willie Ong, hindi raw dapat na pain relievers lang ang aasahan. Hindi rin inirerekomendang agad na iinumin ang mga ito dahil nakasisira din ng kidney o bato, lalo kung madalas iniinom. Bihirang-bihira daw siya magreseta ng pain reliever. Higit daw na epektibong gamot sa sakit ng katawan ang pagpapamasahe at stretching.
Sa tanong kung ligtas ba ang pain relievers, paalala ng mga eksperto na mayroong panuto na dapat sundin sa mga label ng gamot. Ligtas naman ang mga over-the-counter (OTC) na gamot, ngunit kung kakailanganing uminom nito nang higit pa sa sampung araw, kailangang komunsulta sa doktor.
Paalala rin na kung ikaw ay gumagamit ng blood-thinning medicine o mayroon kang active stomach o bowel ulcers, dapat kang umiwas sa aspirin at iba pang nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs), tulad ng ibuprofen at naproxen.
Marami naman ang nagsasabing subok na nila ang ang mga pain reliever na ipinapahid, gaya ng liniment at oitment, sa kung anumang parte ng katawan na masakit. Ang iba naman ay nakakahanap ng ginhawa mula sa essential oils, na puwede ring ipahid sa katawan.
Kailan dapat komunsulta sa doktor?
Kung ikaw ay nakararanas ng alin sa mga sumusunod, agad nang magpatingin sa iyong doktor:
- Lagnat
- Hirap sa paghinga
- Nahihimatay
- Panghihina ng muscle
- Nakararanas ng seizures, o nangingisay
- Matinding ubo na hindi nawawala
- Hirap kang kontrolin ang iyong pantog, kaya panay ang ihi
- May bago o lumalalang pananakit ng katawan
- Pagkamanhid ng ilang bahagi ng katawan
- Paninikip ng dibdib o pagsakit nito
- Walang ganang kumain o hirap uminom
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung mahigit sa tatlong araw ang pananakit, o lubhang masakit talaga ang nararamdaman, lalo kung may senyales ng impeksyon, tawagan agad ang doktor o komunsulta para sa specialized care at iba pang gamot sa sakit ng katawan.
Basahin dito para sa gamot sa pasa sa katawan.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments