-
Bukod Sa Pag-inom Ng Kape, May Ilan Pang Common Triggers Ang Heart Palpitation
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
May mga pagkakataon na bumibilis ang tibok ng puso, at iniisip na baka excited lang o naparami ang inom ng kape. Pero kung napapadalas itong mangyari sa iyo, baka kailangan mo nang magpatingin sa doktor nang malaman ang gamot sa nagpapalpitate.
Heart palpitation ang tawag sa nararamdamang pagbilis ng tibok ng puso, ayon sa Mayo Clinic. Puwedeng may kasama pang pitik o di kaya kalabog. Iba-iba kasi ang karanasan sa palpitation ng bawat tao, sabi naman ng Harvard Health Publishing.
May mga tao raw na bigla na lang nagkakaroon ng palpitation at bigla ring nawawala. Iyong iba nga raw, nagkakaroon ng palpitation habang patulog sila o di kaya tumayo mula sa pagkakayuko. Minsan, nangyayari lang ang palpitation dahil sa isang activity, event, o emotions.
Common triggers
Maraming puwedeng mag-trigger na palpitation, ayon pa sa mga eksperto, kabilang na ang:
- Pinagdadaanan na stress, anxiety o panic
- Pagiging dehydrated
- Pagkukulang sa potassium
- Pagbaba ng blood sugar
- Pagkonsumo ng labis na caffeine, chocolate, o alcohol
- Pagkakaroon ng lagnat
- Pagbabago sa hormones na may kinalaman sa menstruation, pregnancy, o menopause
Mainam daw na subukan ang ilang paraan para kumalma ang pintig ng puso, tulad ng:
- Pagtigil sa paninigarilyo
- Pagbawas sa inom ng alak o itigil nang tuluyan
- Pagdalas at pagdagdag ng iniinom na tubig
- Pagsiguro na hindi nalilipasan ng gutom
- Pagtulog nang sapat na oras
- Paghinga nang malalim (deep breathing exercises)
- Paghilamos ng malamig na tubig
- Pag-obserba sa side effect ng iniinom na gamot o di kaya diet pills
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHealth problems
Kung nagpatuloy ang palpitation at lumala pa, posibleng may mas malalim ng dahilan. Paalala ni Dr. Joseph Marine ng Johns Hopkins Medicine na mahalagang malaman ang pagkakaiba ng palpitation dulot ng stress at iba pang triggers mula doon sa underlying medical conditions.
Heart disease
Maaaring ang palpitation ay resulta ng arrhythmia, o ang abnormal heart rhythm. May iba-ibang uri ng arrhythmia, kabilang na dito iyong konektado sa pagkakaroon ng stroke at cardiac arrest.
Mainam na komunsulta sa doktor nang mabigyan ng karampatan gamot hindi lang sa nagpapalpitate kung hindi sa posibleng sakit sa puso. Isa sa mga unang ipapagawa ng doktor ay ang electrocardiogram (ECG), na siyang magsasabi kung anong problema sa heartbeat at heart structure.
Sunod diyan ang Holter monitor, isang portable machine, para masundan ang heart rhythm mula 24 hours hanggang 48 hours. Mayroon pang event recording at echocardiogram.
Thyroid problem
Kapag overactive ang thyroid gland, bumibilis ang pagkilos ng sistema sa katawan, tulad ng pagtibok ng puso. Malalaman sa blood test ng thyroid stimulating hormone (TSH) kung mayroong hyperthyroidism ang pasyente.
Kailangan magamot ang hyperthyroidism upang maging normal ang pagkilos ng thyroid gland at bumalik din sa normal ang pagtibok ng puso. May ilang paraan upang malutas ang problema sa hyperthyroidism, tulad ng mag-inom ng one-time radioactive iodine sa pamamahala ng health professional.
Anemia
Isa ang palpitation sa mga sintomas ng anemia, na siyang sanhi ng kakulangan sa red blood cells. Halos 12% daw ng kababaihan mula 12 years old hanggang 49 years old ay nakararanas ng mild anemia dahil sa menstruation. Aabot naman sa 20% ng mga buntis ang mga apektado bilang pregnancy symptom.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng mga simpleng uri ng anemia ay magagamot sa pamamagitan ng pag-inom ng iron at vitamin supplements. Pero may mga mas seryosong kaso na nangangailangan ng masusing gamutan.
Alternative medicine
Bukod sa modern medicine, may mga naniniwalang magagamot din ang palpitation sa pamamagitan ng traditional medicine. Ipinaliwanag ito ng academic paper na may titulong Heart Palpitation From Traditional and Modern Medicine Perspectives.
Ang pamamaraan daw ng traditional medicine tungkol sa heart palpitation ay "holistic" at "causative."
Lahad ng mga researcher, "Palpitation is a disease, it is heart vibration and is caused by an abnormal substance in the heart itself or its membrane or other adjacent organs that would result in the heart suffering."
Sa traditional medicine, gumagamit ng fragrances, ointments, cutting artery or phlebotomy, cupping, at dieting bukod pa sa medication. Malaki raw ang tulong ng mga ito para magamot ang nagpapalpitate, ayon sa research.
Basahin dito ang palpitation kapag buntis.
What other parents are reading

- Shares
- Comments