Tagalog,greener,con-00370,pilay,halamang gamot sa pilay,Halamang Gamot Sa Pilay | Smart Parenting,halamang gamot sa pilay, pilay, sprain, herbal medicine, traditional medicine, medicinal plants,May mga halamang gamot sa pilay na ginagamit mula pa sa mga ninuno dahil napapatunayan hanggang ngayon na epektibo.
HealthYour Health

Dahon Ng Mayana, Sabila, Kataka-Taka, At Iba Pang Halamang Gamot Sa Pilay

Puwede ring gamitin ang ilang herbs at oils.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Ilang taon ng pag-aaral na rin ang makapagpapatunay sa healing at anti-inflammatory properties ng mga halamang gamot. Nariyan ang halamang gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae; halamang gamot sa sakit sa tenga; halamang gamot sa sugat sa ulo; halamang gamot sa pilay, at iba pang halimbawa ng mga halamang gamot.

Popular din ang mga ito dahil mas mura (o libre pa nga kung sariling tanim mo lang), madaling gamitin, at walang side effects. Sa mas maraming sitwasyon, puwede ring gamitin ang halamang gamot kahit ano ang edad ng may sakit. Pero kailangan pa ring tandaang mahalaga ang pagsasaliksik tungkol dito at pagkonsulta sa doktor.

Usapang pilay

Kung para sa iba’t ibang klase ng injury sa musculoskeletal system, makatutulong ang ilang uri ng halamang gamot. Ito ay upang suportahan ang paghilom ng mga sugat at paggaling ng sprains at strains, na kadalasan minor injuries mula sa aksidente sa sports, ehersisyo, at iba pang pisikal na gawain. Idagdag pa ang pinsala sa bukong-bukong (acute ankle injuries) ay ilan lamang sa karaniwang injuries na natatamo ng mga bata, adults, at elderly.

Sa sprain o pilay, nagkakaroon ng pinsala mula sa pagkakabanat (stretching injuries) ng ligaments, o ang tissue na nagdurugtong sa mga buto sa mga kasukasuan. Madalas na nangyayari ito sa kasukasuan o joints kung saan konektado ang dalawang buto, tulad ng bukong-bukong (ankle), tuhod, siko, at pulso (wrist).

Mga sanhi ng pilay

Ilan sa mga ito ang:

  • Labis na paggamit ng mga litid (ligament overuse)
  • May salpukan (impact)
  • Kulang sa balanse (instability)
  • Hindi maganda porma (poor form)
  • Pagkahulog (falling)
  • Panghihina ng binti (weakness in the legs)

Madalas ang iba pang mga aksidente ay mula sa

  • Pagtakbo o paglalakad sa hindi pantay na daan
  • Pagsusuot ng matataas na mga sapatos,
  • Labis na pagkakabanat (overstretching) ng ligament dulot ng ehersisyo
  • Pagbubuhat ng mabibigat

Kung minsan, malala ang mga injury na ito at nangangailangan ng ilang linggo ng rehabilitasyon.

Nahahati sa tatlong kategorya ang sprain o pilay:

Severe (Grade 3 sprains)—mayroong fully torn ligament na nagdudulot ng instability sa kasukasuan. Kilala rin bilang ruptured ligament.

watch now

Partial (Grade 2 sprains)—may malalang stretch at partial tear sa ligament. Mahigit sa isang buwan bago ito maghilom.

Mild (Grade 1 sprains)—mayroong nabanat na litid at ang recovery ay nasa isa hanggang dalawang linggo sa tulong ng home remedies.

Mga sintomas ng pilay

Kung napilayan ang bukong-bukong (sprained ankle), makakaranas ng:

  • Pamamaga (puffiness) at pamumula (discoloration)
  • May pasa at/o namamaga ang bukong-bukong
  • Mainit at pumipintig ang apektadong bahagi
  • Masakit ang bukong-bukong (ankle) kapag naglalakad o gumagalaw ka
  • May tunog, o lagatok, na maririnig sa tuwing igagalaw mo ito

Diagnosis ng pilay

Hihilingin ng iyong doktor na kunan ka ng X-ray upang higit pang masuri ang iyong kalagayan. Kung malala ang pinsalang natamo, maaaring iba pang imaging tests tulad ng magnetic resonance imaging (MRI) ang isasagawa.

Treatment sa pilay

Mainam na gawin ang sumusunod

  • Pahinga
  • Paglalapat ng cold compress o yelo na ibanalot sa bimpo sa bahagi ng may pilay
  • Pagtama ng iyong form kapag nag-e-ehersisyo
  • Pagsasaayos sa posture o tindig
  • Prolotherapy at soft tissue treatments

Inirerekomenda ng mga eksperto ang ice treatment sa unang dalawa hanggang tatlong araw matapos ang injury o pilay. Nababawasan ang blood flow sa tulong ng lamig kaya naiibsan din ang pamamaga.

May paliwanag si Dr. Emily Harold, isang sports medicine physician sa University of Utah Health, tungkol sa ice treatment. Aniya, 10 hanggang 15 minuto ang cold compress o paglalagay ng yelo. Tandaang kailangang lagyan ng tuwalya sa pagitan ng yelo at balat upang hindi magkaroon ng pinsala sa balat. Maaari itong ulit-ulitin hanggang sa guminhawa ang iyong pakiramdam. Pagkatapos ng tatlong araw, saka na maaaring gumamit ng warm compress lalo na para sa muscle injuries.

Halamang gamot sa pilay

Bukod sa paglalagay ng yelo at buong Rest, Ice, Compression, Elevation (RICE) method, malaki rin ang naitutulong ng mga halamang gamot sa pilay. Pangunahing source kasi ang mga ito ng biodynamic compounds na may therapeutic value.

Kasama sa mga halamang gamot sa pilay ang mga sumusunod na natutunan sa mga nakakatanda:

Almond oil

Ihalo ang isang kutsaritang almond oil sa 1 kutsaritang garlic oil at saka ipahid sa bahaging may pilay.

Sabila (aloe vera)

Dikdikin ang 2 hanggang 3 mga dahon nito at ipahid sa bukong-bukong o sa bahaging may pilay, tatlong beses sa isang araw.

Bawang

Isang kutsara ng katas ng bawang ang ihahalo sa isang kutsarang coconut oil o olive oil. Ipahid ito sa bahaging may pilay sa loob ng sampung minuto, dalawang beses sa isang araw.

Castor oil

Ilagay ang oil sa bowl at isawsaw rito ang kapirasong telang cotton. Ang telang ito ang ilalagay sa affected region. Maglagay rin ng mainit na tubig sa bote at ipatong ang bote sa namamagang bahaging may pilay.

Ingatang huwag mainit na mainit ang boteng ilalagay. Maaari itong patagalin sa bahaging may pilay hanggang tatlumpung minuto. Masahiin ang bahaging ito pagkatapos ng hot compress tatlong beses sa isang araw.

Kakawate

Dikdikin ang sampung dahon. Itapal ito sa bahaging may pilay sa loob ng 30 minuto, tatlong beses sa isang araw.

Kamantigui (touch me not balsam)

Magdikdik ng dalawang tangkay na may dahon. Ipahid ang katas sa bahaging may pilay sa loob ng 30 minuto, tatlong beses sa isang araw.

Kamatis

Magdikdik ng dalawa hanggang tatlong dahon. Ilagay ito sa bukung-bukong sa loob ng 30 minuto, tatlong beses maghapon. Bendahan ang tapal.

Kataka-taka (life plant)

Dikdikin ang sampung dahon. Ipahid ang katas sa bahaging may pilay sa loob ng 30 minuto, tatlong beses sa isang araw.

Lemon

Bumuo ng paste gamit ang butter at katas ng lemon. Ipahid sa affected area. Maaaring ihalo din ang isang kutsaritang lemon juice sa 1 kutsaritang honey bago i-apply sa sprain.

Mayana leaves

Dikdikin ang sampung dahon. Ipahid sa bahaging may pilay sa loob ng sampung minuto, tatlong beses sa isang araw.

Olive oil

Initin ang isang kutsarang olive oil. Hintaying maging maligamgam ang mantika bago ito ipahid sa balat at sa bahaging may pilay. Maaari ding maghalo rito ng isang egg yolk.

Repolyo

Initin ang ilang dahon ng repolyo bago ilagay sa paligid ng affected area. Maaaring gumamit ng bandage.

Sibuyas

Isang malaking sibuyas ang ilalagay sa refrigerator sa loob ng dalawang oras. Maaari itong hiwain sa ilang mga piraso at lagyan ng kaunting asin. Gawing paste ang mixture at saka ipahid sa bahaging may pilay. Hayaan ito roon sa loob ng walong oras. Puwede ring hiwain ang sibuyas at ibalot sa muslin cloth bago ipatong sa sprained ankle.

Turmeric

Ilagay ang powder sa mainit na tubig. Lagyan ng kaunting lemon juice at saka ipahid sa bahaging may pilay. Hanggang sampung oras ito maaaring iwan bago tanggalin. Gawin ito nang paulit-ulit sa loob ng tatlong araw.

Ilan pa sa mga popular na halamang gamot sa pilay ang

  • Kamuning (orange jasmine)
  • Oregano
  • Pandakaki, na mabisa rin para sa mga may iregular na regla
  • Talisay
  • Tuba-tuba

Sa ibang mga bansa, gumagamit din sila ng sumusunod:

  • Arnica
  • Bilberry
  • Calendula
  • Eucalyptus
  • Everlasting
  • Parsley
  • Rosemary

Mga dapat tandaan sa paglalagay ng halamang gamot sa pilay

1. Maaaring gumamit ng bandage o benda upang hindi agad matanggal ang mga piraso ng dahon at ang katas. Hugasan nang mabuti ang bahaging nilagyan ng gamot.

2. Maaaring gamitin ang herbs bilang dried extracts (capsules, powders, o tsaa), glycerites (glycerine extracts), o tinctures (alcohol extracts).

3. Sa pagtitimpla ng tsaa, maglagay lamang ng 1 tsp ng herb sa isang tasa ng mainit na tubig. Pakuluan sa loob ng 5-10 minuto kung gagamit ng mga dahon o bulaklak, at 10-20 minuto kung ugat ang gagamitin. Dalawa hanggang apat na tasa ang maaaring inumin kada araw.

4. Iwasan ang turmeric kung mayroon kang gallstones o gallbadder issues.

Bahagi ng treatment sa pilay ang wastong nutrisyon, ehersisyo, pahinga, at lifestyle practices. Tandaan ding mahalaga ang sapat na pahinga upang hindi na lumala pa ang pilay.

Kapag hindi na gaanong nakararamdam ng sakit sa affected area at wala na ring pamamaga, makatutulong din ang mild exercies upang bumalik ang lakas. Iwasan lang muna ang anomang gawaing makapagdudulot ng karagdagang sakit, pamamaga, o discomfort sa bahaging may pilay.

Kailan dapat komunsulta sa doktor

Anoman ang kondisyon, mainam kung kokonsulta sa doktor. Agad na magpa-check up kapag malalang sakit ang iyong nararamdaman, tila dislocated ang iyong joint, hindi gumagana ang home remedies na sinubukan, at mas lumalala ang sintomas.

Tandaang kailangang komunsulta sa doktor bago gumamit o uminom ng mga halamang gamot sa pilay. Malaking tulong din ang pagkonsulta sa physical therapist, na makapagbibigay ng mga ehersisyong makapagpapalakas mula sa iyong muscles, joints, at ligaments.

Tips upang maiwasan ang pilay

Payo ng mga eksperto:

  • Ayusin ang tindig o posture.
  • Kumain ng mayaman sa collagen
  • Mag-warm up muna bago mag-ehersisyo.
  • Mag-ingat kapag naglalaro ng contact sports.
  • Gumamit ng essential oils, tulad ng frankincense at peppermint, pang masahe.
  • Iwasang mag-ehersisyo kapag fatigued ang iyong muscles at mga buto.
  • Iwasan ang pagsusuot ng sapatos na hindi sakto ang fit sa iyo o ng unsupported shoes
  • Paalalahanan ang mga kasamang senior citizens sa bahay na magi-ingat palagi upang maiwasan ang pagtumba at iba pang aksidente. 

Read also: Halimbawa Ng Mga Halamang Gamot

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close