embed embed2
  • Bakit Hindi Gumagaling Ang Sugat Ko? 3 Posibleng Dahilan, Ayon Sa Eksperto

    Ang iba't-ibang uri ng ulcers ang pinakakaraniwang dahilan ng chronic wounds.
    by Anna G. Miranda .
Bakit Hindi Gumagaling Ang Sugat Ko? 3 Posibleng Dahilan, Ayon Sa Eksperto
PHOTO BY Shutterstock/JARIRIYAWAT
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ano ba ang gamot sa sugat na matagal gumaling? 

    Napakaganda ng pagkakadisenyo sa katawan ng tao. Kung minsan, binabalewala lamang natin ito.

    Alam mo bang may sariling mga proseso ang ating katawan upang tayo ay maprotektahan? Isang halimbawa dito ang paghilom ng mga sugat. 

    Kung mayroon kang sugat na nagsimula bilang pimple o galos, at naglalangib nang paulit-ulit ngunit hindi gumagaling, posibleng chronic wound ito.

    “If you have a sore or wound that follows this pattern, it’s a red flag that you should consult a physician to start a care plan," payo ng plastic surgeon na si Christi Cavaliere, MD, medical director ng WoundCare. ("Kung may sugat ka na sumusunod sa ganitong pattern, isa itong red flag na nagsasabing kailangan mo nang kumunsulta sa doktor.")

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “A comprehensive approach is really what makes the difference in getting healed,” paliwanag niya. “So, people must get the comprehensive care they need from a primary care physician, a plastic surgeon, a podiatrist, a vascular surgeon or a wound center.”

    ("Comprehensive approach ang susi para sa paggaling. Kaya naman dapat kumunsulta sa kanilang primary care doctor, plastic surgeon, podiatrist, vascular surgeon, o wound center.")

    Ano ang chronic wounds o sugat na matagal gumaling?

    Ayon sa John Hopkins Medicine, nasa 6.5 milyong tao sa Amerika ang may mga sugat na hindi agad gumagaling. Chronic wounds ang tawag dito, na karaniwan sa mga taong mayroong diabetes, high blood pressure, obesity, at iba pang vascular disease. 

    Sintomas ng impeksyon

    Ang balat natin ang first line of defense ng ating katawan. Kapag nasusugatan, nagkakaroon ng paraan ang bacteria para mas makapagdulot ng impeksyon. Narito ang mga sintomas:

    • mabagal na paghilom
    • namamaga
    • namumula
    • masakit o malambot 
    • mainit kapag hinawakan
    • may likido o pus mula sa sugat
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Mga sanhi ng chronic wounds

    Hindi dapat balewalain ang mga sugat na ito at dapat na matukoy ang mga sanhi. Ang diabetic ulcers, venous leg ulcers at pressure ulcers ang pinakakaraniwang dahilan ng chronic wounds. 

    1. Diabetic ulcers

    Ang mga taong may diabetes ang pinakalapitin sa chronic wounds. Dahil ito sa sumusunod:

    Neuropathy o loss of feeling sa mga paa

    Dahil namamanhid ang paa, hindi agad namamalayan ng pasyente na nagkaroon ito ng sugat o galos kaya madalas magkaroon ng impeksyon.

    Poor blood flow

    Dahil sa kulang ang pagdaloy ng dugo sa mga binti, nagiging mahirap at mabagal din ang paghilom ng mga sugat.

    Makatutulong kung kakain ng mga pagkaing mayaman sa protein, iinom lagi ng tubig, at kokontrolin ang blood sugar levels. Magsuot din ng mga sapatos na hindi masikip para makaiwas sa pamamaga at mga sugat.

    Kumunsulta sa doktor kung ikaw ay diabetic. 

    2. Venous leg ulcers

    Mula ito sa uncontrolled swelling sa mga binti lalo kapag nasosobrahan sa fluid ang mga binti. Posible ring maging masakit at makati ang bahagi kung saan nag-accumulate ang fluid.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi dumadaloy nang mabuti ang dugo pataas sa mga binti dahil sa mga sugat kaya mabigat ang pakiramdam ng pasyente sa kanyang binti. Nagiging matigas at discolored din ang balat sa paligid ng sugat.

    Maaaring pabalik-balik ito at mangailangan ang pasyente ng maintenance. Makatutulong ang paggamit ng compression therapy tulad ng compression stockings. 

    3. Pressure ulcers

    Nagkakaroon ng ganitong mga sugat kapag laging may pressure sa body tissue sa loob ng mahabang panahon. Ang constant pressure na ito ang nagko-compress sa blood vessels, at nagdudulot ng injury. Mahihirapan ang katawan sa paghilom ng sugat dahil nari-restrict ang oxygen sa balat.

    Madalas na nagkakaroon ng pressure ulcers ang mga pasyenteng bed-bound o gumagamit ng wheelchair. Kasama na rin ang mga may spinal cord injuries at ang ibang may dementia.

    “Unrelieved pressure can lead to full-thickness tissue death, leaving large wounds and, potentially, exposed bone,” paliwanag ni Dr. Cavaliere.

    ("Kapag hindi narelieve ang pressure, maaaring mauwi ito sa full-thickness tissue death, kung saan nagkakaroon ng malalaking sugat at pagka-expose ng buto.")

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailangang iwasang nasa iisang posisyon lang lagi ang pasyente upang maiwasan ang pressure ulcers. Mainam din kung may  special mattresses o additional cushioning para maprotektahan ang mga buto ng pasyente.

    Kailangang agapan agad ang ganitong mga ulcers upang hindi mauwi sa ospital at/o kailanganin ang intravenous antibiotics.

    Paano gumaling ang sugat?

    Ayon sa mga eksperto, mayroong tatlo hanggang apat na healing stages ang paggaling ng isang sugat. Narito ang bawat hakbang ng proseso:

    1. Pagtigil ng pagdurugo (hemostasis)

    Sa sandaling masugatan ka, agad na kumikilos ang blood vessels para mapigilan ang bleeding o pagdurugo. Magsisimulang magsama-sama ang blood cells upang maprotektahan ang sugat at maiwasang mas maraming dugo pa ang lalabas sa iyong katawan.

    Kapag namuo at natuyo, ang blood clots na ito ang nagiging scabs o langib. Mayroon din itong protein na fibrin, na siyang bumubuo ng net upang mapanatili ang clot sa iisang lugar.

    2. Pamamaga (clotting)

    Kapag naisara ng blood clot ang sugat, maaaring bumukas nang bahagya ang blood vessels upang makapasok pa rin ang oxygen at nutrients na mahalaga para sa mabilis na paghilom ng sugat. Dahil dito, nagkakaroon ng pamumula at pamamaga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagsisilbi ring proteksyon ng sugat ang macrophage, isang uri ng white blood cell. Ito ang lumalaban sa impeksyon at sinisiguro nitong patuloy ang proseso ng paggaling ng sugat. Mayroon ding chemical messengers o growth factors na mula sa macrophages. Tumutulong ang mga ito sa mabilis na paghilom.

    Kung mayroon kang makikitang clear fluid sa bahagi ng galos o sugat, ibig sabihin nito, nililinis ng iyong katawan ang sugat.

    3. Paghilom ng sugat

    Sa oras na malinis at stable na ang sugat, magsisimula na ang katawan sa rebuilding o pagbuo ng bagong tissue sa tulong ng red blood cells. Makatutulong kung maayos ang blood circulation para magawa nang mabuti ng red blood cells ang trabaho nito.

    Magsisimula na rin ang elastic tissues sa paggawa ng collagen. Maaaring magmukhang sariwa, nakaumbok, at namumula ang peklat na iiwan ng sugat sa puntong ito. Sa paglipas ng araw, kukupas ang kulay ng peklat at magmumukhang malaki.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makararamdam ka rin ng pangangati rito at makikitang may pag-stretch ng balat sa area ng sugat.

    4. Maturation (strengthening)

    Sa paglipas ng ilang buwan, mapapansin mong hindi na gaanong namamaga at namumula ang peklat. Mas matibay na ang bagong tissue sa panahong ito. 

    Gaano ba kabilis (o kabagal) ang paghilom ng sugat?

    Kung iisipin, tila simple lamang ang proseso ng paggaling ng sugat ngunit maraming chemical signals na kasama rito. Kapag walang sapat na dugo na nakukuha ang sugat, tiyak na mabagal itong maghihilom.

    Ayon sa John Hopkins Medicine, nasa tatlong buwan bago maka-recover ang sugat. Kahit pa sarado ito o mukhang okay na sa labas, may paghilom pa ring nangyayari sa loob. Kung minsan, umaabot pa ng isa o dalawang taon ang tuluyang paggaling ng sugat.

    Ang paghilom ay depende rin sa laki at lalim ng sugat. Mas matagal din ang paghilom ng open wounds kaysa sa closed wounds.   

    Sa isang patient education series vlog ng Skilled Physicians Group, ipinaliwanag nilang may iba’t ibang salik o factors kung bakit mabagal ang paggaling ng sugat ng isang tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tulad ng unang nabanggit, posibleng may medical condition tulad ng diabetes, baka overweight o underweight ang pasyente, at puwede rin daw makaapekto ang mobility. Isa rin ang edad ng pasyente sa posibleng dahilan.

    Ano ang gamot sa sugat na matagal gumaling?

    Narito ang wastong gamutan para sa mga sugat na matagal gumaling:

    • medications tulad ng antibiotics
    • therapy na angkop sa pangangailangan ng pasyente
    • wound debridement o pagtatanggal ng dead tissue sa paligid ng sugat
    • special skin ointments
    • special bandages tulad ng ACE bandages o compression stockings 
    • suture para sa mga sumailalim ng medical operations   
    • hirudotherapy o medicinal leech therapy

    Tandaan din ang basic first-aid pagdating sa mga sugat. Siguraduhing lilinisin ang sugat at tatanggalin ang mga patay o damaged tissue sa paligid nito.

    Ang sapat at wastong pag-e-ehersisyo at pag-elevate sa sugat ay nakatutulong din sa sirkulasyon ng dugo. Tandaan ding kailangan ng katawan ng sapat na supply ng protein para makagawa ng bagong tissue, tatlong beses ang dami kaysa sa normal na daily requirement.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang proper hydration o regular na pag-inom ng tubig ay isa ring gamot sa sugat na matagal gumaling.

    Kung mayroon kang mga tanong o inaalala pagdating sa iyong kalusugan, siguraduhing kukunsulta ka sa iyong doktor para sa wastong gamot o treatment para dito.

    Alamin dito ang mga pwedeng gawin kapag nagkasugat o bukol ang mga bata.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close